43-45

919 38 3
                                    

SORORITY QUEEN

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  43-44-45

"Pinagsasabi mong niloko patch?". napipikon na sabi nito aba sya pa may ganang magalit?
"Wag ka ng magkaila lee alam ko na ang totoo.kaya ka hindi na nagpapakita sa akin e may dine date kana na ibang babae sino yon ha?". sigaw ko.napataas lang ang kilay niya.
"Saan mo naman nakuha yang tsismis na yan ha?"
Hala ano ba to?yong totoo?sya naloko?sya pa tong galit a.dapat nga moment ko to e.
"SAGOT PATCH!" hala.sinigawan na talaga ako ni lee kaya tumigil na ako sa pag iyak.
"Sa mga estudyante don sa canteen sabi nila may dine date ka daw.nakita nila na may iba kang kasama kahapon umamin ka lee!". tumulo naman ang luha ko.firstime niya akong sinigawan pero hindi naman talaga yon ang ikinatakot ko.isa lang ang pwede kong katakutan sakanya.
Yon ay kung sabihin niya sa aking hindi na niya ako mahal at may mahal na syang iba.
"Tsss!.". tumayo sya tapos pumunta sa kusina at kumuha ng maiinum.
Bumalik na sya sa harap ko at tiningnan lang ako.napayuko ako errr!!.ang lagkit ng titig niya e.
" Alam mo bang ang pinagseselosan mo kahapon na sinasabi nila ay mommy ko?". napatingin ako sakanya habang nakasalubong ang kilay niya.
"Sinungaling!" nakita ko nga na pumunta dito si tita kahapon pero impossible naman e.may iba talaga.
"May iba pa ba ako na kasama kahapon e sya lang naman ang babaeng naka abresiete ang kamay sa akin at bine baby ako hanggang sa kumain kami sa labas.tsss!maliban sayo may iba pa ba?" Natahimik ako.ilang beses na nga palang napagkamalan nila na girlfriend ni lee ang mommy niya.mukhang teenager pa kasi si tita tapos sobrang clingy pa nito pag magkasama sila ni lee.
"Malay ko kung meron.si lhen,o di kaya si wenny o si dhonna?". Nakapout na sabi ko.
"Sino pa patch?baka pati si yaya mo pinagseselosan mo na rin?" tumayo ako at kinuha ang cushion at malakas na inihampas sakanya.
"Ang kapal mo lee.ang kapal kapal mo talaga para pagsabihan ako ng ganyan.HINDI AKO NAGSESELOS". sige hampas ko sakanya.sige lang din sya sa pag depensa ng sarili niya.
"Hahaha.ouch!wifey masakit na.". pilit na kinukuha niya ang cushion pero hindi parin ako tumitigil sa paghampas.
"Wag mo akong matawag tawag na wifey!bakit hindi ka nagpakita sa akin ha?" Sumbat ko sakanya at tumigil na sa paghampas.nakakapagod na e.parang bato naman ata to na hindi nasasaktan.
"Kinakatok kita ayaw mo namang buksan kaya umalis na ako.tinext naman kita dahil pupuunta kami nina dad sa boracay pero di ka naman nagrereply". ine off ko ang cp ko at ayoko ding pa estorbo sa kahit kanino.
"Anong ginawa mo sa boracay?" Nagdududa kong tanong.
"Wala lang family bonding.birthday kasi ni mommy.isasama sana kita kaso galit ka naman sa amin kaya pinalipas ko na muna pero mukhang hanggang ngayon ay galit kapa ata". talagang magagalit ako.mabuti naman dahil alam niya.
"May nakilala kaba don?mga amerikana?ha?"
Subukan lang nito na magloko talagang puputulan ko to ng kayamanan.
"Tsss.!!! Kasama ko lang sina mommy isa pa umayos ka nga patch may anak na tayo ganyan pa ang iniisip mo?" mukha niya parang lalabas na sa balat nito.sus!.
"Buti alam mo lee na may anak na tayo baka kasi nakalimutan mo.san na ang pasalubong namin?"
Napakamot siya sa ulo sa sinabi ko.
"Ah,nakalimutan ko" sinasabi ko na nga ba e.sarili lang nito ang iniisip.
"Di mo na nga kami isinama, wala pang pasalubong.hindi talaga kita mapapatawad lee" na high blood na naman ako.mula noon hindi talaga mahilig ang lalaking to magbigay ng regalo.
"Waaahhh bestfriend!!" Humahangos na binuksan ni dhonna ang pinto.akala ko ba alam na nito na bumalik na ang alaala ko pero makatawag sa akin ng bestfriend wagas pa rin a.
"Oh anong problema mo dhonna?" singhal ko na ikinatigil niya tyaka napayuko.siguro na realize na hindi na kami close.
"Patch si ryan nakipagsuntukan don sa labas"
hinihingal na sabi din ni lhen na kasunod lang ni dhonna.
"Huh?bakit daw?" Nag aalalang tanong ni lee.baka kasi ka brod din nila ito.
"Di ko alam pero andon sa labas ng campus.don sa malapit sa billiaran.ang dami niyang kalaban.mabuti nalang dahil may iilang mga ka brod nyo na nasa paligid". agad na tumakbo na si lee.tambayan kasi ng mga BEX ang lugar na yon.sumunod naman ako sakanya.
"Dito kalang patch". galit na sabi ni lee sa akin nang malapit na kami sa sasakyan niya.
"Ayoko lee" nakasunod parin ako sakanya.nakita ko na halos lahat ng lalaki sa campus ay tumatakbo papunta sa parking area at kanya kanyang sakay sa mga ducati at kotse nila.
"Patch!.sabi ko dito kalang.PWEDE MAKINIG KA SA AKIN KAHIT NGAYON LANG" galit na sigaw niya kaya pinagtitinginan na kami ng mga estudyante.
"I'm sorry,i mean ayokong mapahamak ka". mahina niyang sabi habang papalapit sa akin.
"P-pero baka mapahamak ka din lee." nag aalala kong sabi.alam kong nagkakaroon naman ng frat war.at this time ay ang grupo na nina lee ang sangkot.
"Walang mangyaring masama sa akin wifey.trust me" hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at mabilis na hinalikan sa labi.
"Babalik ako.promise!" Pangako niya at tuluyan ng pinaandar ang ducati pagkatapos isuot ang helmet nito
.
Gaganti ang mga BEX pero bakit sa frat nina lee?hindi ko maintindihan.patay na ang leader nila dahil pinatay na ni baron.
"Oh my!hinalikan sya ni lee sa lips?hala sila na nga" naiiyak na sabi ng isang estudyante.
"Wth!.CONFIRMED!". ayon parang bubugyog na nagbubulong bulungan na naman sila.
Naglakad na ako pabalik sa school campus.
"Hi patch!" bati ni vern saakin nang makita ko syang papasok din.
"Hello vern alam mo bang may frat war ngayon?"
tanong ko sakanya habang sinabayan niya ko pabalik.
"Oo balita ko mga BEX daw.diba pinatanggalan mo na sila ng legal permit?mukhang may bago silang leader a". tsss!.ano kaya ang problema ng mga ito at nakipag away si ryan?kung sabagay basagolero naman talaga ang isang yon.
"Oo nga e.kahit tanggalan mo man sila ng legal permit ay kapag matibay ang samahan nila sa isat isa ay hindi na importante ang legal na papel dahil ang totoong kapatiran vern ay mas importante ang loyalty kesa sa legality alam mo yan diba?". sabi ko sakanya.pinatibay na sila ng mga pangyayari at alam kong walang lalabas o bibitiw sa bawat miyembro ng BEX.
Siguro after 2 years ay ibabalik ko din ang permit nila.bigyan ko lang muna sila ng leksyon at sample na din sa ibang fraternity and sororities para matakot at malaman nila na ang pwersa ng sorority Queen ay hindi basta basta.
sa totoo lang ay wala akong makitang problema sa mga BEX.nagkataon lang talaga na nauna silang lumabag sa rules ng frasority sa bansa.bawal ang pumatay sa kahit sino mang kaaway.wala sa kamay natin ang mga batas pero patas lang naman sila dahil namatayan din ang grupo nina baron.
Naupo muna kami dito sa labas ng classroom.
'Oh adrian kamusta?ano ang nangyari?bakit nagkaroon ng frat war?nasaan na si ryan?" naglalakad sila papunta dito sa amin kasama niya si lhen at wenny.
"Si ryan?ayon binabatukan ni lee.sya naman pala may kasalanan e" mula ng maging sila ni lhen ay hindi na naghihiwalay ang mga to kahit saan magpunta.
"Ano ba talaga ang nangyari?". pag uusisa ko.
"Pagkatapos kasi nilang kumain kanina sa canteen ay dinala ni ryan si hannah don sa billiaran tapos iniwan niya sa sulok para mag CR..pagbalik niya ay nakita nito ang isang miyembro ng BEX na kAtabi ni hannah kaya ayon pinagsusuntok na kaagad e sakto namang may mga kasamahan yong lalaki kaya ayon nag rambulan na". makikita mo talaga ang pagkainis sa mukha nito kahit ako ay naiinis din naman e.akala ko kung ano na.
Gago na ryan.oras na magpakita sa akin yon ay sasapakin ko din.sinusumpong na naman ng pagiging seloso niya.Oo seloso yon di lang halata.nong bata pa kami ayaw niyang kasama lagi ang daddy niya dahil inagaw daw nito si mommy niya kasi nagkahiwalay dati ang parents niya kaya hindi santos ang apelyido niya kundi villafuerte. pero nong nagbinata na ay nawala na ang ugaling yon pero mukhang bumalik na naman ata nang dahil kay hannah.
"Hubby saan na si ry--Wait!!!!". bigla nalang kasi niya ako hinila palayo kina adrian.
"Teka lang!bat galit ka?" Ako na naman ang pinagbuntungan niya.may kasalanan na naman ba ako?tuloy tuloy lang ang paghila niya sa akin.
"Paulit ulit ko bang isigaw sayo na WAG KANG MAKIPAG USAP SA VERN na yon?" Sigaw na naman niya sa akin.

Sorority QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon