LC tried calling Terron, but his phone is always unattended. Siguro ay wala pa din ito sa bansa. She was getting frustrated but she needed to calm herself dahil makakasama ang sobrang stress sa pagbubuntis niya.
She tried to reach out to Kane pero hindi ito pumapasok sa opisina dahil nasa business trip daw sa ibang bansa. She's his secretary pero wala siyang alam sa business trip ng boss niya. Naiinis na siya dahil hindi na niya alam ang gagawin.
Sinubukan na din niyang puntahan si Terron sa bahay nito ngunit hindi niya ito naabutan. Ang sabi ni Nay Belen ay umalis ng bansa ang binata. Nanlulumo siya habang nakasandal sa swivel chair niya sa opisina. Mukhang iniwanan na nga siya ni Terron. Umalis pa ito ng bansa para lamang makalayo sa kaniya.
"Mukhang lalaki ka nga na walang ama" Pagkausap niya sa batang nasa sinapupunan habang hinihimas ito.
Isang linggo na ang nakakalipas simula nang makalabas siya sa Hospital at malaman na buntis siya pero wala siyang narinig na kahit na ano galing kay Terron. He probably abhors her.
She went to the doctor the day after she found out that she was pregnant. Gusto niyang masigurado na ayos ang lagay ng anak niya. She's happy that she's going to be a mother, but she's also sad to think that her offspring might grow up without a father.
Hindi pa niya sinasabi sa ina ang kalagayan niya dahil ayaw niya itong mag-alala sa kaniya.
Hahanap pa siya ng tamang tyempo para ipaalam dito ang kaguluhan ng buhay niya. Sa ngayon, susubukan muna niyang ayusin lahat sa abot ng makakaya niya. Kung hindi na talaga ay tsaka na lamang siya magsasabi.
LC took deep breaths and focused on her paperwork. Kapag bumalik ang boss niya ay tsaka niya ito tatanungin kung may alam ba ito sa pag-alis ni Terron sa bansa.
Napatingin siya sa pintuan ng opisina nila ng boss niya nang bigla itong bumukas. Nakaramdam siya ng kaba at umaasa na si Kane ang dumating. Anticipation is killing her.
She was disappointed to see Beatrice, Terron's secretary. Isang linggo na itong pabalik-balik sa opisina ni Kane kahit na wala naman dito ang boss nito.
Anito ay may mga inuutos ang boss niya na dito sa opisina ni Kane gagawin. Nagtataka talaga siya dahil magkaibang kumpanya ang kay Terron at kay Kane kaya paanong narito ang pinapagawa sa kaniya ni Terron?
"Disappointed?" Beatrice asked her habang tinititigan siya. Ang taray talaga ng itsura ng isang ito. Pero mabait naman kaya ayos lang.
"Nah." She shook her head. She bit her lower lip when Beatrice snickered. Alam nito na nagsisinungaling siya.
Umupo ito sa visitor's chair na nasa tapat ng table ng boss niya. Nakita niyang dumukot ito ng cellphone at nagtitipa doon.
"Ano ba talagang trabaho mo dito? Sa isang linggo na narito ka eh panay pagce-cellphone lang naman ang ginagawa mo." Aniya kay Beatrice na busy sa cellphone.
"Sa isang linggo na narito ako, hindi ko na mabilang kung ilang beses mo ako tinanong niyan. My answer will be the same, LC. I'm here for work. And my boss is outside the country; that's why I am communicating with him over the phone. " Sagot nito na hindi manlang siya tinatapunan ng tingin.
Nanlulumo siyang bumalik sa ginagawa. Nakakausap nito si Terron pero siya hindi. Ibang number na siguro ang gamit nito.
Namimiss kaya siya nito? Nalulungkot kaya ito? Baka naman nagmo-move on na ito sa kaniya?
Mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya. Gusto niyang sabihin kay Beatrice na buntis siya at sabihin ito kay Terron ngunit pero hindi niya ginawa. Gusto niya na sa kaniya mismo malaman ni Terron at personal silang mag-usap na dalawa. Marami siyang gusto sabihin at itanong dito, pero ni anino nito ay hindi niya makita.
BINABASA MO ANG
AWAKENING DESIRE ( R- 18 COMPLETED) [PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING]
RomanceWARNING SPG ⚠️ LC Gonzales made a promise to herself to stay untainted until her last breath. She learned from what happened to her parents that love can bring destruction into someone's life. She promised herself that no one will be able to get int...
![AWAKENING DESIRE ( R- 18 COMPLETED) [PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING]](https://img.wattpad.com/cover/284291790-64-k146148.jpg)