Chapter 2 - Netherworld Soul Guardian

845 126 10
                                    


AN: So ayun kababalik lang ng internet dito samin, hindi ko alam kung bakit pero ayun biglang nawala internet kahapon tapos kababalik lang ngayon. Sorry for the late update hehez.


Lux's POV

Yawn

Tinakpan ko ng aking palad ang aking bibig habang ako'y humihikab, nararamdaman ko ng binibisita na ako ng antok at unti unti ng pumipikit ang aking mga mata. Ngunit sa kabilang banda ay nananatili pa ding maligalig si Little White.

When he saw me yawning kaagad siyang lumapit sa akin at nilawayan ang aking mukha "What the Little White?!" dali dali siyang lumayo sa akin habang nakalabas pa ang kanyang dila na ang nangaasar.

I chuckled softly at hahabol na sanang bigla ng mapansin ko ang oras.

2:00 AM

"What the fuck?!" i shouted at kaagad na binuksan ang virtual screen ko, and as expected dinudumog ako ng private messages ng mga kaibigan ko "Shit" hindi na ako nagreply sa kanila dahil pare pareho naman silang nakaoffline.

I freaking messed up, dahil sa sobrang pakikipaglaro ko sa mga Spirit Beasts ko ay nakalimutan ko ng may supposed to be meet up nga pala kami ngayon ng mga kaibigan ko. I even asked my friends one by one tapos ako naman yung wala.

Well hindi naman talaga ako makakaattend dahil hindi ko maiwan si Eclipse na kasalukuyan pa ding nagmumutate, but still nakapagpromise ako na sasama ako sa meet up mamaya.

Oh my god, naiimagine ko na kung ano ang sasalubong sa akin bukas. Lalong lalo na sa kaibigan kong si Dylan, napamasahe ako ng aking ulo matapos kong isipin ang mga magaganap bukas.

I messed up, real bad.

At dahil madaling araw na din ay nagpaalam na muna ako kay Little White, kahit pa anong pilit niya sa akin na magstay ay hindi na ako pumayag lalo pa't alam kong kakailanganin ko ng sapat na lakas para harapin yung bunganga ng kaibigan ko bukas.

Riinng.... Baaaammm

Oh shit! I instantly cursed ng marealize ko kung ano yung ginawa ko. Dali dali akong tumayo at sinilip yung alarm clock na winasak ko, my face crumpled dahil hindi na maaring marepair yung alarm clock.

Damn, yari nanaman ako nito kay lola.

Kaagad akong sumilip sa labas at ng masigurado kong walang tao ay nakahinga ako ng maluwag, nagmamadali kong tinago yung sirang alarm clock. Hangga't hindi ako nakakabili ng bago ay hindi dapat malaman ni lola na nakasira nanaman ako ng alarm clock.

Jusko, ayoko ng makurot ulit sa braso. Napakasakit pa naman ni lola mangurot, in fact i can still remember the pain when she first pinched me. I ended tearing up that time, mabuti na lang at natiis ko pa.

Ng masiguro kong wala ng natitirang ebidensya ay nagsimula na akong maghanda para sa klase at pati na din sa bunganga ng makulit kong kaibigang si Dylan. Ngayon pa lang ay alam ko ng magiging mahaba ang araw na ito.

At ang mas masaklap pa dito ay hindi maganda yung simula ng araw ko, para bang binibigyan na ako ng masamang pangitain ni lord tungkol sa sasapitin ko ngayon sa kamay ng mga kaibigan ko.

"Ma, La alis na po ako" i both kissed their cheeks before going out.

Habang naglalakad ako patungong bus stop ay nagdadalawang isip ako kung magmemessage ba ako kila Dylan, but on the end ay napagisipan kong wag na lang. Inilagay ko sa pocket ng aking pants ang cellphone ko ay sumakay sa bus na nakahinto sa bus stop.

VRMMORPG: God's Sanctuary [Path to Origin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon