Kabanata 19

28 3 0
                                    

Kumain kami ni Ari sa labas dahil wala kaming makakain sa condo, sumama sa amin ni Lessio. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya pagkatapos kong kumain, tagal ni Ari kumain, nagtaas siya ng kilay sa amin.

"Lumayo nga kayo sa harap ko." Sabi niya, mahina kaming tumawa ni Lessio. Pagkatapos namin kumain ay umuwi na kami. Nag alarm ako ng alas kwatro tsaka natulog ng maaga.

Hindi ko feel magreview ngayon, I need to sleep early. Nagising ako ng alas kwatro at nagreview, ang daming missed calls ni Lessio, I texted him.

To Boyfie:

I'm sorry, nakatulog ako agad pag uwi.

Nagreview ako, alas otso ang klase namin ngayon. Hindi ko namalayan na nakatulog ako ulit, nagising ako ng alas sais, naligo kaagad ako.

Ari cooked our breakfast, nauna siyang kumain sa akin dahil hindi pa siya noon nakaligo. Last day ng exam naman na kaya ayos lang, sana ay walang ma-delay. Sana matapos na lahat ngayon para makakahinga na kami ng maluwag next week.

Makakadate ko na si Lessio at tapos na ang red days ko! I smirked. Pinagbuti ko ang pagkuha ng exam, pangatlo ako sa natapos. Narinig ko pang nagrereklamo ang mga classmate namin na wala namang tinurong ganoon pero nasa exam. Alin doon? I don't know what they're talking about kaya hindi na ako umimik.

Boyfrie:

Are you done? Sunduin kita.

I smiled and looked at my friends, may pinag uusapan sila pero hindi na ako nakinig. "Una na ako." Paalam ko.

"Ingat." Sabi sa akin ni alessa, tumango ako sa kanila tsaka umalis na, I texted Lessio na lalabas na akong school, I saw Rico with him. Rico smiled at me tsaka pumasok sa driver's seat, sa likod kami ni Lessio.

"I'm your driver for today, ginagantihan ako ni Lessio." Tumatawa niyang sabi habang nagdra-drive.

"Shut up." Seryosong sabi ni Lessio, tinignan ko siya. Sungit neto, hindi na lang siya maging masaya na may magdra-drive para sa kanya. Kaya siguro ayaw siya ni Lia kase inaalila niya si Rico.

"What are you thinking?" Bulong sa akin ni Lessio, He kissed my cheek.

"That you're really so bossy." Bulong ko sa kanya.

He stiffed of what I said, mahina akong tumawa. He looked at me and kissed me on my chin, sinapak ko siya dahil sumusulyap sa amin si Rico gamit ang rear mirror.

"Wala kayong date ni Lia?" I asked.

Umiling siya.

I think nag aaway sila dahil bigla siyang nagseryoso, Lessio laughed and kissed my ears, mabilis akong umilag sa kiliti. I looked at him deadly, He just smirked at me.

"Stop that." Saway ko sa kanya.

"May lq kayo?" Tanong niya sa kanyang kaibigan, Umiling si Rico sa kanya.

"Alam mo Taraka, si Lessio--"

"The fuck? Shut up." Pikon na sabat agad ni Lessio, kumunot ang noo ko.

"What? What is it, Lessio? Ano nga Rico?" Seryoso kong tanong, Lessio pinched my cheek, sinapak ko siya agad.

"Ouch." Inda niya.

"I'm just messing up, seryoso mo naman." Tumatawang sabi ni Rico, I crossed my arms. Sabihin ko kaya kay Lessio na nagdamit siya pang babae at he acted as a gay because Lia told him to do it.

"Sama mo naman makatingin." Sabi pa niya, may pa pout pa. Guess what, Rico? You aren't cute.

"Alam mo na nararamdaman ko kapag tinitignan ako ni Lelia ng masama." Lessio said.

Chick Clique Series 04: Play and Fall Hard  (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon