Chapter 7.5- ANNOUNCEMENT: I'm Kiara's... O___O!

40 0 0
                                    

Chapter 7.5- ANNOUNCEMENT: I'm Kiara's... O___O!

[PART 2]

"Uy!! Tignan niyo toh oh!" -Yanna habang nakatingin sa mga bato.

Ngayon lang ba siya nakakita ng bato?

"Anmeron?"

"Basta! Kiara, halika dito!" -Yanna

Masakyan na nga trip nito. Pampatanggal ng bad vibes.

"Kumuha ka ng isang bato." -Yanna

"Hoy babae! Nababaliw ka na naman!" -Jack

"Agree."

"Eeeeeh! Sige na! Please!" -Yanna habang nakapout

"Sige na nga."

Kumuha ko ng isang bato. "Oh? Ano gagawin ko dito?"

"Hipan mo." -Yanna

"Pfffffffft.. HAHAHAHAHAHAHAHA! Magic ba yan? Ha? Yanna? Hahahahahahhaa!" -Jack

"Manahimik ka nga, jack! Kiara, Hipan mo nalang kasi! -_-" -Yanna

Parang seryoso si Yanna sa pinapagawa niya sakin kaya hinipan ko na yung bato kahit para kong tanga.

"Akin na yan ^_^" -Yanna

Tinignan niya yung kabilang side nung bato. May magic ba yung bato na yun? Maloloka ko dito kay Yanna.

"Okay. Makinig kang mabuti Kiara..." -Yanna ulit

Teka para namang manghuhula dating niya ngayon. Kanina, magician. Ngayon, manghuhula. Mamaya kaya?

"Nakilala mo na siya. Just wait and be patient 'coz its very different from what you expect."

Sinasabi yan ni Yanna at nakatingin lang sakin as in eye to eye talaga.

"Y-yanna! Ano ba yang pinagsasasabi mo!"

"Binasa ko sa kabilang side nung bato. *abot ng bato. Ayan basahin ma man." -Yanna

Binasa ko nga yung bato at yun nga yung nakasulat tapos may drawing siya color Black na Heart shape sa taas nung sulat. May gantong bato ba talaga?

"Bakit may ganto dito?"

"Aba malay ko!" -Yanna

Nakatingin lang samin si Jack na parang may iniisip. "Uy, ano iniisip mo?"

"Kung kukuha ng bato." -Jack

"Sige na. Kuha ka na din. Wag kj."

Finally, kumuha na rin siya at hinipan niya toh. Hahahaha! Akalain mo yun! Si Jack? Sinakyan ang mga kabaliwan na toh. Haha!

"Akin na!" -Yanna sabay kuha ng bato kay Jack

"Babalik ang dati sa kasalukuyan. Just forgive and forget the old wounds."

Binasa ni Yanna ng mahina at nagulat naman si Jack as in ang laki ng mata niya.

O_______O >> Jack

"Ganda nung sa kanya! Nice one! Pahiram nga!" Sabi ko kay yanna sabay kuha naman nung bato na kinuha ni Jack.

Iba naman yung nakadrawing sa taas nung sulat, Diamond naman. Nice! Nice kaechosan XD

"Uy jack, okay ka lang?"

Kanina pa ganun yung expression ni Jack.

"H-ha?" -Jack

"Okay ka nga lang ba?" -Yanna

"Ako? Aaah okay lang ako!" -Jack

Narinig kong bumulong si Yanna ng, "Liar.". Anmeron? Di ako makarelate -_-

PLAYFUL GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon