46-48

912 38 0
                                    

SORORITY QUEEN

by: sha_sha0808  Ash Simon

CHAPTER  46-47-48

"Ano na namang kalokohan to patch?" Galit na tanong ni lee at tumayo nadin ito.
"Anong problema mo lee?masama ba na magtanong ako kay adrian?". seryosong tanong ko din sakanya.lahat sila ay tahimik lang at ramdam ang tensyon dito sa buong tambayan.
"So?pinagdududahan mo ba ako patch?iniisip mo na magawa ko yon sayo?" Halos hindi makapaniwalang tanong ni adrian at nakakunot pa ang noo nito.
"Bakit hindi ba adrian?" Tatlo lang kaming nakatayo ang apat ay nakaupo at nakikinig lang sa confrontation namin.
"That's bullshit!tingin mo magagawa yon ni adrian?c'mon patch masisira ang pagkakaibigan natin nito". galit na sabi ni lee.kung sabagay ang pagkakaibigan nila ang mas masisira dahil kung meron mang mas maging apektado ay sya yon.mahahati ang desisyon o kung sino ang kakampihan niya.ako o ang bestfriend niya.
"May sinabi ba akong sya ang nagpapatay sa akin lee?tinatanong ko lang sya kung nasaan sya nong party.may masama ba don?" sarcastic na tanong ko sa kanila.malay ko kung pati si lee ay kasabwat ng pumatay sa akin or mas worst ay lahat sila.
"Yon lang ba ang problema mo?nasa bahay kami ng pinsan ko patch.nalasing kami kaya hindi ko namalayan at nong nagising kami ay umaga na pala kaya hindi na ako nakapunta sa tagaytay.lowbat na din ang cp ko kaya hindi nyo ako ma contact noon". seryosong paliwanag ni adrian.kahit si lee at ryan ay pinagmasdan ang mukha niya kung nagsasabi ba ito ng totoo o hindi.
"Psh!ano pa ang tanong mo patch?kung sino man ang gustong pumatay sayo ay hahanapin natin yon at siguraduhing magbabayad sa ginawa niya" dagdag pa ni adrian.napangiti ako.alam kong nagsasabi sya ng totoo.ayokong ako mismo ang tuturo sa gustong magpapatay saakin dahil ang gusto ko ay kusang aamin sya sa ginawa nito.
"Teka bakit mo nasabi na may gustong pumatay sayo?" Nagtatakang tanong ni ryan.sa wakas bumalik na sya sa realidad kanina kasi ay busy sa kakatext.malamang kay hannah na naman niya.
"Bumalik ako sa tagaytay last week right?lahat ng ebidensya pati cctv ay kinuha pero hindi niya napansin na may cctv sa harap ng bahay nina Darwin which nasakop nito ang nasa garage namin.doon ko din nakita kung sino sya". paliwanag ko sa kanila.hanggang ngayon ay tahimik pa din ang tatlong babae.si lhen at dhonna ay nakayuko lang.halatang ang lalim ng iniisip ng dalawa. si wenny naman ay gulat na gulat sa sinabi ko.
"So ibig mong sabihin alam mo na kung sino ang nagtangka sa buhay mo?" Nagtagis ang mga bagang ni adrian at halatang galit na galit.kung sino man ang mas nagpapahalaga sa salitang "kaibigan" ay sya yon.
"Yupz!" sagot ko.
"Tang'ina bakit mo ipinapatay si patch wenny?ganon kana ba kagalit sa pinsan mo?". pagmunura ni ryan kay wenny.
"ABA!ang kapal ng mukha mo ryan!anong tingin mo sakin mamamatay tao?baka ikaw?kunwari kapa.ganon na ba sya kaganda para patayin ko?duh!!?hindi sya threaten sa beauty ko!" Tumayo pa talaga si wenny at dinuro duro ang pagmumukha ni ryan.
"Ikaw lang naman ang naiinggit kay patch dito.ikaw lang ang may kakayahang pumatay sakanya..ouch!!!pucha ba't nananapak ka?kung hindi kalang babae binalibag na kita" singhal ni ryan habang hinawakan pa ang batok nito na halatang masakit sa hampas ni wenny.
"Bwesit ka!sa dami natin dito ako pa talaga ang pagbintangan mo.kung di ka naman gago ano?"
Naiinis na umupo ulit ito sa tabi nina lhen.
"TAMA NA..!I'm s-sorry patch.i'm really r-really sorry.hindi ko g-ginustong gawin yon sayo". luhaang sabi ni lhen.
"A-anong pinagsasabi mo dyan lhen?anong sorry?" naguguluhang tanong ni adrian.
"Fuck!wag mong sabihing ikaw ang nagtangkang pumatay kay patch?". galit na tanong lee sakanya pero patuloy lang sya sa pag iyak habang nakayuko.
"No!hindi yan totoo lhen sabihin mo hindi ikaw mo gustong patayin si patch" halos hindi makapaniwala na tanong ni adrian at nilapitan ang kasintahan sabay hawak sa baba nito para tumingin sa mga mata niya.
"L-lhen babes, please sabihin mo na hindi totoo ang lahat.na mali lang sila.." Pagmamakaawa ni adrian kay lhen at niyuyugyog pa ito.
"I'm sorry adrian.i'm very very sorry..huhuhu"
napatulala si adrian at binitiwan si lhen sabay step backward dito at napailing.
"S-sya ba patch?s-sya ba ang nagpapatay sayo?" nahihirapang tanong ni adrian nang bumaling sa akin.
"YES!!.. SHE IS" Pag kompirama ko.sabay on ng tv at dvd.actually kanina ko pa to hinanda.alam kung hindi sila maniniwala hangga't wala akong maipakitang ebidensya.nakita namin ang lahat ng ginawa ni lhen ng gabing yon.
"W-why lhen?bakit mo gustong patayin si patch?ganon mo na ba talaga ka mahal si lee?do you think pag mawala si patch mamahalin ka din niya?."
Sumbat ni adrian habang umiiyak.alam kong masakit ito para sakanya.alam kong sya ang unang masaktan.naging witness kami ng pagmamahal niya sa bestfriend ko.
"I-ikaw na ang m-mahal ko adrian please maniwala ka dahil mahal na mahal kita". mahinang sabi ni lhen na hanggang ngayon ay patuloy pa ding umiiyak.halos lahat sila dito ay galit sakanya.ako lang ang hindi.nakarecover na ako sa natuklasan ko.
"Huli na ang lahat lhen.dahil sa pagmamahal mo ay nagawa mong patayin ang bestfriend mo?anong klaseng kaibigan ka?HINDING HINDI KITA MAPAPATAWAD.
PINAGSISIHAN KONG MINAHAL KITA" sigaw ni adrian at galit na sinuntok ang pader.alam kong kahit gaano man sya kagalit kay lhen ay hindi niya ito kayang saktan.si lhen lang ang tanging buhay nya mula noon pero hindi niya inakalang magagawa niyang pagtangkaan ang buhay ko.
"Adrian m-mahal kita" tanging sambit ni lhen.si lee naman ay halatang kanina pa nagpipigil sa galit.
"Akin na ang copy ng video patch,ako na mismo ang sasampa ng kaso sakanya at siguraduhin kong pagbayaran niya ang ginawa niya sayo". galit na sabi ni lee sabay punta sa dvd player at kinuha ang copy.
"A-adrian i'm sorry!" Hinging paumanhin ni lhen nang tumalikod din si adrian papunta sa pinto.
"I'm sorry din lhen.hindi ko kayang kunsintihin ang maling ginawa mo.wag kang mag alala pipilitin kong mawala na ang pagmamahal ko sayo" malungkot na sabi niya at tuluyan na itong lumabas.
"Nagawa mo yon kay patch lhen?pero diba bestfriend ka nya?". halos hindi makapaniwala na sabi ni dhonna.himala nakisawsaw na sya.kanina pa kasi ito tahimik.halatang nag aalinlangan kung kasama ba sya sa usapan naming barkada o kung pwede syang sumali sa usapan.tss!!.
"Hayop ka!mamamatay tao". tumayo si wenny at sinabunutan siya.
"Hindi ko inakalang magagawa mo to.sa kabila ng pagiging mabait ko sayo nagawa mo yan sa pinsan ko?.kakalbuhin kitang traidor ka" nang gigigil na sabi ni wenny habang hinihila ang buhok nito at itinulak sa silya.
"Kung sino ang mukhang anghel yon pa ang babaeng may itinatagong demonyo sa pagkatao"
sabay tadyak nito kay lhen na ngayon ay nakalugmok na sa sahig.sa sinabi ni wenny parang inamin na rin niya na may pagka demonyo ang mukha niya a.
"Tama na wenny ano ba!" Pilit na inilalayo ito ni ryan kay lhen.nilapitan ko si lhen at tinulungang tumayo.
"P-patch.sana mapatawad mo ako" hinging paumanhin ni lhen.sa totoo lang hindi ko din alam kung mapatawad ko pa sya.matagal ko ng pinaghandaan ang confrontation na to.maaaring mali ang ginawa ko dahil sinabi ko to sa harap ng mga kaibigan namin pero ilang araw na.
Ilang araw na hinintay ko syang e approach ako sa pagtraidor niya pero wala syang ginawa.wala talaga syang balak na sabihin sa akin ang totoo.
Masakit dahil kahit alam kong kaagaw ko sya noon kay lee ay itinuring ko pa din syang bestfriend.kahit kailan ay hindi ko sya itinuring na karibal pero iba pala ang tingin niya sa akin
"Umalis kana lhen bago ko makalimutang naging kaibigan kita" poker face na sabi ni lee pero mahahalata mong nagpipigil lang ito ng galit.

Sorority QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon