Kabanata 16

39 2 0
                                    

I feel so refreshed. Parang ang gaan ng feeling. Parang to the left to the right umikot ng sabay sabay! You can feel it ba guys? Wag kayong malito hindi ito commercial ng palmolive, I'm still a dove girl and I love it. Masaya lang talaga ako kasi you know M.U. na kami ^_____^ (subukan lang na may magsabing Mukang Unggoy sasaktan ko!) Syempre dapat dalagang pilipina pa din kahit gustong gusto ko na sya dapat pag isipan ko pa din. Pagkabalik namin galing sa kasal namen este ni Iza, ay ramdam na ramdam ang love is in the air. Pero ramdam na ramdam ko din ang pagbabago ng pakikitungo sa akin ni Kier T.T

It's been 3 months already since Marco and I become more than friends but less than a lovers mode. Di ko alam pero ang sakit ng treatment nya sa akin. Pinaka huling sweetness nya sa akin ay yung tinawagan nya ako nung kasal ni Iza after nun naging cold na sya sa akin. Tulad nung minsan...

Flashback

Praktis namin pero dumating akong late dahil napuyat ako kakatelebabad at di ko naman alam na tumatawag pala sya sakin. Kaya pag dating ko sa meeting tinalo ko pa si Casper.

"Hi Kier" ^______^ sabay tabi sa kanya.

*.........* Di ako pinansin. Kaya kinaway ko yung kamay ko sa muka nya dahil nagbabasa sya.

-______- Tumingin nga wala naman sinabi. Asar to ah!

"Nag breakfast ka na ba Kier? Gusto mo sabay tayo?" Tinitigan nya muna ako bago nya ako binasag!!!!

"Late ka na nga di ka pa kumaen? Baka mag phone call di mo pa rin nagagawa, sige na sulitin mo na ang pagiging late mo" sabay walk out!

Tinignan ko sila ABC pero dedma lang sila.

Nung minsan naman nagpunta kami sa isang resort para sa gig ay akala ko magiging ok na kami pero di pa pala at nag sungit na naman sya.

"Kier patulong naman magbitbit ng bagahe ko. May kabigatan kasi eh" Paawa epek pa ako nun.

"Dinala dala mo yan tapos di mo pala kayang bitbitin? Eh di sana iniwanan mo" Walk out ulit! Nganga na lang ako habang bitbit ko ang maleta ko at gitara at take note bitbit ko yung AMPLIFIER!!!!! Malamang dadalhin ko yun dahil kailangan namen! Pisti talaga. At tutulungan na sana ako nila ABC pero damuho talaga nung lalapit na yung tatlo saken eh tinawag naman nya!

At eto na pinaka masakit sa lahat. Last night lang to. After ng gig namin nagkasagutan kami. Pero naiintindihan ko naman sya kung bakit. Parang may kasalanan din naman kasi ako. Kasi inimvite ko sila Marco para manood pati sila Elle at Kaye at Marvz. Pero di ko alam na gagawa pala si Marco ng eksena.

Habang kumakanta kami ni Kier sa stage bigla ba namang umakyat si Marco ng may dalang bulaklak kaya yung mga tao naghiyawan. At syempre parang napahiya din si Kier dun. Kaya nag sorry ako agad pagkatapos ng kanta namin dahil alam kong nasaktan ko sya sa nangyari pero di ko expected na ako pala masasaktan.

"Kier I'm sorry for what happened. Di ko alam na gagawen yung ni Marco. Di ko tala-"

"You know what? Di nyo naman kailangang ipamuka sa akin na kayo na or what! Pero wag nyo kong gawing tanga!"

"Kier di ko sinasadya. I'm sorry di na mauulit to promise."

"Talagang di na mauulit to Jaz! Di ko na kaya! Alam kong alam mong espesyal ka sakin pero ang brutal mo! Mahal kita pero ang sakit sakit na!" Di ako nakaimik sa sinabi nya. Tuluyan ng tumulo yung mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

"Naghintay ako Jaz. Napakatagal pero wala pa rin akong napala. I thought kusa mo kong mapapansin kahit di ko aminin sayo. But i think it will be nonsense kung sabihin ko pa. You already have him and I hope you'll be happy. That's all I want, to see you happy even if the reason is not me. Kailangan na nating lumayo sa isa't isa Jaz, dahil kapag nakikita kita lalo lang akong nasasaktan."

"Kier wag ganito, pag usapan naman naten to. Di naman kailangan maging ganito tayo di ba?"

"Tama na Jaz. Don't be unfair" Nagpapanic na ako at napapalakas na ang boses nya. Hanggang sa dumating sila Manager at sila ABC.

"Kier please don't do this. Masaya akong kasama ko kayo. Please wag ganito"

"Mamili ka! Ako ang aalis sa banda o kusa kang aalis?"

Napatingin ako sa kanya. Everybody was shocked! Ganun na ba kasakit para sa kanya ang lahat para sabihin nya to? Di ako umimik at tumalikod na lang. Sana tama na naman ang naging desisyon ko.

End of flashback

Kaya ngayon nganga lang ako sa bahay. Higa, kaen, tulog, higa, kaen, tulog nakakabato dito sa bahay! Kaya naisipan kong mag internet na lang. Nakita kong online sila ABC kaya nag group chat kami.

"Sorry guys sa gulong nangyari ah. Miss na miss ko na kayo pero ayoko naman na mabuwag kayo. Ako ang dayo sa inyo kaya mas may karapatan ang Kuya Kier nyo kesa sakin. I'm really sorry talaga."

"Miss na miss na din kita ate Jaz waaaaaaaaaa. Nakakatakot si Kuya Kier lage nya na syang nakasimangot at naninigaw T.T" nagsusumbong na sabi  ni Caleb.

"Ate Jaz sana magkaayos pa kayo ni Kuya Kier. Sayang naman yung pinagsamahan naten. Lalo na po kayo. Di nyo po ba gusto si kuya Kier?" Intriga naman ni Bryle.

"Actually gusto ko sya. Di naman kasi talaga pa kami ni Marco. Di ko pa sya sinasagot pinag iisipan ko pa dahil parang may nararamdaman na din ako sa kuya Kier nyo. He reminded me of someone so dear to me."

"So naaalala mo na sya? Kilala mo na sya? Sa wakas ate Jaz! Ang tagal ka na nyang inaantay!" Anong sinasabi ni Ash? Anong naaalala?

"Teka anong ibig mong sabihin? Naaalala? Si Kier? Teka di ko gets ipaliwanag nyo nga!"

"Nako yari! Di kami pedeng magsalita! Kung ngayon na sinisigawan na nga kami baka masapak na din kami nun! Mabuti pa kausapin mo si Kuya.

Magrereply na sana ako pero mga damuho sabay sabay nag log out. Ano kayang ibig nilang sabihin na kilala ko na sya? Malamang kilala ko sya di ba? Pero bakit pakiramdam ko may dapat pa akong malaman sa kanya.

Tumayo ako at pumunta sa drawer ko para kunin yung box na matagal ko ng tinatago. Ito nanaman ako hawak ko nanaman ang ka isa isang bagay na nakakapag paalala saken sayo. Isang singsing na pambata pero napaka espesyal. Dahil kasama ng singsing nato ang pangako mong babalik ka. Nasan ka na ba?

BLUE: Thank you so much for still reading it ^_____^

So Close Yet So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon