Attraction 17 - intramural moments part 2

8.1K 347 15
                                    

Quenie's Pov

Busy ako sa booth namin na coffee shop. Wew! daming tao, nakakapagod na.

"Thank you for coming, come back again" sabay bow na sabi ko

Nakakatuwa naman kasi ang coffee shop namin dahil Disney style hahaha! napaka pambata. At ang uniform namin ay mga character ng Disney, well maliban kay Ariel dahil mahirap gumalaw na naka mermaid costume noh hahaha!

"Hi! sir welcome to Disney cafe" yuko ko tas pagtingin ko ay nagulat ako "Marco!"

Tinignan niya ako ng mabuti, well my character is Rapunzel from the Disney movie tangled.

"Table for one?" nakangiti kong tanong at tumango lang siya. I led him to his table, at ng maka-upo na siya tinanong ko siya sa order niya.

"Anong masarap dito?"

"Well our four seasons shake is our best seller and our crazy meat pizza is good" nakangiti kong sabi

"Crazy meat pizza?"

"Yup! may 7 different types of meat siya for it's toppings"

"Okay, yan na lang, two orders each"

Huh? two? may hinihintay pa ba siyang iba? Bakit parang sumama ata ang pakiramdam ko doon ah.

"Yun lang ho ba? you don't want to try our cakes?"

"Well, anong best seller ninyo?"

"Our black forest is good but mas gusto ko ang mango cake at leche flan cake hehehe"

"Fine, one mango cake and leche flan"

Hindi naman masyadong gutom ito ah, I got his order and left. Ng pumunta ako sa counter namin ay sinabi ko kaagad ang order.

"Wow! andito pala si Marco, gwapo niya talaga" sabi ng kaklase ko

"Oo nga eh grabe! kakilig siya!" sabi naman ng isa.

Napatingin ako sa lugar ni Marco, he was just sitting there while reading a book and I looked around just to see that almost all the girls inside the cafe was looking at him.

Mayamaya ay dumating ang order, medyo marami ito ah! Pero bigla nalang may kumuha sa isang tray at paglingon ko ay si Marco pala.

"A-ako na lang"

"Let me help you, marami ito" sabi niya tas umalis dala ang isang tray na naglalaman ng cakes at shakes. Kinuha ko ang isang tray, at sumunod kay Marco. Paglapag ng pagkain.

"Enjoy you meal" tas ng tumalikod ako para umalis ay bigla niyang hinawakan ako sa braso.

"Sit" sabi niya

"Huh? ano ako aso?"

He sighed "Hindi yun ang ibig kong sabihin, what I meant is sit down and eat with me"

"Huh?" mas lalo akong nagtaka.

He stood up, led me to the chair across him and let me sit down.

"Kain tayo"

"Pe-pero..kasi..."

"Kanina kapa naglalakad-lakad, hindi kapa nagpapahinga o kumain man lang, so sit and eat"

"Huh?" paano niya nalaman yun?

"Wala ka bang ibang masabi kung hindi 'Huh?', Quenie just eat okay"

Tas ayun dahil walang magawa kumain na rin ako at ng matikman ko ang pizza, wow! ngayon ko lang napansin na gutom na gutom na pala ako.

"Ano ba yan, you are so clumsy even when eating" kumuha siya ng tissue and he wiped the smudge at my face, and my golly gaw gaw! I just felt a hundred, no thousands of electrons, isama mo pa ang neurons at protons para kumpleto na, na ewan ko ba na gumapang sa katawan ko, ilang boltahe ba ang nagcharge at ganun ang nararamdaman ko?

Too Opposite!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon