52-finale

1.6K 51 9
                                    

SORORITY QUEEN

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  52 & 53 ( FINALE )

Flashback.
"Hi"kakapasok lang ni Patch dito sa mansion nila galing sa mall nang maabutan ang isang batang nakaupo dito sa sala.
'Who are you?"nagtatakang tanong ng batang si patch.
"Ako nga po pala si Dhonna".pagpapakilala ng bata sabay lahad ng kamay sakanya na inabot naman ni Patch.Mas matanda siya ng dalawang taon kay dhonna.
"Para pala sa'yo".sabay abot ni dhonna ng isang bracelet na gawa sa kabibe at may black pearl sa gitna.
"Para sa'kin 'to?Salamat".kinuha ni Patch at inilagay sakanyang maliit na kamay.
"O,hija andito kana pala,mabuti nalang dahil nagkakilala na kayo ni Dhonna"nakangiting sabi ng mommy nito na nasa likuran naman ang daddy niya.
"Yes mom,who is she?".masaya si Patch dahil magkakaroon na naman siya ng bagong kaibigan.Mabait at sweet na bata ito.
"Si Dhonna.Ahm,
Patch?Dito na siya titira ha,para may kasama kana".malumanay na sabi ng ina.
"Talaga po?Wow!may kasama na po ako dito.May kalaro na po ako.Pero bakit dito na po siya titira mommy?hindi ba siya hanapin  ng mommy at daddy niya?"inosenteng tanong ni Patch.
Napaluhod ang mommy niya sa harap niya habang mahigpit na hinahawakan ang magkabila niyang balikat.
Lihim na nanalangin na sana ay maintindihan sila ng anak.
"S-si..s-si Dhonna.Kapatid mo siya.A-anak siya ng daddy mo".kahit gustong umiyak ng ginang ay pilit niyang pinipigilan ang mga luha sa harapan ng anak.
"A-anak po?anak din po ninyo ni daddy?b-bakit wala po siya dito?bakit ngayon lang po siya?".naguguluhang tanong ni Patch.
"A-anak ko siya sa labas.Kay Thelma na labandera natin".mahinang sagot ng daddy niya.Nalasing siya noon,hindi niya inaasahan na may mangyari sa kanila ng kasambahay dahil nasa US Ang mommy ni Patch.
Matagal na palang may gusto ang kasambahay sakanya kaya ginapang siya nito.Dahil sa kalasingan ay may nangyari nga sa kanila pero namatay naman si Thelma nang ipinapanganak si Dhonna kaya ang kapatid nalang nito na si Sisa ang nagpalaki sa bata na isa ding kasambahay dito sa mansion.At ang naging tatay-tatayan ni Dhonna ay ang asawa ng titang si Sisa.
Suportado ng lalaki si Dhonna hanggang sa inamin na nito ang kasalanan sa asawa.Sa una ay nagtatalo pa sila pero naunawaan naman ng mommy ni Patch kaya mas pinili na nilang ipakilala si Dhonna kay Patch dahil sa tingin nila ay malawak na ang pag-unawa ng kanilang anak.
"N-niloko mo si mommy?B-bakit?A-akala ko perfect na tayo.Akala ko,mahal mo si mommy pero niloko mo lang siya.Niloko mo kami daddy!".umiiyak na sumbat ni Patch.Lumaki siya na daddy's girl.Kahit minsan ay hindi niya nakitaan na lokohin sila ng ama.Proud pa siyang sabihin sa mga kaklase na naiiba ang daddy niya sa lahat.She adores her dad so much dahil sa pagiging mabuting asawa't ama sa kanila ng mommy niya.
"A-ate".nakayukong tawag ni dhonna.
"SHUTUP!at wag mo akong matawag tawag na ate dahil wala akong kapatid kagaya mo!HAMPASLUPA!".
"PATCH LEENDIE".saway ng kanilang ama.Ngayon lang kasi ito nagmaldita sa harap nila.
"Kapatid mo pa din si Dhonna.Alam kong mali ang nangyari pero hindi tama na magalit ka kay Dhonna dahil magkapatid kayo"mahinahong sabi ng ama na nasa harapan nila.Tahimik lang si Dhonna na nakayuko pa din.
"Nang dahil sa kanya niloko mo si mommy!Niloko mo ako.Wala akong kapatid na manloloko at mang-aagaw!".matapang na sagot ni Patch.Kinuha niya ang bracelet at itinapon sa mukha ni Dhonna.
"A-ate,para po saiyo ito".pinulot ni dhonna at iniabot muli sakanya.Gawa niya ito.Pinaghirapan niyang gawin ito para ibigay sa kanyang ate.Bata palang siya ay alam na niya ang lahat.Umaasa siya na sana balang araw ay matanggap siya ni Patch.Kahit hindi pa niya ito nakikita ay excited na siyang makalaro ito at makita.
"UMALIS ka sa harapan ko!YOU FREAK!"sabay tulak kay dhonna dahilan para matumba ang bata at napaupo sa sahig.Umiyak ito dahil sa sobrang sakit ng pagkabagsak.
"Bagay lang 'yan sa walang kwentang bata kagaya mo!anak sa labas!".kinuha niya ang throw pillow sabay tapon nito kay dhonna na sapol nsman sa mukha.
"PATCH LEENDIE TAMA NA!".napahawak siya sa pisngi.Napatulala siya sa ginawa ng ama.Hindi makapagsalita at umaagos ang mga luha na napatingin sa ama.
"Y-you..y-you slapped me".mahinang sumbat niya.
"You slapped me!i hate you!i hate you dad..I HATE YOU".habang sinusuntok ang daddy sa tiyan pero hinayaan lang siya nito.
"B-baby tama na!"umiiyak na saway ng ina habang hinihila siya palayo sa ama.
"N-no mom!hindi tayo m-mahal ni dad.N-niloko niya tayo.huhuhu.A-akala ko buo na ang pamilya natin.A-ang taas ng tingin ko sayo d-daddy.Pero niloloko mo lang pala kami ni mommy.B-bakit mo hinayaang isipin ko na mahal mo kami ng mommy ko?B-bakit kailangang may anak kapa sa labas?I hate you!m-manloloko ka daddy.Ang daya mo".pinahidan niya ang mga luha.Matagal na niya gustong magkapatid pero hindi sa ganitong paraan.
"A-ate".mahinang tawag ni Dhonna.Gusto niyang humingi ng tawad dito.Gusto niyang mapalapit kay Patch dahil mahal niya ang kanyang ate.
"STOP calling me Ate!kahit kailan hindi kita tatanggapin bilang kapatid kahit mamatay kapa sa harap ko!WALA akong kapatid.WALA!".sigaw ni Patch sa mukha nito.Hinding-hindi niya matatanggap na sinampal siya ng kanyang daddy dahil lang kay dhonna.Never pa siya nitong sinaktan.Kahit nga kurot ay hindi pa nito ginawa sakanya.Tumakbo ito paakyat sa kwarto para doon na umiyak ng umiyak.
"I-i'm sorry po d-daddy.U-uuwi nalang po ako sa P-probinsya"pinahidan ni Dhonna ang mga luha.Hindi niya inaasahan na ganito ang mangyayari.Ang gusto lang niya ay tanggapin siya ng kanyang ate.Alam naman niya kung saan siya lulugar pero nasasaktan pa din siya sa mga sinabi nito.
"Dhonna anak,Pasensya kana kay ate patch mo.Nabigla lang siya".napatingin ang lalaki sa asawa na sinundan si Patch sa itaas.
"W-wala po iyon daddy.N-naiintindihan ko po si ate Patch.S-sana, dumating ang araw na m-matanggap din niya ako bilang k-kpatid niya.D-dahil ate ko po siya d-daddy.M-mahal na mahal ko po si ate."umiiyak na sabi niya.Kinuha niya ang ginawang kwentas at itinago ito sakanyang bulsa.Hindi niya alam,pero umaasa siya na matatanggap din siya nito balang araw.
-----------End of FLASHBACK-----------
"D-dhonna,please lumaban ka naman o"umiiyak na sabi ni Patch habang niyayakap ang walang malay na nakababatang kapatid.Nasa kotse na sila ni Ryan,nasa backseat sila ni Lee na ngayon ay sugatan pero maayos na ang kalagayan.Ang pinsang si Ryan ang nagdadrive at si Adrian naman ang nasa tabi nito sa unahan.
Kasama na din ng mga kapulisan sina Wenny at Lhen.
"D-dhonna,parang awa mo na,s-sorry.S-sorry sa lahat.A-andito na si ate,hindi kana aawayin ni a-ate Patch.S-sorry,please naman Dhonna.Matapang ka diba?"pinahidan niya ang mga luhang kanina pa umaagos mula sakanyang mga mata.Hindi niya inaasahan na magkapatid pala sila ni Dhonna.Na ito pala ang batang inaway niya pero sa halip na magalit sakanya ay puro kabutihan ang iginanti nito.
"Dhonna naman e,m-mahal ka ni ate.A-andito na si ate ha.Ipagtataanggol na kita.H-hinding hindi kana aawayin ni ate"niyakap niya ito.Kinuha niya ang bracelet na nakasabit sa leeg ng kapatid.
"I'm s-sorry,kasalanan ko ang lahat".isinuot niya ang bracelet at mapait na tiningnan.
"Dhonna o,s-suot ko na ang bracelet mo.S-suot ko na ang pinaghirapan mo na itinapon ko lang noon.D-dhonna naman e.Gumising ka.".iyak siya nang iyak habang yakap-yakap ito.Si lee ay hinahagod ang kanyang likod para tumahan na sa pag-iyak.Sina Adrian at Ryan ay nanlulumo din sa nakita.
Ayaw nilang makisawsaw sa ganitong klaseng eksena dahil kahit sila ay kinakabahan din sa kalagayan ng buhay ni Dhonna.
"R-ryan pakibilisan naman p-please.Iligtas natin si d-dhonna".pakiusap ni Patch.Ngayon lang ito nakiusap sa kahit sino.
"I-iligtas natin ang k-kapatid ko.Parang awa na ninyo".

Sorority QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon