Chapter 2- ANOTHER STUPID SCHOOL YEAR STARTS

125 1 0
                                    

Chapter 2- ANOTHER STUPID SCHOOL YEAR START

KIARA's POV

Another Stupid School Year starts..

Maaga kong gumising pero di ako excited. Naiinis pa nga ako e. Di ko alam kung bakit excite na excite sila pag first day of school e nakakainis pa nga.

Nakagayak na ko pero anong oras palang.. 5:30 am.

Masyado yatang oa yung pagkaaga ng gising ko ngayon.

Makapagbukas nga muna ng fb..

Nagstatus ako.

Another Stupid School Year starts. Tss. #LonelyKiaraForever -looking for a friend

Pustahan si mommy lang maglalike nyan -___-

"Ay kalabaw!"

Nagulat ako nung may magmessage sakin. Bihira lang may magmessage sakin. May nagmemessage lang sakin pag may nagtatanong about school matters or pag may by group na activity.

Inopen ko kung sino yung nagmessage.

Brix Zylen Scott messaged you.

Kelan pa ko minessage ng kumag na toh -___-

Brix: Haha! Loner ka pala eh! Bleh!

=___= nang asar pa

Me: Wala kang pake.

Brix: Sino ka para sagutin ako ng ganyan huh?!

Me: I'm Kiara Yumiko Salazar. Bulag ka ba? Nakasulat kaya sa facebook =_=

Brix: Sumasagot ka huh.

Me: Adik sa 'huh'. Tsk.

Brix: Wala ka ring pakialam.

Me: Di kita pinapakialaman. Opinyon ko yon.

Brix: Hinihingi ko ba opinyon mo?!

Me: Hindi.

Brix: Alam mo naman pala! Wala akong sinabing sabihin mo opinyon mo. Pero sinabi mo pa rin. Kaya ikaw ang mali :P

Me: Di mo nga sinabi kasi di ko nadinig. Di ko rin sinabi, tinype ko.

Brix: Anak ka ba ni Vice ganda at ganyan kang mambara?!

Me: Hindi. Anak ako ng nanay ko.

Brix: Ugghh! Bahala ka nga dyan!

Problema nun? Siya nang-iinis, siya rin pala maiinis =___=. Sinagot ko naman kasi nang maayos yung mga tanong niya e. Tss. Masyado kasing mayabang

Naglog-out na ko at nagcommute papuntang school.

Papasok na ko sa school ngayon. Naglalakad ako sa hallway.

Tumingin ako sa buong Willford High School. Hayyy. Andyan na naman ang mga kalungkutan ('kalungkutan'? Aish ayoko nang mga term na ganyan. Di dahil sa meaning kundi dahil masyadong madrama o masenti -___-)

*hingang malalim*

"I can do this." Bulong ko sa sarili ko.

Nagpatuloy na ko sa paglalakad. Tumingin tingin ako sa palagid. Walang pagbabago.

Andyan pa rin ang mga iba't ibang uri ng estudyante. Kanya-kanya silang pwesto. Hinanap ko si Cia.

Di ko makita si Cia. Panigurado late na-

Hindi pala. Nakita ko siya. Nakaupo lang. Parang may mali. Hindi siya nakaupo dun sa dati naming pwesto. Akala ko lang pala na walang pagbabago. Meron pala.

PLAYFUL GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon