Kabanata 9

85 8 1
                                    

Nang matapos namin ang kanta nagpalakpakan lalo sila. Maraming natuwa. At kinilig dahil bagay na bagay daw ang boses namin ni kier. 

Nang matapos na kaming magperform ay nilapitan namin sila sa table. Nandun na din si Marco at kausap sila kaye, elle at iza.



"Hi. Ok ba kanina? haha kinabahan ako sobra" bungad ko sa kanila. Hatak hatak ko naman si kier dahil yung tatlo nauna na sa van kasama si manager.

"grabe ang galing! bagay na bagay kayo" kinikilig na sabi ni iza.

"nice blending jaz at kier. walang pambobola bagay kayo kumanta." So sa pagkanta lang kami bagay kaye? napakunot tuloy ng noo si kier haha

"Oo nga jaz. Your so awesome a while ago. Pahingi ako ng autograph nyo ni kier maya ah" buti pa to si elle haha

Napansin kong kanina pa nagkakatinginan sila marco at kier. Type kaya nila ang isa't isa? nako wag naman pano nako?! Kaya pinakilala ko na sila bago pa may mamuo na bromance.

"Ah kier ito nga pala si marco. Marco si kier, ka band mate ko" nagkamay silang dalawa. Pero parang ang sungit ni kier kay marco.

"Ang layo mo na talaga jaz. Akalain mong tinuruan lang kita ikaw pa nagkabanda? haha congrats jaz." sabay yakap saken ni marco. Na ikinatahimik naming lahat.

"ahemm t-thanks marco ha ha ha!." spell awkward.

nagkakwentuhan kami saglit at nag aya ng mag uwian. Saka dahil parang ang awkward na ng ere mula ng yakapan na yun.




Hinatid na namin sila sa labas. Naunang umalis ang tatlong girls. At ngayon naman ay si marco.


"Jaz im so happy for you. At last natupad mo na yung mga pangarap mo."

"Oo nga eh. Thanks din sa pagpunta ah"

"Wala yun. Ikaw pa eh malakas ka saken" sabay hawak nya sa kamay ko kaya napasinghap ako.


"ahemm jaz tara uwi na din tayo. Tumawag si manager may meeting tayo bukas." biglang singit ni kier pero sa kamay namin sya nakatingin kaya bigla kong hinatak yung kamay ko kay marco.

"Ah sige marco ingat ka na lang pa uwi. Next time na lang ulit. Thanks."

"Sure jaz. Bye. Bye din dude" tinanguan lang sya ni kier. Ang awkward ng kami na lang dalawa kaya ako na unang nagsalita.


"Ah kier thank you din pala kanina. Kung di dahil sayo baka mas kinabahan ako."

"Basta ikaw jaz. Lage lang naman ako nandito para sayo. Tara na hatid na kita" parang ang lungkot ng ngiti nya.

Habang nagdadrive sya pauwi ay walang umiimik samen. Di ko alam kung bakit. Kaya napabuntong hininga na lang ako at tumingin sa bintana.


"Sya ba yung kinuwento mo saken na nagturo sayong tumugtog?" napalingon ako sa kanya dahil sa biglang pagsasalita nya.

"ahh oo sya nga iyon." napangiti sya ng malungkot.

"kaya pala." inalala ko ang mga kinuwento ko kay kier noon. At di sa pagkaka asyumera eh kaya ba sya nagkakaganto dahil alam nyang espesyal saken si marco?

Di na ako umimik hanggang sa makarating na kami sa bahay ko.


"Thanks kier. I'm really really thankful coz you're such a  big blessing to me" totoo naman iyon. Kaya di ko napigilang yakapin sya.

nagulat sya sa ginawa ko. Pero maya maya din ay niyakap nya din ako. Alam ko at ramdam ko na di na sya nagtatampo hehe.


"Basta para sayo jaz. Anything. Sige na pumasok ka na para makapag pahinga ka. Congrats din. You did great kanina"

"Hehe ikaw din. Sige ingat ka pahinga ka na din. See you tomorrow"


Nag wave ako kay kier bago ko isara ang pinto ko. At parang kinikilig na naman ako. Si kier yung tipo ng tao na madali mong mamahalin. Pero si marco kasi ang mahal ko at yung ang mahirap tanggalin sa sistema ko. Kung sana ay mas nauna kong nakilala si kier.


Pagkahiga ko sa kama ko, biglang tumunog ang cp ko. Nakita ko ang isang unknown number na nagtext.


Unknown Number

Good night. Sweet Dreams. Hope you dream of me :)

-kier



ang landi ni palaka hahaha. Dali dali naman akong nagreply sa kanya.


Sure I will. Coz I'll be dreaming the tale of a Frog Prince haha.
Just kidding. Good night :)


 Tuwing naiisip ko si kier di ko maiwasan na isiping pamilyar sya saken. Parang kilala ko sya eh pero di ko alam. Haist malalaman ko din yan.

BLUE: salamat sa mga nagbabasa at patuloy na nagbabasa ^___________^

maka 143 reads lang talaga to masaya nako <3 <3 <3

Sa unang 10 magcocomment idededicate ko po sa kanila yung next chapter ^______^

 

Read - Comment - Votes

So Close Yet So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon