Wedding Day!!!
Maaga akong nagising or mas tamang sabihin na hindi naman talaga ako nakatulog. Kaya ginawa ko nang damay ako. Sumiksik ako sa kama nila Elle at Kaye at nakipagdaldalan sa kanila."Guys sa tingin nyo totoo ba tong mga nangyayari sa amin ni Marco ngayon? Oo gusto ko 'to pero parang may mali, at di ko alam kung ano yun."
"Alam mo Jaz walang mali sa pagmamahal" Wow may hugat si Kaye.
"Magiging mali lang naman kung alam mong may nasasaktan ka? Meron nga ba?" Natulala ako sa tanong ni Kaye. Bigla kong naalala si Kier. So meron nga ba?
"Natulala ka noh girl? Silence means yes ba Jaz? At saka sa pagkakaalam ko may girlfriend si Marco. Alam mo naman yun di ba? Unless nag break na sila. Yan ang alamin mo. FB din pag may time girl" Maarteng sabi ni Elle. Di ko alam kung san ako unang maiinis eh. Sa sabi nyang may girlfriend si Marco oh sa kaartehan nya ever!
"Di ko alam, naguguluhan ako. Matagal ko ng gustong mangyari to pero ngayong nandito na ko parang di na ako sigurado sa feelings ko."
"OMG! Dahil ba kay Kier? Ang gwapo naman kasi talaga ni Kier hahaha" At pinagnasaan pa ni Kaye grabe!
"Eh what if Marco chooses to be with you this time and for the rest of his life?" Biglang sabat naman ni Elle. So may nabubuong fan war ba dito?
"Teka nga! Pinapagulo nyo lalo yung utak ko eh! Saka pede ba hinaan nyo boses nyo, wala tayo sa kabilang kwarto andun lang sa kabilang kama si Marco buti sana kung katulad yun ni Marvz matulog nganga!"
"Pero paano kung piliin mo si Marco? Feeling mo ba sya na talaga? Paano kung may girlfriend nga sya? Ipaglalaban mo ba? Are you williing to be hurt and take the risk?" Tanong sa akin ni Kaye.
"But what if Kier is really the one for you? Sayang ang chance kung di mo susubukan. Sabi mo nakikita mo sa kanya yung batang lagi mong kinukwento mo sa amin. Ikaw din Jaz, True love come's once in a lifetime" Napaisip naman ako sa sabi ni Elle.
Minabuti ko nalang umalis na at magpunta sa venue para maayusan na ako kesa kausapin yung dalwang yun dahil mas pinapasakit pa nila ulo ko sa kakaisip. Habang naglalakad ako biglang may tumatawag sa phone ko at nag panic ako...
"Ahh hello?"
"Did i woke you up?"
"Ah no it's ok. How are you? Sorry nga pala di ako nakasama sa praktis naten, malapit na pati yung big night naten."
"Ok lang. I just want to hear your voice kahit di ka kumanta. I miss you so much Jaz"
Napatigil ako sa sinabi nya. Di ko na namalayan na napapangiti na ako.
"I miss you to Kier. Aga mo naman maglambing hehe. Nga pala Kier may itatanong ako sa iyo"
"Ano yun?"
"Bakit na sayo yung picture ko ng bata pa ako? Sa pagkakaalam ko isang tao lang ang pinagbigyan ko noon eh"
Natagalan bago sya sumagot at rinig ko ang pag buntong hininga nya bago sya sumagot.
"I'll explain everything to you as soon as you come back. But for now I want you to be happy. Sige bye na. Take care Jaz"
Magsasalita pa sana ako pero binaba na nya. Adik din tong Kier na to minsan. Pero nakakakilig pa din hahaha.
*******
Mas uumpisa na ang entourage ni Iza. At ang ganda nya sobra. Iba pala ang feeling ng kinakasal, I'm so happy for her. Napatingin naman ako sa partner ko dahil kami na pala ang susunod na maglalakad. Nilagay nya yung kamay ko sa braso nya sabay ngiti.
"You look perfect Jaz"
"Perfectly for you?"
"Sana one day ako naman ang mag aabang sa altar at ikaw naman ang maglalakad mag isa sa aisle."
Napatingin ako kay Marco pero nginitian nya lang ako.
After ng kiss the bride ay napatingin ako bigla kay Marco at nag flying kiss ako at ang loko loko sinapo sabay kindat. Feeling ko nawalan ng garter panty ko.
Ang pinaka masayang part ng kasal bukod sa ceremony ay ang reception pero sad to say di kami nakapunta due to some circumstances na nakakainis kaya namasyal na lang kami. Nag stay kami sa isang Park at doon nag picnic. Inaya ako ni Marco saglit para makapag usap daw kami, tinignan ko yung mga kaibigan ko kunwari dedma pero yung tenga nila nakasunod sa amin. Mga tsismosa talaga.
"Jaz mahala kita. And I'm sorry if it takes time bago ko pa sabihin. May mga bagay lang kasi na akala ko malabo ng mangyari pa. Pero nandito na ako. Mahal mo pa din ba ako?"
Ito na ba yun? Ano ng isasagot ko? Paano si Kier? Argh ang hirap ng may mahabang buhok! Walang sinabi ang dry hair ni ka freddie!
"Mahal kita Marco pero.."
"Pero ano?
"Paano yung girlfriend mo? Ayokong maging third wheel. Kung nag momove on ka i understand you need someone pero and di ko iintindihin ay gawin mo akong rebound"
"We're over. Matagal na kaming wala Jaz. At noon pa lang mahal na kita natatakot lang akong sabihin dahil may mga bagay na akala ko di na mangyayari. Jaz believe me It's always been you."
Niyakap ko sya at di ko mapigilang maluha sa sinabi nya.
"Susubukan naten Marco" at lalong humigpit ang yakap nya sa akin.
Sana lang tama ang ginawa ko. Sana tamang tao ang pinili kong saktan.
BLUE: Yo guys! Sorry talaga for the long wait. Wala pa din akong CP haha sorry poorita! Pero pipilitin kong tapusin to. Salamat sa mga nagbasa at nag aantay grabe as in naka 1.1k reads ako? Grabe big deal na saken yun haha. So sana nagustuhan nyo ^___^
BINABASA MO ANG
So Close Yet So Far
RomanceTalaga bang may unrequitted love? Eh one sided love na-try mo? Naniniwala ka ba sa true love? Tingin mo totoo yun kasabihan na "good things come's to those who wait"? Sa palagay mo after mo ma-broken hearted maniniwala ka pa din ba na may forever? E...