Kabanata 04

36 3 0
                                    


Busy ako sa pagbalance sa worksheet, parang sasabog ang utak ko. Kapag wala ka talagang naintindihan sa una pa lang, you're doomed. Mahigpit pa naman ang prof namin sa accounting, quiz pa lang ito ha. Buti na lang talaga at nakinig ako kagabi sa explanation ni Lia at Pris.

Naunang natapos si Lia, pinasa niya agad at lumabas na. Sinenyasan niya kaming sa labas na siya maghihintay. Mabilis ko ng tinapos ang pagsagot, madali lang kapag naintindihan mo. Tumayo na ako at nagpasa, sumunod sa akin si Carlo, ang isa naming kaklase.

"Anong na balance niyo?" Tanong niya sa amin ni lia. Hindi muna ako sumagot baka kase mali iyong akin. Si lia ang hinintay kong sumagot.

"143, 500." Sagot ni Lia.

Nakahinga ako ng maluwag, shit tama ako. Parehas kami ng sagot.

"Hala! 140, 000 yung akin!" Sinabunutan ni Carlo ang buhok niya. Pilit akong ngumiti, that's horrifying.

"Bawi na lang next time." Sabi ko sa kanya. Lia don't know how to comfort people, nakatingin lang siya kay Carlo.

"Malay mo ikaw yung tama." Tumatawa kong sabi, wala pang may alam ng sagot kaya 'wag muna mag conclude.

"I doubt it, si lia na halos perfect lahat ng mga quizes?" Sago niya.

Tama rin, I tap his shoulder. Tumawa lang siya kahit na parang puputok na yung vein niya sa utak. It's showing. Lumabas na si Ari.

"Anong number?" Tanong niya.

"143, 500." Sagot ko.

"Oh yes, same tayo ng sagot. Bera too, gagang iyon." Sabi niya.

"Tangina pwede na akong mamatay." Salubong ni Alessa sa amin.

Nang matapos na ay pumunta na kami sa susunod naming subject, walang katapusang quiz. Hindi ko inaral itong subject na ito kase feeling ko makakalimutan ko iyong nireview ko sa accounting. Tumabi ako kay Amber, Ipinakita niya iyong papel niya sa akin.

Nangopya na ako, bahala na. Nang matapos na siya ay tumayo na at nagpasa, kasabay niya ang iba pa naming kaklase kaya kinuha ko iyong pagkakataon para mangopya, ganoon din ang ginawa ng iba.

Sometimes, we work like this. Habang madaming nagpapasa at occupied si miss sa harap ay nangongopya iyong mga hindi naka review. Sometimes, iyong mga working student iyon mga iyon kaya nagpapakopya kami. They need this.

Tumayo kami parehas ni Alessa at nagpasa. Lumabas na kami, magkaklase kami sa subject na ito. Kaming tatlo, si Ari ang nahiwalay. Mag isa niya lang.

"Naku, salamat kanina ha? Hindi kase talaga ako nakareview." Sabi ni Clea. Tumango ako sa kanya, nangopya din naman ako.

"Wala yun." Sagot ni Amber.

Mabuti at walang makasarili dito. Inaaral din naman nila after para may background sila at baka meron iyon sa exam. Sa mga quizes lang kami nagkokopyahan, kapag exam na ay hindi na.

"Hi." Bati ni carry sa amin. Dito siya nag aral ng college, legal management.

"Hi." Bati naming tatlo.

"Hindi niyo ka-klase si ari?" Tanong niya.

"Hindi eh, mamaya pa. Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Inilista ko kase siya sa volleyball girls na pupunta sa practice game, nagbago ata siya ng number. Hindi ko kase matawagan eh." Sabi niya sa akin. Nagbago nga ng number si Ari, ang dami daw nagtetext sa kanya na hindi niya kilala.

"Ah sasabihin ko."

"Salamat." Umalis na siya.

Bilib din ako sa isang iyon, balita ko mas busy ang mga taga legal management eh. Busy din kami pero hindi kasing busy nila.

Chick Clique Series 04: Play and Fall Hard  (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon