Attraction 4- say what?!

11.8K 480 31
                                    

Mike's Pov

Riiiiiinnnngggggggggg!!!!!!

Ingay naman, kinapa ko ang alarm clock ko na nasa side table ko.

Kapa, kapa, kapa, hawak! agad kong in.off yun at tumayo, tsk! kainis anong oras na ba? tumingin ako sa orasan ko at 7:15 na!

"Shoot!" sigaw ko sabay tayo, naman! unang araw ko sa new school malalate pa ata ako. Nagmamadali akong naligo at nagbihis, pagkatapos ay lumabas ng kwarto at pagbukas ko ng pinto ay siya ring pagbukas ng pinto ng kabilang kwarto. Nagulat kami pareho at nagkatitigan kami, medyo basa pa rin ang buhok niya at hindi pa nagsuklay.

"Ah...eh..ehehe...magandang umaga?" patanong na sabi ni Shanna.

Hindi ko nalang siya pinansin at bumaba na lang.

"Agang-aga ang sungit" bulong niya pero narinig ko pa rin yun, bahala siya doon.

Pumunta ako sa kusina para kumain at sumalubong sa akin ang magulong eksena.

"Pwede ba umusog ka doon!" sigaw ni Joan kay Kevin

"Suusss! aayaw-ayaw pa eh gusto mo naman" sagot ni Kevin

"Hoy! wag kang feeling haaa!" sigaw ni Joan

Kumuha ng isang maliit na pakete ng ketchup ai Kevin at lumipat sa kabilang side ng table.

"Uie Cristina, ano yang niluluto mo?" tanong ni Ethan kay Cristina habang ngluluto ito ng ewan ko kung ano

"Kutsara at malaking luwag" bara ni Cristina dito

"Ito naman para magtanong lang" sabi ni Ethan.

"Hmph!" sabay irap ni Cristina.

"Naman! saan ko ba yun nailagay, badtrip naman oh" inis na sabi ni Quenie.

"Is this what your looking for?" sabi ni Marco sabay bigay ng I.D kay Quenie.

"Oo nga yan nga! salamat!" masayang sabi ni Quenie

"Tsk! you left it at the table in the living room"

"Ganun ba, eheheh pasensya na"

Aga-aga ang gulo na, umupo ako sa balakanteng upuan sa tabi ni Marco.

"Oh bro! good morning!" masiglang bati ni Kevin, tumango lang si Marco at ngumiti lang si Ethan.

Mayamaya ay dumating si Shanna pero hindi pa rin siya nakasuklay.

"GOOD MORNING!" sigaw niya sabay upo sa kabilang side sa harap ko.

"Shanna naman ano ba yang buhok mo, nahuhumindang!" sabi ni Joan "Magsuklay ka nga"

"Sus! okay lang yan magsusuklay lang ako habang papunta tayo ng school." sagoy niya

Napatingin siya sa akin at ngumiti, bipolar ata ang babaeng ito ah, kahapon ay masungit at hindi namamansin ngayon naman ngingiti-ngiti.

"Ayan kain na kayo" Nilapag doon ang bacons, hotdogs and scrambled eggs, may hot coffee na rin.

"Oh yeah! kaininan na!" excited na sabi ni Ethan, kukuha na sana ng pagkain si Ethan pero tinampal ni Cristina ang kamay niya. "Aray bakit?"

"Anong bakit ka diyan, pray muna tayo ulol!" sungit na sabi ni Cristina

Well hindi kami sanay doon pero dahil yun ang gusto nila kaya ayun pray muna daw, pagkatapos kainan na. 

"Oo nga pala, tanong ko lang, saan pala kayo nag-aaral?" tanong ni Shanna

"bakit? intresado ka sa amin?" sabi ni Kevin

Too Opposite!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon