Chapter 6- Its PAYBACK Time >:)

42 0 0
                                    

Chapter 6- Its PAYBACK Time >:)

Kiara's POV

Bwahahahaha. Excited ako ngayon. Haha! Humanda sila.

Andito na ko sa school. Kagabi, nanghuli pa ko ng palaka -_____________-. Bilib kayo sakin nuh?! Galing ko!! ^O^

Sa ngayon, gagawin ko muna yung 'Plan A'. Nyahahahaha! Hinahanap ko nga yung bag nila kaso di ko makita pero alam ko naman kung ano itsura nun. Pareparehas sila ng bag. Black and white yun eh.

Hanap. Hanap. Hanap. Hanap. AYUN!!! Nakita ko na!

Inuna ko muna yung bag ni Brix. Syempre pasimple ko lang binuksan yon at nilagay yung palaka sa loob tas sinarado ko na yung zipper. Maliit lang yung palaka para di obvious. Nilagyan ko na rin yung tatlo. Excited na ko sa magiging reaksyon nila.

Nagdala pa ko ng camera para ivideo sila. Nagtaho ako sa mga halaman malapit dun sa bag nila at mamaya maya pa ay nakita ko na sila. Waaaaaaah! Excited na ko sa reaksyon nila!

Binuksan ni Brix yung bag niya at may kinuhang notebook. Ayan na, go frog! XD

Inistart ko na yung video. Sakto namang tumalon kay Brix yung palaka... tapos...

"WAAAAAAAAAAH!!!!! ILAYO NIYO SAKIN YAN!! ILAYO NIYO SAKIN YANN!! WAAAAAAAAAH!!"

Pfffffffft.. AHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHA. Nagpipigil ako ng tawa dito. Gusto ko nang tumawa nang malakas kaso baka marinig ako. Nagtatatalon kasi si Brix dun. HAHAHAHAHA. ANO KA NGAYON? XD

Pinagtitinginan na siya ng tao. Nakalayo na yung palaka sa kanya pero nagtatatalon pa rin siya. Waits... Di ko na kaya...

"HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

Napalingon sila sakin kaya inend ko na yung video at nilagay ko sa bag ko. Napatigil na sa pagtalon si Brix at ang sama ng tingin sakin. Oh no!

Umalis na ko dun at naglakad ako nang mabilis.

*boogsh

"Ayy, sorry po."

Nagpatuloy na ko sa paglalakad pagkatapos kong magsorry.

"Miss! Sandali!"

Tumakbo siya papalapit sakin.

"Halika dito."

Dinala niya ko sa may sulok at nagbukas siya ng libro. May binigay rin siya saking libro. Weird.

"Bakit tayo magba-"

"KIARA!!! PAG NAKITA KITA, HUMANDA KA SAKIN!!!!"

Tumakbo na paalis si Brix at parang hinahanap ako.

"Ayan. Ok na. Diba, hinahabol ka nila Brix. Kaya kita inaya dito."

Ahhh. I got it. Para di ako mahuli ni Brix, nagkunyari kaming ibang estudyanteng nagbabasa lang ng libro.

"Sino kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Ako si Yanna at siya naman si Jack. Magbestfriend kami."

"Bakit niyo ko tinulungan?" Dami kong tanong. Sorry naman.

"Bored kami e." =_= very nice answer

"Salamat ha. Bye. Punta na ko sa room."

Ang weird non ah pero astig noh? Tinulungan ako dahil bored sila. Nice *_*

Pumunta na ko sa room. Pumunta na ko sa chair ko at nakita ko namang may nakadikit sa desk ko.

The Game is not yet over.
-Brix P.

PLAYFUL GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon