Chapter 10 - Changes

900 117 10
                                    

Lux's POV

Magaalas syete na ng gabi ng makauwi ako sa bahay. Napasarap kasi sila sa pagtambay sa seaside tsaka medyo traffic na din ng umuwi kami.

Rush hour kasi.

Since busogbna ko sa kakakain kanina ay hindi na ko nagdinner, nagpalit na lang ako ng damit at kumuha ng chocolates sa ref para may makain ako.

Hindi muna ako naglogin sa game, instead ay binuksan ko ang PC ko at nagsurf sa internet.

Napukaw ng article na nabasa ko kanina ang aking atensyon, bukod pa rito ay mahalaga sa akin ang impormasyong ito lalo pa't may kinalaman ako rito.

Bukod pa ay wala namang mawawala sa akin kung magsasaliksik ako, in fact ay pabor pa ito sa akin at sa Origin upang kahit na papaano ay makapaghanda kami.

Wala akong ideya kung sino at kung gaano karami ang mga lalabas ngunit positibo akong hindi mawawala ang mga mayayabang dito sa mundo.

Hence, there's a possibility na mayroong humamon sa aming guild or more specifically sa akin since isa ako sa may pinakamatunog na pangalan ngayon.

The champion of the first tournament in this region.

The first player to ever summon two Spirit Beasts at the same time.

Known as the player with the abnormal growth of Spirit Beasts.

And lastly, the first player to ever show the public a tamed Lord Tier Spirit Beast.

With these titles hindi na ako magtataka kung yung trouble na ang mismong lalapit sa akin.

Thinking about these things, hindi ko tuloy maiwasang mapabuntong hininga. Medyo sumasakit yung ulo ko sa tuwing iniisip kong may bagong problema nanaman.

Dami dami ko pa ngang problema eh, tapos baka may dumagdag nanaman.

Hays, gusto ko lang naman makapaglaro ng matiwasay. Roam this world with my friends and tame Spirit Beasts around the way.

But then, i remember na nangako nga pala akong palalakasin ko ang mga Spirit Beasts ko at ihilera sa mga pinakamalalakas na Spirit Beasts dito sa laro.

Sheesh, mukha ngang hindi talaga posible para sa akin ang peaceful way. With this promise of mine im sure na darating at darating ang problema sa akin.

Actually, dumating na pala sila. It all began with my conflict at the Auction House, then it was followed by the hunting inside Fairie Paradise.

Then sunod sunod na yung problema, at habang patagal ng patagal ay mas lalong nagiging troublesome ang mga problemang dumarating sa amin.

Anyways, back to what im doing.

Sinearch ko ang website ng God's Sanctuary at dumiretso sa forum. Even right now patuloy sa pagsulpot ang ibat ibang articles.

Im not really interested on them though since karamihan sa mga ito ay puro chismis lang naman or some useless information.

What im trying to find is some information about the person who destroyed the Eternal Wing Guild.

I'd even accept some theoried, but it would be great kung makahanap ako ng clue.

So i started searching about some past informations tungkol sa Eternal Wing Guild, kung mayroon ba silang nakasagupang guild or what.

Mabilis na nabawasan ang mga information na nakalagay sa aking screen. To be honest medyo nagulat ako sa nakita kong information.

After a bit i chuckled helplessly, mukhang trouble seeker ang Eternal Wing Guild. No wonder the guild was destroyed.

VRMMORPG: God's Sanctuary [Path to Origin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon