PRANK #1
April 1, 2007
“Honey!” kalabit ko kay April ng mapansin kong kanina pa ito tahimik sa tabi ko. “May problema ba?”
Tumingin naman ito sa akin at seryoso itong umiling-iling.
Katatapos lang naming mag lunch sa canteen ng school namin, at hindi na ako mapakali sa ikinikilos ng aking girlfriend. Hindi ko maiwasan na kabahan dahil tumatahimik lang naman si April pag may nagawa akong kasalanan dito o pag may hindi ito nagustuhan na ginawa ko.
“May nagawa na naman ba akong kasalanan?” tanong ko kay April.
“Bakit mo natanong?” tanong din nito sa akin.
“E masyado kang seryoso e.”
“Bawal na bang mag seryoso?” tanong nito sa akin. “Ikaw ata ang masyadong napa-paranoid diyan.”
“Hindi lang ako sanay sa kinikilos mo ngayon.”
Inilapit ni April ang mukha nito sa akin at tiningnan ako ng may pag-dududa.
“Wala ka bang gustong sabihin sa akin?” tanong nito sa akin.
“Sasabihin?” ulit ko habang nag iisip. “Anong sasabihin ko sa’yo?”
Nakita kong nayukot ang pango nitong ilong kasabay ng paghaba ng nguso nito na mas lalo nitong ikina-cute.
“Sigurado ka, wala ka talagang sasabihin sa akin ngayong araw?”
Napakamot na ako ng ulo, dahil wala talaga akong maisip na sasabihin sa kanya. Impossible namang monthsary namin ngayon dahil sa sabado pa ang fourth monthsary namin at martes pa lang ngayon.
“Okay.” Maya-mayang sabi nito sa akin ng hindi agad ako nakasagot. “Punta lang akong CR.” Balewalang paalam nito sa akin.
Gusto ko pa sana itong pigilan at tanungin kong ano ba talaga ang gusto nitong sabihin ko sa kanya, pero pinigil ko na lang ang sarili ko dahil sigurado naman akong hindi niya iyon sasabihin. Ilang beses ko na rin sinabi dito na tao lang ako at hindi nakakabasa ng isip ng ibang tao, pero lagi niya pa rin akong pinapahirapan tulad na lang ngayon.
Naisip ko tuloy, ang hirap talaga ispelengin ng mga babae. Laging pabago-bago ang mood. At kadalasan gusto nila na magawa mo o mahulaan mo ang lahat ng mga nasa isip nila.
Naiwan akong mag-isa sa mesa ng biglang mag vibrate ang cellphone ko sa bulsa. Kinuha ko iyon at binasa.
Unknown: Meet me at the library; I need to talk to you.
Napakunot-noo ko ng mabasa ang text message na iyon. Hindi naka-save ang number kaya inakala ko na lang na wrong sent iyon at hindi ko na pinagka-abalahan pang replyan.
Napatingin uli ako sa aking cellphone ng mag vibrate uli ito sa taas ng mesa.
Unknown: I’m pregnant, at ikaw ang ama.
Mas lalong nangunot ang noo ko ng mabasa ang pangalawang text ng number na iyon.
Me: I’m sorry, wrong sent po ata kayo.
Reply ko dito para matigil na ito sa pagtetext at mabilis ko iyong binura sa aking inbox. Mahirap na at baka mabasa pa iyon ni April, for sure gyera na naman ang mangyayari sa amin pagnagkataon. Masyado pa naman itong selosa.
Unknown: How dare you! Pagkatapos mo akong buntisin pagtataguan mo na ako ngayon?
Me: Miss, pasensya na pero hindi ako ang nakabuntis sa iyo.