P

105 10 23
                                    

PRANK#2

 

April 1, 2008

Graduate na kaming dalawa ni April at may kanya-kanya ng regular na trabaho. Hindi man kami parehas ng kumpanyang pinapasukan, pero nananatili pa ring matatag ang relasyon namin.

Iisa lang din kaming apartment na tinutuluyan pero magkahiwalay ng kwarto kaya okay na rin kahit na magka-iba kami ng pinagta-trabaho-han. Sigurado naman kasi ako na pag uwi ko sa gabi, magkikita at magkakasama pa rin kami ni April.

Depende na rin kong sino sa amin ang mauunang umuwi, iyon ang nagluluto ng dinner. Hindi kasi kami magkasabay mag lunch dahil sa kanya-kanya na namin kaming opisina nagla-lunch.

Kinapa ko ang cellphone sa ilalim ng unan at tinext si April para gisingin ito. Automatic na iyon sa akin tuwing magigising ako. Kahit na sa kabilang kwarto lang si April, lagi ko pa rin ito tine-text ng good morning bago ako bumangon, iba pa ang good morning with kiss ko pag lumabas na ito ng kwarto. Ganon din sa gabi, iba pa ang good night with kiss bago kami pumasok sa kanya-kanya naming kwarto at text ko na good night bago ako pumikit.

Nang ma-sent ko na ang text ko para kay April ay tumayo na ako sa kama at nag-inat-inat. Pagkatapos ay kunting push-up at curl-up din ang ginawa ko bago ako lumabas ng kwarto.

Nag luto na ako ng breakfast namin at kinatok ko uli si April sa kwarto nito ng makaluto na ako.

“April, naka luto na ako ng breakfast,” sabi ko sa labas ng kwarto nito. “Hindi na kita nahintay kumain dahil maaga ang pasok ko ngayon. Nasa mesa ‘yong pagkain, kumain ka na lang bago ka pumasok.”

Nagkibit balikat na lang ako ng hindi ito sumagot sa loob ng kwarto nito. Mukhang tulog pa ang mahal na prinsesa.

Pumasok na lang uli ako sa kwarto. Kumuha ako ng isang black slacks at white long sleeves sa cabinet at inilatag iyon sa kama. Nang maihanda ko na ang mga susuotin ko ay tumuloy naman ako sa banyo sa labas ng kwarto ko para maligo.

Pagkatapos kong maligo ay bumalik uli ako ng kwarto para magbihis. Narinig ko na bumukas na ang pinto ng kwarto ni April kasunod ng mga yabag ng paa nito na papuntang banyo.

Hindi ko na lang iyon pinansin at nagpatuloy ako sa pagbibihis. Thirty minutes na lang ang natitira kong oras para hindi ako ma-late ng trabaho ko. Pagkatapos kong magbihis ay inayos ko naman ang mga dadalhin ko, pero hindi ko pa natatapos ang pagligpit ko sa mga dadalhin ko ng marinig ko ang isang matinis pero malakas na sigaw ni April sa kabilang kwarto.

“SUNOG!!!!!”

Bigla akong napatakbo palabas ng kwarto ko ng marinig ko iyon at ng makaamoy ako ng isang bagay na nasusunog. Mabilis akong pumasok sa kwarto ni April ng may makita akong usok na lumalabas sa ilalim ng pintuan nito.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang isang damit na nasusunog sa lapag malapit sa paanan ko. Aapakan ko pa sana iyon para maapula ang apoy pero agad kong naramdaman na may nagsaboy sa akin ng tubig. At hindi lang ako nabasa, kundi basang-basa. Pati ang nasusunog na damit na nasa paanan ko ay biglang natigil sa pagkasunog dahil sa tubig na tumutulo sa basang-basa kong damit.

Naka-awang ang bibig ko ng mag angat ako ng tingin at nakita ko si April sa harapan ko na may hawak na isang timba. Nakatakip ang isa nitong kamay sa kanyang bibig na halatang pinipigilan ang pag tawa kaya hindi ko napigilang mapatim-bagang.

“Huwag mo sabihin sa akin na pinagtri-tripan mo na naman ako, April?”

Kahit hindi ko nakikita ang sarili ko, alam kong naglalabasan na ang ugat sa sentido ko kakapigil sa sobra kong galit.

April fool's OriginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon