Chapter 12

6.8K 147 17
                                        

"How was your first day, pretty?" Asked Kane. Her new boss.

"It was perfect, boss." She answered.

Today's her first day working as his secretary. He gave her two weeks to rest and think about accepting the position. Maganda ang offer sa kaniya ng binata kaya naman pumayag din siya. Kailangan pa din niyang magpadala sa ina niya na nasa probinsiya at malaki ang sasahurin niya bilang secretary nito.

"That's good to hear. Enjoy your stay here at KM Caribbean Automotives. Magsabi ka lang kung may kailangan ka." Anito habang nakangiti.

"Thank you, Sir."

"Sure thing. I like to treat my employees well, and you are not just an employee but also a friend. I got you! "

She smiled at her new boss na ipinipilit na friends sila. Hinayaan na lamang niya ito.

Her workstation is inside his boss's office, dahil secretary nga siya nito. Kung tutuusin ay pupwede naman na doon siya sa working area sa labas ng office nito pero mapilit ang boss niya at mas maigi na raw na sa loob mismo siya ng office nito para madali siya mahagilap.

"Para ganahan din ako mag-trabaho." Saad pa nito noong nakikipagtalo siya na sa labas na lang siya pupwesto.

He's the boss kaya wala na siyang nagawa. Mapilit ito masyado and as a good employee ay kailangan niyang sumunod dito.

She's happy that she found herself a new job. Thanks to Kane for opening the door of new opportunities for her. Malaki ang company nito na nagdidisenyo, nagde-develop, at nagma-manufacture ng cruise ships all over the world.

Her first day at her new job was amazing. Her new co-workers are very nice, especially her new boss. Kane was a caring man. As his secretary, sa halip na siya ang magtanong dito kung nagugutom na ang boss niya ay ito pa ang nag-aalala sa kaniya. She's an only child kaya naman natutuwa siya dahil pakiramdam niya ay may Kuya siya bigla.

"YOU LOOK happy today," Marra told her while smiling at her.

She smiled at Marra at naglakad patungo sa sofa. Kakauwi lang niya galing sa trabaho. Samatalang naghahanda naman ang kaibigan niya para pumasok dahil may duty pa ito ng eight ng gabi.

"I had fun at work. I have a nice boss and the employees are nice too. I think I'll enjoy my stay. " She spoke.

"Your boss seems to be interested in you." Anito. She chuckled at the thought.

"Huwag ka malisyosa! He's just nice. Maigi nga at nakahanap pa ako ng ganoong boss. Bibihira ang kagaya niya." Aniya na sinang-ayunan naman ng kaibigan.

Nagpaalam na ang kaibigan niya na papasok pagkatapos magbilin sa kaniya dahil siya lang ang maiiwan dito sa Condo.

LC took a deep breath and leaned back on the sofa. Today's a good day, and she perfectly knows how to ruin it by thinking of the man who hurt her. She cannot help but wonder kung kamusta na ito. Is he happy with Rachel? Marami siyang gustong sabihin dito but she chose to refrain herself dahil ayaw na niya masaktan.

Siguro ay dahil din sa pagod kaya naman hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya sa sofa. Nagising na lamang siya nang mag-ring ang cellphone niya. She didn't check the caller ID bago niya ito sinagot dahil inaantok pa din siya.

"Hello?" Bungad niya sa tumawag.

She waited for someone to talk, pero nanatiling tahimik sa kabilang linya. A couple of minutes have passed, pero wala pa din nagsasalita. She checked her phone kung may kausap pa siya at halos mabitiwan niya ito nang makita Kung Sino ang tumawag. She bit her lower lip and quickly ended the call.

AWAKENING DESIRE ( R- 18 COMPLETED) [PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon