CHAPTER 3 | Happy Anniversary|

140 4 1
                                    

Jessica’s POV

“Ano bang problema mo?”

Hinawakan niya nang mahigpit yung braso ko habang hinahabol ako palabas ng school.

“Chen, hindi ako ha, okay? I tried my best. But its you! So don’t blame this goddamn problem to me!”

Pumiglas ako sa hawak niya.

“Jess! Anong ako? Pag-usapan natin to please? Nang mahinahon?”

Niyakap niya ako.

Hindi ko mapigilang lumuha.

“Halika, doon tayo sa bench sa park. Kumalma ka nga. Please lang.”

Umupo kami sa dating upuan kung saan kami unang nag-usap.

Ayawa pa rin tumigil ng mga mata ko sa pagluha.

Jessica….

Kaya mo to!

Kayanin mo ’to!

Masakit man sa simula, titigil din ‘to.

Dapat mo nang tapusin to.

Sobra-sobra na ang mga ginawa mo para sa kanya.

“Ayoko na. Bakit ba? Ugh. Ayoko na nga sayo Chen!”

Lumayo ako sa kanya.

“Babe,” lumapit siya at hinawakan niya ang kamay ko.

“Naging malamig na naman ba ako ha?”

“Ewan ko sayo.”

Tinakip ko yung mga kamay ko sa mukha ko para hindi niya makitang naiyak ako.

Binaba niya yung mga kamay ko, pinunasan niya ang mga luha ko.

“Sorry.”

Lumapit pa siya lalo at pinahiga yung ulo ko sa balikat niya, tapos umakbay siya sa akin at hinaplos-haplos yung buhok ko.

“Babe, sorry na talaga. Sadyang hectic lang yung schedule namin.” Tapos hinalikan niya ako sa noo.

“Talaga? Chen, nasa same agency lang tayo. Kung ano ang schedule niyo, ganun din sa amin, depende kung may comeback. Eh kaka-comeback niyo lang ah!”

Hinampas ko siya sa braso.

“Aray! Hindi! Ano, nagpapractice pa kasi kami nina Luhan, may special performance kasi kami. Tapos may showcase kami bukas.”

“Oh tignan mo, ni hindi ko nga alam yan eh! Bwisit ka talaga!” galit na talaga ako.

“Oo nga! Eh kasi wala ka din atang time.”

PUNYEMAS. Yang mga palusot mo Chen ha, sasampalin kita.

“Talaga?” umupo na ako nang maayos. “Eh bakit si Kris? Mas madalas ko pa nga siyang makasama kaysa sayo eh. Minsan iniisip kong siya na yata yung boyfriend ko.”

“Hala! Hindi ah! Mahal na mahal kita! Hindi porket nakatuon yung atensyon ko sa career ko, e hindi na kita mahal! Akala mo nakalimutan ko na anniversary natin ngayon? Hah! Akala mo lang yon.”

Kumapa siya ng something sa bulsa niya.

“Huh?”

“Jessica,” kinuha niya yung isang maliit na box mula sa bulsa niya.

“Jessica…”

“……”

“Jessica,”

“Ay! Paulit-ulit?”

“Di! Eto na talaga!”

“Ano na naman yan?!” umirap na ako.

“Jessica, simula pa nung mga panahong dito tayo nag-usap nung naging tayo, dito mismo sa upuan na ‘to, nung panahong nagmumukmok ka dito dahil ubos na yung strawberry shake na tinitinda, tapos nagkataong ako yung nakabili ng huling shake, binigay ko sayo yun tapos para kang pre-school sa sobrang tuwa..”

“Yaaaa! Ang sama mo! Pre-school talaga!?” hinampas ko siya ulit sa braso.

“Eh, basta yun! Tapos, nasira yung sapatos ko, kaya hinubad ko, tapos binigay ko sayo yung isang kapareha, ginawa kong ‘couple shoes’. Naalala ko pa nga, diring-diri ka pa, kasi madumi na ‘to at sira. Sabi ko, pangako, sa bawat monthsary natin, makakatanggap ka ng kapares ng isang worn-out shoes ko, nakakadiri man, sweet pa rin….”

“Hahaha! Tama na nga! Ayoko na maalala yan! Hahaha!”

Tumawa ako nang tumawa.

“…. Buti na nga lang, may dala akong extrang sapatos para sa rehearsal. Sinuot ko ‘to, tapos, pinaghatian natin yung pares ng sapatos kong nasira. Sayo yung right, akin yung left. Nagpaalam ako dahil kailangan ko nang umalis. Sinabi ko sayo noon na iingatan mo yun. Pag-alis ko pa nga eh, binato mo yung sapatos sa likod ko, kaya hinayaan na lang kita, ayaw mo eh. Tapos pag lingon ko naman, pinulot mo rin at pinunasan…”

“Grabe ka! Naaalala mo pa yun?” natuwa ako masyado kaya naluha ulit ako.

“Ganun! Ganun tayo nagsimula. At ngayon, maliban sa pang-twelve na sapatos na ibibigay ko,” lumuhod siya at unti-unting binuksan ang maliit na kahon.

“Jessica Marie Santillan, will you stay with me forever?”

Ang laman ng kahon ay isang napaka-gandang singsing na may 3 diamonds.

“Huh? Chen, college pa lang tayo, kasal agad?” nanlaki talaga yung mga mata ko.

“Bakit? Sinabi ko bang will you marry me?” panloloko niya.

Lecheng to. Chen, you're fvcking trolling me. DAMN YOU.

“Okay, bahala ka diyan.” Mag-wwalk-out na sana ako.

“De joke lang. Sabi ko, will you stay with me forever? Kasi ako, sasamahan kita hanggang sa pagtanda natin.” 

 ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

AN: Hi~ Little update lang ulit. :) Oo nga pala, si Chen po yung nasa kanan~ Wala lang, ang ganda kasi ng gif niya na yan eh, kaya siya lang yung nag-gif. Hahahaha! Sensya~ Yung next chappy, malupit. :) Yun lang. Bye~ :)

Into your WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon