Ito na guys! The most awaited part ni Kier! Enjoy ^____^
Pagkahatid ko kay Jaz di mawala ang ngiti sa labi ko. Dahil naging okay na kami at dahil masaya ako na di nya pa din ako nakakalimutan. Sana lang tama ang pakiramdam ko na ako ang pipiliin nya. Papasok na sana ako ng bahay ng biglang may magsalita.
Di ba parang nangduga ka nyan? Alam mong sabik kang makita ng tao. At alam mo din na may masasaktan ka kung bigla kang magpapakilala? Napatingin ako sa kanya. Alam kong tutol sya dito pero desidido na talaga ako. Una sa lahat di ako nanduga! Kilala nya na talaga ako at ako ang nauna sa kanya. At di pa naman sila kaya wala akong inaagaw. Ako pa nga ang mas may karapatan dahil kami naman talaga dapat. Tumawa sya sa sinabi ko at lalo akong naasar! Nakakatawa ka. Di ka na bata mahal kong kapatid huh Prince Kier. Paano si Jaz? Ano sa tingin mo magiging reaksyon nya kung malalaman nyang ikaw lang pala ang lalakeng hinahanap nya at nangakong babalikan sya? Na all this time nasa tabi ka lang pala nya? Ano sa tingin mo sa panloloko mo sa kanya? Nakakabwusit talaga tong kapatid ko! Bakit ba kasi nandito to? Tss di ko sya niloko at di ganun yun. Humina ang boses ko dahil at some point I feel guilty pa rin. Talaga lang? Bakit kailangan mo pang sabihing pamangkin ko ang tatlong yun at ako bilang manager mo sa pekeng bandang ginawa mo? Oo tama kayo. Ate ko si Mico ang manager namen. At pinsan ko ang tatlong bugok na yun. Anak sila ng kapatid ni mama. At di totoong may banda kami. Plinano ko lang ang mga yun para mapalapit ako sakanya. Unang beses kong nakita si Jaz sa isang Bar na kumakanta. Napatitig ako sa kanya dahil parang pamilyar sya. Nagkabanggaan kami at di sinasadyang nalaglag ang I.D. nya at dun ko nalaman na sya nga si Jaz. At mula nun plinano ko ang lahat. Mula sa pagbili nung bahay na tinatambayan ni Jaz at sa pag gawa ng pekeng banda.
Umpisa pa lang tutol na si ate sa plano ko pero tinuloy ko pa rin. Ayokong magpakilala sa kanya agad bilang Prince dahil di ko naman sigurado kung may babalikan pa ba ako. Kahit minsan gusto ko ng sabihin sa kanya kung sino ba talaga ako. Lalo na ngayon na alam kong naguguluhan na sya sa feelings nya dahil naaalala na nya ako.
Masaya ako ng nakita ko sya sa bakuran ko. Alam kong lage syang pumupunta dun at masaya ako dahil di nya pa rin ako nalilimutan. Kaya ginawa ko ang lahat para mabawi ang lugar na yun. Nakita ko syang nakapikit kaya nilapitan ko sya. Nasabik akong makausap sya kaya siguro sa isip nya muka akong wirdo. Kaya sinabi ko agad sa kanya na may banda kami para mas mapalapit ako sa kanya. At habang tumatagal lalo akong napapamahal ulit sa kanya.
Kaya lang iba na ngayon. Kung noon ako lang ang gusto nya pero ngayon may iba na sya. At nasasaktan ako dahil kaibigan ko pa. Oo magkaibigan kami ni Marco noon! Di na ngayon! Nagkakilala kami ng nasa states pa ko. Kaso umuwi sila sa pilipinas at dun na nag stay. Lage kong kinukwento sa kanya si Jaz kaya sabi ko sa kanya bantayan nya ito para sa akin. Noong una lage pa kaming nakakapag kwentuhan tungkol kay Jaz pero nang tumagal umamin ito sakin na may nararamdaman na din sya dito. Nagalit ako sa kanya at natakot dahil mas malapit sya kay Jaz at di imposibleng mahalin din sya nito. Mula nun nagkaaway kami. Pero mukang nag iba ang ikot ng mundo. Bumalik si Marco dito sa states after ng graduation nya ng H.S. at some point natuwa ako pero nalungkot din dahil nalaman kong may heart disease sya. At kailangan nyang magpa opera pa. After the operation dinalaw ko sya at nag usap kami ng masinsinan.
So kayo na ni Jaz? Bungad ko sa kanya. There was never an us. I tried to confess but I think its not yet time. Nasaktan ko sya at alam kong umasa na sya saken pero di ko tinuloy dahil sa letseng puso ko! Galit na pahayag nya. So tama nga ako, minahal na din sya ni Jaz!
I'm going back to her. And i'll make sure he will remember what we have before. Seryoso kong sabi kay Marco. Alam kong kagagaling lang nya pero ito lang ang tamang panahon para pag usapan to. Go ahead. Once my heart is ready im going back again. And may the best man win. Nagkamay kami. After all we have been friends.
BINABASA MO ANG
So Close Yet So Far
RomanceTalaga bang may unrequitted love? Eh one sided love na-try mo? Naniniwala ka ba sa true love? Tingin mo totoo yun kasabihan na "good things come's to those who wait"? Sa palagay mo after mo ma-broken hearted maniniwala ka pa din ba na may forever? E...