Kinabukasan sinundo ako ni kier para sa meeting namin. Pero sabi ko dadalhin ko yung motor ko dahil may pupuntahan pa ako after. Kaya sabi ko race nalang kami haha. Tutal linggo ngayon walang mga parak cool! Dala ko si azul yung cute na maangas kong motor. At sya naman ang gwapo nyang kotse na kasing gwapo nya.
Dahil magaling ako! Ako nanalo kaya ililibre nya ko ng kwek kwek mamaya. Sabihin ko nga kay Caleb yun haha. Pag dating namin sa office nandun na sila ABC. Tumabi ako sa tatlo at nakipag harutan, hanggang sa sinaway na kami dahil mag start na daw ang meeting. Sayang kukupit pa naman sana kami ng chocolate sa bag ni Caleb.
"Ok guys listen! Ngayong darating na weekend may gig tayo. At ikaw jaz ang main event dun. Actually kayo ni kier, pero ikaw kasi ang newest member so kailangan naten mag praktis. And since may work ka, kaya mo ba maka attend after ng work mo? Para makasaglit ka kahit pano. Di kasi kaya kung every weekend ka lang" paliwanag ni manager mico saken.
"Opo ok lang saken. San po ba ako didiretso?"
"sa puso ni kuya kier!!! ayiiiiiiiiiiiiiiiiiii" sabay sabay na sigaw nila ABC sabay hagikhikan. Pasaway talaga itong mga to. namula na naman tuloy si kuya kier hahaha.
"hahaha nice one ABC! Ok enough umuusok na ilong ni kier." nilingon namen sya at natatawa kami dahil hiyang hiya na sya at the same time inis na din.
"Bukod sa puso ka ni kier dumiretso eh dun ka na sa bahay nya, pag week end nalang sa Studio. In two weeks time kailangan ok na ang set naten. Sa fair ang event kaya madaming tao dun. Marami ding mga banda. Kier and Jaz kayo yung main event naten sa fair na ito. Maaasahan ko ba kayong dalawa?"
"yes manager" sabay naming sagot.
"ayiiiiiiiiiiiiiiiii sabay sila" at ayan na naman sila. At di na nakapagtimpi si kier kinutusan na nya yung tatlo.
"Hay nako. Makalayas na nga tatanda ako sa inyo. Hoy kayong tatlo wag kayong pakalat kalat magtext kayo sa mga magulang nyo kung san kayo pupunta. Kier kaw na bahala dyan. Sige dismissed" pagka alis na pagka alis ni manager nagtalunan naman ang mga taltong pugo.
"YES! It's gala time!" nagsasayaw naman si Ash sa saya.
"Wuuuuu! Kuya kier pasyal tayo sige na! Tagal na nating di namamasyal eh sige na" may pag hawak epek pa si Bry sa damit ni kier haha di naman sya pinapansin.
"Kaen! Kaen! Kaen! Yey kakaen tayo" at syempre sino pa ba yan? with matching tambol pa sa tiyan nya. Majimboo ampotek. Kinurot ko nga ang kyot kasi haha.
"Pede ba magsitigil kayong tatlo. AYOKO nga. A-YO-KO!!!" saway sa kanila ni kier, at akala mo namatayan silang tatlo. Kaya lumapit sila saken at nagdrama. Hahaha parang alam ko na mangyayari dito ah.
"huhu ate jaz di ba sabi mo gusto mo mamasyal? di ba? di ba? di ba?" kaloka si ash grabe makayugyog.
"Oo nga narinig ko sabi mo yun. Saka sabi mo bonding tayo huhuhuhuhu." sabay yakap naman sa binti ko ni Bry. Mukang tanga talaga mga to.
"waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!! sabi mo kanina kakaen tayo! sabi mo yun eh! mamamatay nako sa gutom ate jaz waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah" hala grabe parang si damulag umatungal itong si caleb.
Di ko na kaya ang kadramahan ng tatlong ito. Alam ko naman na ako lang yung way nila para ma pa Oo nila si kier. Hay nako mga pasaway. Sige na nga, pero pano yun sasamahan ko pa bumili ng gift sila kaye at elle? bahala na nga.
BINABASA MO ANG
So Close Yet So Far
RomanceTalaga bang may unrequitted love? Eh one sided love na-try mo? Naniniwala ka ba sa true love? Tingin mo totoo yun kasabihan na "good things come's to those who wait"? Sa palagay mo after mo ma-broken hearted maniniwala ka pa din ba na may forever? E...