Kabanata 13

25 2 0
                                    

Alessio and I can't be in a room alone! Hindi kami pwedeng mapag isa dahil hindi ko macontrol ang sarili ko pagdating sa kanya at ganoon rin siya sa akin. So, I decided na lagi kong isama si Ariadne.

Today is our first day as a Second year college Student. Hinilot ko ang sentido ko. Graduating na si Xander, lessio finished his school, tho.

Nang matapos ang klase ay mabilis akong tumayo at pumunta sa upuan ni Ariadne, She looked at me, nagtaas ng kilay.

"What?" Maarte niyang tanong.

Nilingon rin kami ni Alessa, she looked problematic. Si Griffin lang naman ang problema neto. Ngumuso ako, madalas namin pagusapan ni Alessio sila Griffin at Alessa.

"You okay?" Tanong ko tsaka umupo sa harap nilang dalawa. Nilingon rin siya ni Ari.

"Nakakainis si kuya, lagi na lang sinisiraan si Griffin." Tumikhim ako, nakita ko ring tumingin si Lia may Alessa. Nagtagal ang tingin ni Ari kay Alessa at kinamot ang tip ng ilong.

"Xander?" Tanong ko.

"Yes! Gumagatong pa si kuya Lexius." Reklamo niya.

"Baka naman kase tama sila? You know, they are just protecting you." Seryosong sabi ni Ari sa kanya.

"I don't need their protection." Nagtaas ako ng kilay, iba din itong si Alessa. Hindi ba siya kinukutuban?

"Ewan ko sa'yo Alessa. Open your eyes, bahala ka na nga. Relasyon mo naman iyan." Inis na sabi ni Ari, tinignan siya ni Alessa na may lungkot ang mga mata.

That's her choice, kahit pagsabihan namin siya ay choice niyang mag stay kay griffin. Choice niya iyon at wala kaming magagawa. Gusto naming siraan si Griffin sa kanya pero alam kong masasaktan niya.

"Stop staying into someone you aren't sure of." Sabat ni Lia. Napatingin ako sa kanya, nakatingin lang siya sa libro niya. Nagkibit balikat ako.

"Lessa, we aren't against in your relationship ha? We just tell you what we saw." Okay naman kase si Griffin noong una.

Tumango siya at hindi na nagsalita, dumaan si Bera at Amberle sa harap ng classroom namin, gusto nilang magpalipat pero hindi na pwede. Kumaway sila sa amin, Si Pris ay nakasunod lang sa kanila. Hindi man lang lumingon dito.

"Kain na lang tayo later, libre ko." Sabi ni Ari.

May pinakita siya kay Alessa at may pinag usapan sila. Bumalik na ako sa upuan ko nang dumating na ang next prof namin. Ngumuso ako, lumalayo ako sa kanila kapag may klase kase talagang madaldal ako. Mapalabas pa kami.

Nang matapos ang klase ay tinignan ko ang phone ko na kanina pa nagvavibrate. Text ng text si lessio, kunot noo kong binasa ang mga text niya.

Boyfie:

What are you doing?

Can i have your sched?

I see, you have a class.

I miss you.

Umiling ako sa mga text niya, nagtipa ako ng reply ko sa kanya.

To Boyfie:

Kakatapos lang klase namin, kita tayo?

Inayos ko ang aking mga gamit at tumayo na para puntahan sila Ariadne, manlilibre pala siya. Shit, nakalimutan ko.

To Boyfie:

Bukas.

Pahabol ko, sabay sabay kaming lumabas ng room, nasa labas na sila Amber, naghihintay.

Chick Clique Series 04: Play and Fall Hard  (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon