4-6

1.1K 38 0
                                    


SORORITY QUEEN

aby: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  4-5-6

Tawa pa rin ako nang tawa. Itong si Lee naman ay palingon lingon sa akin. Iyong tila ba ikinakahiya ako...
"Tumahimik ka na nga, Patch. Nakakahiya ka!" galit na sabi nito....
"BEssstttfrrrieeeeend..."
Sigaw ni Dhonna na palapit sa amin.
"Kinabahan ako bestfriend, akala ko kung ano na nangyari sa'yo huhuhu." O.A naman ng babaeng 'to!
"Duh! She's not going to die. Masamang damo, matagal mamatay." Kontra ng maarteng si Wenny.
"Kung ganon, mas matagal ka pa lang mamatay..." sabat ko. Mas masama kaya to kesa sa akin..
"Tsk! As if naman na may mangyaring masama sa inyo. As long na kasama niyo kami safe kayo." Sabi ni Adrian. Napaka protective ng boyfriend ko pero kanina muntik na akong tamaan ng bola. Mabuti nalang sinalo ni Lee. Teka, saan na ba sila?
"Ang daya naman! Hoy, pahingi kami." nakita ko sila ni Adrian, umiinom ng orange juice. Iyong tinitinda sa gilid na nasa plastic cup yong tig lima at sampung peso.
Oo nga pala, hindi pa kami nakainom.
"Tara na friend, bili tayo ng maiinom. Pagod na rin kami sa kakatakbo e," yaya sa akin nitong bff ko na si Lhen.
"Sige friend, basta libre mo'ko ha." siyempre ililibre niya ako, rich siya e...
Lumapit na kami rito sa dalawang sarap na sarap sa iniinom na orange juice.
"Ryan, palibre ka naman." nakadalawang baso na kasi ito. Ang dami ring bumibili. Mga brod pala to nina Lee. Ang tumulong sa amin kanina. Siguro napagod din sa pakikipaglaban.
Sa fraternity, brod ang tawag mo sa lahat ng kasamahan mo tapos kapag may sumali namang babae ang tawag don ay sis.
Fraternity ang tawag kung puro lalaki lang at sorority naman kung ang member ay puro babae lang. Frasority kung sa iisang frat ay magkasama ang babae at lalaki.
Sa school namin ay legal ang fraternity at sorority. Marami ang sorority pero iisa lang ang fraternity at 'yon ay ang grupo lang nina Lee. Oras na malaman nila na member ka ng ibang fraternity ay agad kang e kikickout.
Kung baga ang CTU ay balwarte talaga ng Alpha Sigma Rho at oras na may makapasok ay lagot ka sa mga asirho. Ang mga sorority naman ay wala silang pakialam na dyan. As long na hindi nanggugulo sa school ay okay lang.
Wala ring frasority. Ayaw ni Lee ng babae sa grupo nila dahil pahamak lang daw ang mga babae. Kung gustong sumali ay marami naman ang sorority na pwedeng salihan..
Mas lalong ayaw ni Ryan dahil kapag may babae raw sa grupo ay hindi na niya pwedeng maging gf. Bawal kasi yon sa frasority ang relasyon kasi pumasok kayo sa grupo para maging brothers and sisters. Mortal sin para sa frasority yon. Magpamilya kayo. Why fuck your sister di ba?
Hindi rin sila tumatanggap ng high school level o high school grad at minor. Dapat lahat ay college level. Oras na makagraduate ka, magiging alumni ka na ng grupo niyo. Saan ka nakakita ng alumni na estudyante pa lang?tsk.
"Kanina ka pa nagpapalibre Patch, abuso na yan." Reklamo nitong si Ryan.
"Sus, mayaman ka naman e. Ako na nga lang manlibre sa inyo guys, kapag si Ryan wala na yang pag asa. Ano ang gusto niyo?" Nakatawang sabi ni bff kong si Lhen.
May gulaman, orange juice, salad, iced tea at buko juice.
"Ayoko ewww, so dirty! Kayo na lang. Mga poor!' Maarteng sabi nitong si Wenny. Sarap lunurin sa Manila Bay..
"Buko juice," sabi ko para iwas sa UTI hehehe.
"Ay, ako rin bestfriend, gusto ko rin yan. Lhen, dalawang BJ para sa amin ni Patch." nakatingin ang mga ka brod nila sa amin. Ano'ng problema nila?
"Ano yon, Dhonna?" nagtatakang tanong ni Lhen.
"BJ. As in buko juice." ako na ang sumagot...
"Ah, ako rin Patch, gusto ko rin e BJ--Ouch! Ano ba, Lee?" reklamo ni Ryan dahil binatukan siya ni Lee...
"Pwede bah, ayusin mo nga yang sinasabi mo Patch!" ano ba ang masama sa sinabi ko? E gusto ko talaga ng buko juice e. Ba't ba siya galit? Ang tatlong babae na kasama ko ay wala ring idea.
"Alam mo ba ang meaning ng BJ? Hindi yan buko juice, bhabz. Blow job ang tawag niyan dito. Huwag mong sabihin ang BJ," paliwanag ng pogi kong bf. Nanlaki ang mata ko. Ganon ba yon? Bakit hindi ko 'yon alam?Tawag kasi namin ay buko juice kaya pala lagi kaming pinagtatawanan.
"Ganon ba yon, bhabz? Hindi pala buko juice tawag dyan? Ahm,
Kuya? Dalawa nga pong blow job--aray! Ano bang problema mo Lee?Bakit pati ako, tinulak mo? Napaka sadista mo ah!" Ngayon, sobrang lakas na niya akong tinulak.
"Ganon ka na ba ka ignorante? Fuck shit naman Patch!" galit na galit siya sa akin. Problema nito?
"Wag kayong tumawa! Kung sino ang makita kong tumatawa, talagang susuntukin ko!" Galit na sigaw niya sa mga ka brod niya tumatawa kasi sila...
Boogsh!!!!booogsh!!!! Blag!!!
Sinuntok niya ang dalawa at sinipa ang isa pang tumatawa. Lahat ay natahimik.
"Oh ano? May tatawa pa ba? Sige, tumawa na kayo!" Tinitigan niya isa isa ang mga ka brod niya. Lahat ay napayuko..
"Kuya, tubig na lang!" Galit na sabi ko. Ano ba ang nangyayari sa mga ito? Dahil sa walang hiyang buko juice na yan ay may napahamak.
Nakasakay na kami. Pauwi. Ganon pa rin ang pwesto namin. Nasa gitna ako nina Lee at bhabz ko.
"Ano ba? Ayusin mo nga ang pagda-drive." Galit na sabi nitong palaka. Bigla kasing nag U-turn si Ryan.
"Putang ina, Lee! Naisahan tayo ng nagtitinda. Tig 3 ang isa. Dapat tatlo ay nwebe lang 'yon. Hindi sampung piso." Na ang tinutukoy niya ay ang fishball kanina. Gusto ko na sanang tumawa ng malakas kaso ang sama ng tingin ni Lee sa 'kin.
"Tsk! Wag niyong sabihin na ako lang ang nakapansin? Ang bobo niyo naman Patch. BalikaN ko ang sukli ko kay kuya. Naisahan tayo. Bakit ba kasama ko rin ang mga bobo?" Sabi nito na nagdadrive pabalik.
"Gago! Iuwi mo kami o ang gulong nitong sasakyan mo ang pasabugin ko?" naiiritang sabi ni Lee.
"Palibhasa, hindi niyo pera ang nawala," bulong nito. Ang apat na kasama namin ay clueless naman sa pinag-uusapan namin.
"Wag nyong sabihing hanggang ngayon ay hindi nyo napansin? Ang bobobo niyo!" Tahimik na lang kami ni Lee at nagsikanya-kanyang kalikot sa cp namin.

Sorority QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon