40-42

897 41 0
                                    

SORORITY QUEEN

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  40-41-42

Patch Pov
"Kapal ng mukha mo lee". naiinis na sabi ko.talagang kinaladkad ako papunta dito sa tambayan.
"Diba sabi ko wag ka ng makipagkita pa sa tomboy na yon?" Galit na wika niya at talagang itinulak niya ako paupo dito sa sofa.wala na din sina adrian.malamang pumunta na sa klase nila.
"Ano ba ang problema mo kay vern at parang allergic ka sakanya?" ang pagkakaalam ko ay wala namang nagawang masama si vern sakanya pero kung magalit pag kasama ko si vern ay parang may sakit na nakahahawa si vern na bawal akong lumapit.
"Hindi ko lang gusto yon at pwede ba?sundin mo nalang ako" napipikon na wika niya at pumunta sa ref para uminom.
"May mali ba kay vern at ganyan lang ang galit mo sakanya?" Pag uusisa ko.may mali kay lee e.di naman siya ganyan sa akin noon.wala pa siyang pinagbawalan na lapitan ko maliban kay vern.
"W-wala ayoko lang na lagi kang nakadikit sakanya" hindi siya makatingin ng deretso sa akin.alam kong may tinatago ito at kahit ano man yon ay hinding hindi niya sasabihin sa akin.sigurado ako don.
"Okey hindi na ako didikit sakanya pero makikita ko parin siya dahil kaklase ko sya". pero syempre echoz ko lang yon.kaibigan ko si vern at alam ko na mabuting tao sya.kakausapin ko nalang sya kapag nakatalikod na itong si hubby ko.
"Salamat naman patch.aasahan ko yan". parang nabunutan siya ng tinik sa sinabi ko.iba ako.kapag sinabi niyang NO para sa akin ay YES yon.
"Aalamin ko ang sekreto mo lee". bulong ng isip ko.kahit sino ay hindi ko pwedeng pagkatiwalaan sa ngayon.kahit si lee.
"Sige pumasok kana sa klase mo patch tara ihatid na kita". makakilos to parang asawa ko na a.baka nakalimutan nito na may amnesia pa KUNO ako?.
"Thanks lee ha ang sweet mo talaga". tumayo na din ako.baka andon na si sungit na prof namin.mabuti nalang samahan ako nito para di magagalit si sir.
"Psh!sisiguraduhin ko lang patch na hindi mo kakausapin ang vern na yon". sus!kala ko mabait na,yon pala sarili paring kapakanan ang iniisip.
Paglabas  namin ay maraming estudyante ang nakatingin sa amin.
"Kaya pala iniwan ni adrian e mas binibingwit ang malaking isda" pagpaparinig ni grace.
"Oo nga pero mas okey na si adrian kay lhen atleast bagay sila.parehong maganda at gwapo.mayaman pa". dagdag pa ng isa nilang ka sis.
Sige lang pag usapan niyo lang ako.matapos ang problema kong to ang permit nyo naman ang ipapatanggal ko.iiyak din kayo kapag e announce na hindi na matutuloy ang search for sorority queen.wala pa akong time nextweek nalang.
"Wag mo silang pansinin patch." Bulong ni lee habang hinahawakan ang kamay ko.firstime nilang makita na holdinghands kami ni lee.kadalasan kasi ay nag aaway at nagsisigawan kami.
"Lee?" Tawag ko sakanya ng makarating na kami dito sa classroom.marami na din ang tumitingin sa amin.ang iba ay nasa bintana pa ng classroom.isang malaking himala ang nasasaksihan nila ngayon hahaha.
"Ano yon patch?" lumapit ako sakanya at ngumiti ng ubod ng tamis.
"Sinasagot na kita.I LOVE YOU TOO". talagang nilakasan ko pa para marinig nilang lahat tapos ako na ang kusang humalik sakanya sa lips.mabilis lang.mga 5 seconds.eeee bitin pero sige lang gagapangin ko nalang kapag pumunta sya sa mansion.hahaha.
Lahat sila ay napasinghap sa ginawa ko kahit si lee ay nabigla din.sus!parang firstime ko lang ginawa to e sobra pa nga dyan noon.
'S-sige pasok kana patch" nauutal na utos niya.napangisi naman ako.dalawang bagay lang yan.it's either galit sya sa ginawa ko o  si junior ang nagalit pero tingin ko yong second option.hahaha errr!!!naughty ko.
-------
Sabado ngayon at may naisipan akong puntahan.actually matagal ko ng plano to pero hindi ko pa nagawa dahil marami akong inaasikaso.
"Yaya?kung may magtanong sayo kung nasaan ako pakisabi inutusan mong pumunta sa kapatid mo sa cavite ha". nasa harden sya at nagdidilig ng halaman.
"Saan ka pupunta patch?" Nagtataka niyang tanong.
"Sa tagaytay yaya at pakiusap wala sanang makakaalam nito" pakiusap ko kay yaya.well,maliban kay vern ay si yaya rin ang mapagkatiwalaan ko.wala naman kasi sina mommy dito.masyadong busy sa business.
"Anong gagawin mo don?" pag uusisa niya.minsan si yaya may pagka tsismosa din to e..hehehe.
"Pupuntahan ko lang po yaya ang resthouse baka may makuha po akong ebidensya don sa nangyari sa akin noon". doon kasi nagsimula ang pagkaaksidente ko.isa pa naalala ko na may cctv pala ang resthouse namin.
"Sige mag ingat ka.kelan ka pala makabalik?" . Napatingin ako sa roses.ang ganda naman ng pink roses.virgin na virgin.hehehe parang ako lang.choz!
"Bukas po.doon nalang ako matulog.medyo malayo ang tagaytay isa pa nakakapagod namang bumiyahe dahil traffic". makabili nga ng chopper para walang traffic.afford ko naman yon kaso si daddy ayaw dahil ang gastos daw.hindi pa kasi nila alam noon na malaki na ang savings ko.mas malaki kesa sa kanila.
-------
After ng ilang oras na biyahe ay nakarating na din ako dito sa resthouse namin.
"Señorita patch!" Masayang bati ni mang isko.sila ng asawa niya ang ginawa kong tagabantay dito.may sahod din ang mga yan buwan buwan.pinapadalhan ng pinsan kong namamahala ng   boutique ko.
"Magandang tanghali po". magalang na wika ko.mag aala una na kasi ako ng makarating dito.dumaan pa ako sa grocery store na nadaanan ko at bumili ng pagkain at pasalubong sa mag asawa.
"Kuya pakidala po ng pinamili ko para po sainyo yan ng asawa mo" nagtaxi lang kasi ako.hindi naman pwedeng kumuha ako ng sasakyan sa mansion dahil baka mapansin ni wenny e napaka tsismosa naman ng bruhang yon.
"Naku lahat po ito maam?maraming salamat po". tuwang tuwa na sabi niya.
"Opo para po sainyo yan para hindi na kayo mahirapang mamili pa". nakz.ang bait ko naman ata ngayon.sige lang masaya naman ako para sakanila.minsan lang ako naging mabait kaya lubos lubusin ko na.
Dinala na niya ang mga pinamili ko sa loob kaya sumama na rin ako sakanya.
"Sige po kuya magpapahinga lang po ako.nakakapagod po sa biyahe" paalam ko.hindi siguro nila nabalitaan ang  nangyari sa akin kaya hindi sila nagtaka kung bakit kilala ko sila.
"Kumain na po ba kayo maam?buti nalang po nakaalala kana". waaah.kakasabi ko lang na hindi nila naalala e.
"Kumain na po ako sa nadaanan kong restaurant pagbungad ng tagaytay..opo nakaalala na po ako". amin ko.wala namang masama kung malaman nila.sooner or later ay aaminin ko na rin sa lahat.
Mag aalas kwatro na nang magising ako.masyado kasi akong napagod sa biyahe kaya medyo matagal din ang tulog ko.
Nag ikot ikot ako sa buong bahay.hindi ko nakita ang mag asawa kaya dumiretso ako sa cctv room.gusto kong makita ang lahat ng footage ng nangyari dito noon sa party.
"Asar!". galit na sabi ko ng sira na ang lahat ng cctv at wala na din ang lahat ng records.hindi ko na tinry pa na maghalungkat.alam kong wala din naman akong mapapala.
Bumaba na ako.ilang taon na ang nakaraan.malamang nilinis na nila ang lahat ng ebidensya.napagawi ako sa likuran nitong resthouse kung saan nakapark ang ferrari ko noon bago ko ito gamitin.
Andito pa pala ang mga bike at motorbike na gamit ko kapag andito ako.mabuti nalang dahil nililinis ng mag asawa ang bahay na to.
Napatingin ako sa katabing resthouse nitong sa amin dahil sa bagong dating.kaharap kasi ng likuran nito ay harapan naman ng resthouse ng mga Angeles.
May pulang sportscar na bagong dating at bumaba si Darwin.anak ng may ari ng resthouse.mayaman din sila at senador ang daddy niya.actually sa kanila talaga ang lupain na to pero nong nabalitaan kong ibinebenta ang kalahati ay hindi na ako nagdalawang isip na bilhin.
Magkakilala kami pero sakto lang.hindi din naman kami masyadong close pero alam kong mabait ang pamilya nila.
Napatigil ako sa pag muni muni ng may napansin ako sa poste na nasa harap ng resthouse nila.
Natatakpan siya pero sigurado ako isa yong cctv at sure ako na kahit papano ay makikita ang konting part nitong garage namin.
Nakita ko si mang isko na nagbubungkal ng lupa.
'Kuya,tingin mo po gumagana ang cctv ng mga angeles dyan sa labas?". tanong ko sakanya habang lumalapit.
"Yon ba?oo patch,nong isang araw lang nahuli ng mga police ang nag carnap ng sasakyan ni senador na nakapark dyan sa labas ng bahay dahil nakuhanan ng cctv nila.". sagot ni manong.
" BINGO.".. finally malalaman ko na kung sino sya/sila.

Sorority QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon