Attraction 39 - They meet again

7.7K 319 14
                                    

Shanna's Pov

4 years ha, ang tagal na rin pala, kamusta na kaya sila?

"Mommy? why are you spacing out?" tanong ng isang napakakulit na bata, nilingon ko siya at nginitian, Sofia, 4 years old. My little angel

"Pabayaan mo na yang mommy mo, iwan na natin yan dito, gusto ata na diyan lang siya eh" biro ni Tristan, I rolled my eyes.

"Like kaya niyo akong iwan"

"Daddy we can't leave mommy" nakasimangot na sabi ni Sofia

"Oo na, oo na alam ko naman na mas mahal mo si Mommy mo eh"

"Stop being stupid Tristan, alis na tayo baka sumabog na naman si Joan dahil late tayo"

"Yes po"

Naglakad kami palabas ng may nalagpasan kaming lalaki at ewan ko ba pero napalingon ako sa kanya, para bang si.....

"Shanna hali kana!" sigaw ni Tristan na nakapabalik sa akin sa katinuan.

"Hurry! Hurry mommy"

"A-Andyan na" agad akong sumunod sa kanila, hindi naman siguro siya yun.

**************************

Joan's Pov

"Ang tagal!" sigaw ko, andito kami ngayon sa boutique ko at kani pa ako naiinip sa kahihintay sa babaeng yun. Naku kakalbuhin ko talaga siya. Sinarado ko muna ang shop ko para sa espesyal na araw na ito.

"Ma naman hinahon din pag may time darating din yun"

"Kainis naman kasi eh bakit ang tagal niya!"

"Joan baka nakalimutan mo na galing pa siyang US, talagang matatagalan pa siya" kalamadong sabi ni Cristina

"Bakit naman kasi ngayon pa siya umuwi, pwede naman kahapon o di kaya ilang araw bago ang araw na ito, bakit ngayon pa!"

"Joan, fitting pa lang naman ang gagawin natin eh, hindi mo pa kasal" sabi ni Quenie

Tama! Kasal nga, ikakasal na ako, at tama rin ang hinala niyo, kay Kevin ako ikakasal dahil ang hudas binuntis ako, pasalamat talaga siya at mahal ko siya.

"Ma stop stressing yourself, dadating din yun baka mapaano kayo ni baby" alo sa akin ni Kevin

"Pwede Kev lumayo ka sa akin naalibadbaran ako sa'yo eh"

"Wala pa ata pati si Mike" sabi naman ni Ethan

"Isa pa yan, isa pa yan! Nasaan na ba ang magaling niyong kaibigan?"

"He said he will fetch someone at the airport" sagot ni Marco

"Sino naman?" tanong ni Quenie

"His girfriend" sarkastikong sabi ni Marco

"Girlfriend? or feeling girlfriend?" naasar kong sabi dahil isang babae lang naman ang kilala namin na feeling much na gf ni Mike, "Please naman wag niyo akong masyadong e.stress"

Mayamaya ay nakarinig kami ng pagtunog ng chimes, palatandaan na may pumasok sa pinto ng shop ko. Agad kong sinulobong yun at walang sabing sinigawan ito.

"SA WAKAS DUMATING KA NA!" galit kong sigaw

"Waaaa!!! Mommy she is scary!!" sigaw ng isang batang babae at tumakbo pabalik sa kasama nito, agad naman itong kinarga ng babae at inalo.

"It's okay baby she won't hurt you" malabing na sabi ng isang pamilyar na boses.

Lahat kami ay hindi nakagalaw at gulat na gulat sa nakita namin.

Too Opposite!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon