Attraction 14- A dog Story

9.2K 413 22
                                    

Ethan's Pov

Andito kami sa security area sa mall at kinakausap ng guard.

"Ngayon, ano ba talaga ang nangyari?" tanong ng guard.

"Ney naarted nit! (they started it)" turo ng babaeng naka red nahawak pa rin ang dumudugong ilong niya.

"Psh! kayo kaya ang nauna, ang lalandi niyo kasi" sagot ni Shanna.

"Hindi kami malandi ano, we were just friendly" maarteng sabi ng babaeng naka pink

"Friendly? you've got to be kidding me?" ngroll eyes pa si Joan "May pakikipagkaibigan ba na kung makatingin ay parang nanghuhubad?"

"Meron! si Ethan!" singit ni Kevin, binatukan ko siya at tinignan siya ng masama ng lahat. "Okay! sorry, nagjojoke lang ako" tas tinaas pa ang dalawang kamay parang sumusuko na sa laban.

"Aish! we didn't know na meron na silang nobya" sabi ni green girl with matching tingin kay Cristina, from head to toe.

"Gusto mo dukutin ko mata mo?" masungit na sabi ni Cristina, tas umirap lang ang babae.

"Babe chill" tas umakbay sa kanya.

"Bitaw! hindi tayo bati" mariin na sabi ni Cristina.

"Akin ka nalang pogi" pagseduce ng green girl.

"Tumahimik ka na miss kung hindi ipapalapa kita sa pogita, panget" sagot pa rin ni Cristina.

Napabuntong hininga ang guard sa amin.

"Kayo talagang mga kabataan oo, ang hihirap intindihin"

"Hindi naman po talaga mahirap ito tsip, dahil wala naman talaga kaming kasalanan, yang mga malalandi lang talaga ang problem" galit na sabi ni Quenie.

"Quenie tama na" hinawakan ni Marco ang kamay ni Quenie.

"Tss!" sabi ni Quenie

"Oh siya ito nalang....."

Nakinig kaming lahat sa sinabi ng guard pero hindi naman kami binigyan ng grabeng parusa basta hindi na maulit ito. Lumabas na kami sa security area, pero walang imikan talaga, nakakailang nga eh.

"Ahm...nagugutom pa kayo? Gusto ninyo kumain muna tayo?" tanong ko

"Mabuti pa nga" sang-ayon ni Kevin.

"Okay, nakakapagod din makipag-away eh, grabe ang sakit pa rin ng kamay ko, parang bakal ang sinuntok ko" reklamo ni Shanna.

"Pft!...hahaha!" tawa ni Joan

"Sobra ka naman Shanna hahahaha!" sabi ni Quenie na tumatawa na rin

"Mga sira-ulo, gutom lang yan" sabi ni Cristina na napailing pero nakangiti na rin.

"Hay naku mga amazona talaga kayo" sabi ko habang naglalakad na kami patungo McDonalds.

"Tss! pwede ba, kayo rin naman ang may kasalanan eh, gutom na gutom na kami at lahat  nakikipaglandian pa kayo kasi eh nakakainis." inis na sabi ni Joan.

"Ma, wag ka ng magtampo diyan" tas inakbayan si Joan

Tinabig ni Joan ang kamay ni Kevin. "Tumahimik ka nga diyan Kevin"

"Sus! eh ikaw kaya ang unang tumawag sa akin ng pa" tas ngumiti ng nakakaloko.

"Che! g-ginawa ko lang yun pa-para umalis sila at maukha natin ang order natin" tas umirap

"Hahaha! cute mo talaga ma" tas kinurot ang ilong ni Joan

Natatawa na kami sa kasweetan ng dalawang ito. Napatingin ako kay Cristina

Too Opposite!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon