EIGHT YEARS LATER....
"Wifey, I'll pick you up and the kids at 4 PM, okay? I love you. I'll make the meeting very quick. " Ani Terron sa kabilang linya.
"Okay, hubby. I love you more. Ingat ka sa pag-drive mamaya. See you! "
Pinatay ni LC ang tawag at inasikaso ang pag-aayos ng gamit ng dalawa nilang anak ni Terron. Pupunta sila mamaya sa Tagaytay dahil weekends at walang pasok ang panganay nila.
"Mommyyyyy!" Rinig niya ang malakas na tili ng bunso niyang anak.
LC heaved a sigh. Ito na naman ang magkapatid sa hindi matapos-tapos na bangayan.
Lumabas si LC sa silid ng mga anak at nagtungo sa kuwarto nilang mag-asawa na nakabukas. She saw Thalia na nakikipag-agawa ng remote ng TV sa kuya nitong si Adam. Ang cute ng mga anak nila ni Terron pero ang sakit sa ulo.
"Adam Genesis Gonzales Scotler. Hindi ba sinabi ko na bawal muna manuod ng TV at tulungan ninyo ako na ihanda ang mga gamit niyo? " Striktang tanong niya sa panganay na pitong taong gulang na.
"Mom! You don't have to say my complete name! " Nakangusong anito. Ayaw nito na sinasabi ang buong pangalan dahil sa hindi niya malamang kadahilanan.
Nakita niyang inirapan ni Thalia ang kuya nito. Thalia is four years old pero kung umasta ay parang matanda na. Medyo bossy ito kahit na napakaliit pa.
"Thalia Margaux Gonzales Scotler, tigilan mo iyang kakairap mo at baka dukutin ko iyang mata mo. Show some respect to your brother!" Pagsaway niya dito.
"Sorry Mommy..." Anito at yumuko habang malungkot ang mukha.
LC took deep breaths at nilapitan ang dalawang anak na nasa kama nilang mag-asawa.
"Diba I told you not to fight? Magkapatid kayo kaya dapat ay magkakampi kayo at hindi magkaaway. You're making mommy and daddy sad when you guys are fighting. Gusto nyo na ba laging sad sila mommy at daddy? " Tanong niya sa mga anak na hindi makatingin sa kaniya.
The two shook their heads. Ganito ang mga ito kapag alam nila na may mali silang ginawa.
"Sorry mom. I should have been more mature since I am older than Margaux. " Ani Adam at umusog palapit sa kapatid at hinaplos ang ulo nito bago niyakap at nag-sorry.
Thalia hugged her brother back and apologized as well.
The sight of her kids making up makes her want to cry. Namana talaga ni Adam ang ugali ng ama. Mahilig ito magpakumbaba at palaging unang nagso-sorry kahit na si Thalia ang may kasalanan.
Manang mana sa kaniya ang anak na babae na may mood swings kahit bata pa.
Niyakap niya ang mga anak at hinalikan ito sa nuo. She smiled at them as the two kids hugged her back and kissed her cheeks.
"Daddy will pick us up in two hours and we will go to Tagaytay. Kung sino ang unang matapos mag-pack ng gamit ay bibigyan ko ng lollipop. "
Dali-daling tumalon pababa ng kama ang mga anak niya at nagkukumahog pabalik sa kwarto nila. Natatawa na lamang siya at sinundan ang dalawang bata.
Hindi niya palagi pinapakain ng candies ang mga anak dahil baka sakitan ito ng ngipin kaya naman nagiging pansuhol niya na ito dahil minsan lamang makakain ng candy ang mga ito.
Natatawa siya habang nagmamadali ang dalawa na ilagay sa bag nila ang mga damit na inilabas niya kanina.
"WHAT'S with the long face, baby?" Tanong ni Terron sa bunsong anak na hindi maipinta ang mukha sa back seat.
Nakatingin ito sa rearview mirror habang nagda-drive.
"I want a lollipop too, Daddy!" Anito habang namamasa ang mata.
Naunahan kasi ito ng kuya niya na mag-ayos ng gamit kaya naman wala itong lollipop na nakuha.
"Baby, you know the drill, diba? Nauna si Kuya Adam mo kaya siya ang may lollipop. " Ani LC habang nakatingin dito.
Papunta na sila ngayon sa townhouse sa Tagaytay kung saan nag-propose sa kaniya ang asawa noon. Kapag walang pasok ang panganay na anak nila ay palaging naglalaan ng oras si Terron para dalhin sila sa Tagaytay ay mag-relax.
Tahimik silang mag-anak sa loob ng sasakyan nang bigla nilang marinig ang mahinang paghikbi ni Thalia.
Nag-aalalang nagkatinginan silang mag-asawa. LC was about to give Thalia a lollipop para tumahan na ito nang iabot ni Adam ang hindi pa nabubuksang lollipop dito at pinahid ang luha sa mga mata nito.
"Sssh. Don't cry, baby Margaux. Here, you can have this lollipop. " Anito habang pinapatahan ang kapatid.
LC wanted to tear up because of how Adam cares for his little sister. Hindi lang ito kamukha ni Terron, kaugali pa talaga. Suwerte ang mamahalin ng anak niya kapag tumanda ito dahil maswerte din siya sa ama ng mga anak.
LC felt someone squeeze her hand at napatingin siya sa asawa na nakangiti habang nagmamaneho.
"Are you happy?" Tanong niya sa asawa.
Terron nodded and glanced at her. "Words are not enough to tell how happy I am. I am beyond grateful for the family that I have now. " Anito na may matamis na ngiti sa labi.
She caressed Terron's hand and lightly squeezed it. "So do I, hubby. I am very grateful for what we have. "
"I love you." Ani Terron na masuyo siyang tinignan.
"I love you more." Malambing na tugon niya dito.
"We love you both!" Sigaw ng dalawang anak nila sa likod.
LC and Terron laughed and told their kids how much they loved them.
Life has been so good to LC because now she has a family of her own. The gap in her heart caused by having a broken family is long gone. She's now extremely happy with the love of her life, Terron, and their two adorable kids, Adam and Thalia.
Wala na siyang mahihiling pa.
~~~~~~
A/N : Hellooooo! LC's story is finally dome! :) I hope you guys had fun reading it because I had fun writing this one. Thank you so much to LC GONZALES for letting me use your name in this story. I hope you'd find your own Terron and have your own version of happy ending. Lovelots! ❤️
And Please read the story of Marra entitled DESIDERIO ARDENTE. And my on going story MI VIDA MI AMORE. :))))
![](https://img.wattpad.com/cover/284291790-288-k146148.jpg)
BINABASA MO ANG
AWAKENING DESIRE ( R- 18 COMPLETED) [PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING]
RomanceWARNING SPG ⚠️ LC Gonzales made a promise to herself to stay untainted until her last breath. She learned from what happened to her parents that love can bring destruction into someone's life. She promised herself that no one will be able to get int...