A - Apple of my Eye

131 2 0
  • Dedicated kay Alexis Jaymar Gasal
                                    

Mula nang makilala kita, ikaw lang ang lagi kong nakikita. Palibhasa nag-iisa ka lang. Tayong dalawa lang ang laging magkasama. Ayaw mo sumama sa iba sa tuwing inaaya ka nilang lumabas hanggat hindi mo ako kasama, o kaya naman pag hindi ko alam. Sobrang close kasi tayo. Para tayong magkapatid, sabi nga nila. Ngumingiti ka lang sa tuwing sinasabi nila yan sa atin. Halos lahat kasi ng kilos mo't galaw ay alam ko, at alam ko din ang pag-uugali mo.

Masaya tayo sa umpisa, kahit na alam kong nangungulila ka. Pinunan ko ang lahat na sa tingin ko ay kulang. Wala kang narinig mula sa akin na kahit ano dahil nagtiis ako. Hanggang sa paunti-unti ay hinayaan natin ang pagkakataon na magkasabay nating tatahakin ang buhay na magkasama.

Minsan pang lumapit ka sa akin at bumulong. Hindi ko alam kung maluluha ba ako dahil sa salitang binigkas mo. Ang sarap sarap sa pakiramdam na nakikita mo ang mga magagandang bagay na ibinigay at ibinahagi ko sayo. Hindi nasayang ang hirap at pagod ko dahil ang saya lang na mapakinggang pinasalamatan mo ako. Pakiramdam ko, lahat ng sakripisyo at pagod ko ay nasuklian mo na dahil sa salitang SALAMAT. Sa sobrang saya ko ay niyakap kita nang sobrang higpit at niyakap mo din ako bilang ganti.

Ngunit nagbago ka sa paglipas ng mga araw. Parati mo na akong iniiwasan at hindi mo na rin kinakausap. Ano bang problema? May nagawa ba akong mali? May nasabi ba ako sayo na hindi mo nagustuhan at sumama na lang ang loob mo sa akin nang ganun ganun na lang? Ayoko ng ganitong sitwasyon. Hindi ako sanay na hindi mo iniimik at pinaglilihiman. Hindi tayo ganito dati, ngayon lang. Bakit?

Gusto kong pag-usapan natin itong problema mo (sa akin man yan o sa ibang tao), pero ayaw mo. Kaya kailangan ko ng gumawa ng paraan.

Naabutan kita minsan na nanunuod ng telebisyon sa sala. Ang ganda ng ngiti mo at natatawa ka pa sa palabas. Naisip ko na matagal tagal na rin mula nang makita ko ang ngiti mong iyan, at mabuti pa nga ang TV nakagigiliwan mo kaysa sa akin. Oo, naiinggit ako sa palabas na pinapanood mo. Buti pa yan, tutunganga ka lang sa harap nyan at matatawa na. Samantalang ako, magta-tumbling pa at kumain na ng bubog, wala pa ring epekto sayo.

Sinubukan kong lumapit sayo unti-unti at napansin mo ako, kaya bigla mong pinatay ang TV at akmang tatayo para iwan ulit ako. Hindi na ako papayag pa na matatapos ang araw na ito na hindi tayo nag-uusap at nagkakalinawan.

Bago ka pa man makaalis sa kinauupuan mo ay mabilis na hinawakan ko ang braso mo at tinitigan ka sa mga mata. Alam kong alam mo kung bakit ko 'to ginagawa, at mukhang nabasa mo naman ang gusto kong ipahiwatig sayo. Nagdesisyon kang manatili at kausapin ako. Sapat na bagay na iyon upang maramdamang pinagkakatiwalaan mo pa rin ang tulad ko. Dama ko ang tensyon sa pagitan natin kaya napag-isipan kong pagaanin ang paligid sa paghimig ng isang awit at tuluyang kumanta.

(A/N: please click the video for the song)

"You're my honeybunch, sugarplum, pumpy-umpy-umpkin,
you're my sweety pie.. you're my cuppycake, gumdrops,
snoogums boogums you're the apple of my eye.."

Bigla mo akong sinabayan sa pag-awit sa sumunod na liriko.

"And I love you so and I want you to know
that I'll always be right here,
and I love to sing sweet songs to you
because you are so dear.."

Nag-ngitian tayo at alam kong wala na ang tensyon sa pagitan natin. Inumpisahan kong tanungin ka kung anong problema at sosolusyunan natin iyon ng magkasama. Umiling ka hindi dahil sa may problema ka ngunit sinabi mong nag-aalala ka para sa akin. Natatawa pa ako noon dahil parang tinuring mo akong isang bata. Natigilan ako nang sabihin mo sa akin kung gaano mo ako ipinagmamalaki sa iba sa kabila ng pinadaanan natin. Rumehistro ang lungkot sa mga mata mo, at hindi ko maintindihan ang dahilan.

"Tapatin mo nga ako, bakit ba ayaw mong sabihin ang bumabagabag sayo? Ano ba talaga ang nangyayari?"

Binigyan mo ako ng isang mapait na ngiti bago yumuko at nagsabing..

"Kasi 'tay, bakla po ako."

My English Alphabet StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon