"THIS IS NOT A GOOD IDEA, TERRON! Let's go back to Manila. I have a job at baka hanapin ka na din ni Rachel."
Kanina pa siya nagpupumilit sa binata na umuwi na sila sa Manila simula nang makarating sila sa townhouse nito dito sa Tagaytay. Pero parang bingi ito sa lahat ng sinasabi niya dahil hindi naman siya pinapansin nito. Ni hindi nga ito umimik simula nang makababa sila sa sasakyan nito at makapasok sa bahay nito.
"Dinala mo ako dito tapos hindi mo ako kakausapin? Great! Nakakainis ka na! Is that what you want, huh? Walang pansinan? Fine! " Padabog siyang nagtungo sa ikalawang palapag ng bahay nito at nagtungo sa nag-iisang kuwarto doon. She turned on the lights and locked the door.
Nakakapagtaka na hindi kalakihan anf kuwarto sa loob samantalang napakalaki tignan nito sa labas. Malaki ang townhouse na kinaroroonan nila ngayon kaya naman nakakagulat na iisang kuwarto lamang ang meron sa ikalawang palapag nito tapos hindi pa kalakihan.
May maliit na sofa at double-sized bed malapit sa bintana ng kuwarto. Sa tapat noon ay isang malaking divider na may mga libro. Mukhang naalagaan naman ang bahay dahil walang agiw ang kuwarto at malinis ang bedsheet. Hindi din amoy kulob sa loob.
Hindi katulad sa bahay ni Terron, parang walang sariling banyo sa loob ng kuwarto na ito. Isang kama, maliit na sofa at divider lamang ang mayroon dito. Weird. Mukhang malaki talaga sa labas ang kuwarto pero kabaliktaran sa loob.
She heard the sound of the door getting unlocked kaya naman napalingon siya doon. She saw Terron entered the room at nakatitig sa kaniya. Sinalubong niya ang tingin nito kahit na nagso-somersault ang puso niya sa paraan ng pagtitig nito sa kaniya.
"I'm sorry if I drag you here without your permission. I know you wouldn't go with me kung hindi kita dadalhin dito ng sapilitan." Anito.
Hindi siya umiimik habang nagsasalita ito. She missed his voice. She missed being this close to him.
"I missed you, baby. I know you hate me, but please stay with me here. I already called Kane and told him that you'll be on leave for a week at pumayag naman siya. He also has your stuff. " Terron took a deep breath bago siya lapitan.
"Na-miss mo din ba ako?"
Gusto niya sumagot ng 'oo', pero hindi niya magawa. She wanted to tell him that she's sad at gusto niya na i-comfort siya nito, pero alam niya na may Rachel na naghihintay dito.
"Iuwi mo na ako. Baka magalit si Rachel---"
"Enough with Rachel. It's just you and me here, baby. Puwede ba na huwag mo muna siyang isipin? "
"How can I not think of her? Kung sinasabi mo that I am still your girlfriend, ano mo siya? Bakit hinahayaan mo siya na yakapin ka? Na hawakan ka? Bakit okay lang sa iyo na sobrang lapit niya sa iyo kahit alam mo na ayoko? Laro lang ba ako para sayo? Ano to pinagsasabay mo kami?" Parang binibiyak ang puso niya sa isipin na baka nga laro lang ang lahat para dito.
"What? No! I am dead serious when I told you that I like you. Rachel is just an ex, and the reason I cannot say no to her is because she's sick. "
Halata ang frustration sa boses ni Terron kaya naman hinayaan niya itong magsalita. Maybe she shouldn't have listened to him before.
"She showed up to our village without notice. She told me that she's sick and she wants me back, but I told her that I already have a girlfriend and that is you! Hindi niya 'yon matanggap at gusto ka niyang guluhin at iyon ang hindi ko hahayaan. Nakiusap siya sa akin to stay with her hanggang sa bumalik siya sa Italy at hindi niya tayo guguluhin. That's the sole reason I am letting her near me... not because I want her back. It is you who I want, LC. Hindi siya."
BINABASA MO ANG
AWAKENING DESIRE ( R- 18 COMPLETED) [PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING]
RomanceWARNING SPG ⚠️ LC Gonzales made a promise to herself to stay untainted until her last breath. She learned from what happened to her parents that love can bring destruction into someone's life. She promised herself that no one will be able to get int...
![AWAKENING DESIRE ( R- 18 COMPLETED) [PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING]](https://img.wattpad.com/cover/284291790-64-k146148.jpg)