G - Goodbye Girl

20 1 0
                                    

Naniniwala ka ba na kapag sinabihan ka ng isang tao ng 'goodbye' e hindi na talaga kayo magkikita kahit kailan?

Ako kasi, hindi ako naniniwala.

Dati sa classroom namin, kapag aalis na yung teacher lagi naming sinasabing "Goodbye Mam, goodbye classmates." Sabay dugtong ng "See you again tomorrow afternoon."

Minsan may ganito din:
"Goodbye and Thank You teacher, _______" tapos kinabukasan nakita mo ulit si Mam/Sir.

O di ba? Practice na yan nung elementary at high school pa lang ako. Kaya pag sinabihan kang 'goodbye' nako umasa ka na, magkikita kayo ulit.

Pero minsan may isang pangyayari sa buhay ko na hindi ko makalimutan. Na-dale na din ako ng salitang goodbye, at na-forever goodbye talaga. Here it goes..

Fan ako ng kantang "Una't Huling Mamahalin" ni Louie Heredia. Familiar ka ba? Wag mong kantahin, naririnig kita. Nabi-bitter ako. Chos.

Nagkaroon ako ng dyowa, jusme, first love kuno. Dahil fan nga ako ng nabanggit kong kanta sa itaas, naniwala ako na sya na talaga hanggang sa huli. Hopeless romantic 'to dude! Kaso alam mo ba anong nangyari?

Tinamaan ako sa kantang "Walang Forever" ni Ronnie Seramines. O, alam mo na naman ulit yung kanta? Tigilan mo. Haha

Ayun nga, walang permanente sa mundo. Akala ko, siya na, kaso napunta pa sa iba. Saklap.

Kaya eto napapakanta na lang ng "Goodbye Girl" ng Bread. Wala e. Naghintay ako na yung pag-ibig nya sa akin, magtatagal. Yun pala, nagtagal pa sa iba.

Magtiwala daw ako ulit, sabi ni David Gates. Kaso, ang pusong nasaktan, hirap ng magtiwala. Nakaka-relate ka noh? Last mo na yan. 😀

So, sinunod ko si Pareng Gates. Nagkabalikan kami ni first love for the second time. Naniwala ka namang "Love is sweeter the second time around" ?

Nako, hindi sa lahat ng tao applicable yan. Baliktad kasi ang nangyari sa'kin e.

Nagkalokohan na. Ang relationship namin, nabalot ng pagdududa. Kaya ang ending? Goodbye. For real.

If I still remember it correctly, it happened 6 years ago. Yung 2 taon naming pinagsamahan, nawala ng parang bula. As in walang-wala. No contacts nor greetings. Strangers ang peg. Hindi na kami nagkitang muli kahit sabihin pang maliit lang ang mundo.

Kaya, kahit magkalayo na kami, I know there is still a part of me na hindi pa rin sya nakalimutan. Isa sya sa humulma kung ano ako ngayon. Pero hindi na 'ko umaasa na kami pa rin. Kasi ang istorya ko na kasama sya, hanggang doon na lang.

*****************

Katatapos ko lang isulat yung entry na ipa-publish ko sa wattpad nang biglang sumulpot ang isang napaka-gwapong lalaki sa aking harapan. Napakaganda ng ngiti, pwedeng mag-model ng toothpaste. Tinanong nya ako:

"O, nagsusulat ka naman ng hugot mo dyan?"

Sumagot naman ako. "Oo e, alam mo na pag hugot galing sa past..."

He patted my head and said:

"You're already home, no need na magpakalat-kalat ka pa sa past. Andito na nga 'ko o. Ang buhay mo."

Napangiti na lang ako. Yabang neto e. Humugot pa.

My English Alphabet StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon