At eto na nga kami, naglalakad sa daanan.. Ang dilim na sobra.. And parang ang scary ng atmosphere.. Nakakatakot!! Waaah!!
Hehe ^_^v Medyo isip-bata lang ako :")
Welllll, di kami nag-uusap ni Janna.. Eh ano ba namang pag-uusapan namin?? We're not friends kaya! Hehe :))
..silence...
Awkward >_<"
"Um Mikey, ito na yung bahay ko.."
Pinagmasdan ko yung bahay nya.. Ang ganda!! Di man ganun kalaki, may homey na pakiramdam at ang ganda ng kulay ng mga pintura..
"So, babye na Janna.."
Tinitigan nya lang ako.. And after a few seconds...
...niyakap nya ko..
o.o
0.0
O.O
Waaaahh!! Bakit nya ko niyakap!! Di ko tuloy alam kung anong gagawin ko!!
Habang nakayakap sya sakin, nararamdaman kong parang.. umiiyak sya..
Naawa ako sa kanya.. Pero parang nararamdaman ko na hindi na lang awa.. Parang iba eh...
Inlove na ba ko sa kanya??
Waaaahhh!!
I wanted to comfort her.. Kahit di ko alam kung anong pinagdadaanan nya, feeling ko sobrang bigat nun.. Kaya hinug ko rin sya.. Mas lalo naman syang humagulgol..
Kahit na sobrang basa na ang shirt ko dahil sa mga luha nya, okay lang.. Ang mahalaga ay malabas nya lahat ng nararamdaman nya..
"Uh Mikey," sniff "uuwi na ko.. Gabi na oh.."
"U-um okay.."
"Mikey, salamat.. Maraming salamat sa lahat :')"
Di ko alam kung anong sasabihin ko.. Madami akong gusto sabihin at itanong sa kanya.. Pero di ko masabi..
"Uh sige! Good night :)"
"Good night din Mikey!! Paalam.."
"Bye Janna.."
Bakit parang ayaw ko nang umalis? Parang ayoko na syang iwanan?? Parang feeling ko di ko na sya makikita...
Hindi! Makikita ko pa sya.. Makikita ko pa si Janna..
~kinabukasan..
Pagpasok ko sa school, dire-diretso akong pumunta sa classroom ko.. At...
Wala nga dun si Janna..
Haay.. Di nga sya pumasok.. Pero parang iba yung pakiramdam ko.. Parang may kakaiba talaga sa kanya..
Umakyat agad ako sa second floor kung saan nandun yung mga rooms ng third year highschool.. Actually tatlo yung sections nila.. Pero mukha namang matalino si Janna eh.. Kaya sa first section ako pumunta..
Knock knock!!
Pagbukas ko ng pinto, tatlong student lang nandoon.. Mga katulad ko na tinatamad tapusin yung mga clearance nila ^^
"Um.. Dito ba yung section ni Janna??"
"Si Janna Santos po? Opo classmate namin sya .."
Haay.. Buti nman dito talaga sya nag-aaral.. Ibig-sabihin hindi lang panaginip yung nangyari sakin kahapon.. Totoo yun.. Totoo si Janna..
"Pero Kuya, wala si Janna ngayon eh.. Nasa ospital sya.."
"H-ha?! Ospital??! Kelan pa???"
"1 month na po sya nakaconfine.. Nasagasaan po kasi sya last month tapos nagkaroon po sya ng coma.. Hanggang ngayon di pa rin daw sya nagigising.."
Teka, naguguluhan nako!!! Sino yung nakasama ko buong araw kahapon?? Kaluluwa kaya niya yun?? Aaaaargh!!! Confused na talaga ako..
"Saan sya nakaconfine??"
"Sa ******* medical hospital po.."
Dali-dali naman akong umalis.. Lumabas na ko ng school.. Di ko alam kung anong pwedeng mangyari, pero ang tanging nasa isip ko lang ay si Janna.. Kelangan ko syang makita..
Pinunasan ko yung mga luha sa mga mata ko.. Teka, ba't ba ko umiiyak??! Walang mangyayaring masama kay Janna..
Wala..
wala...

BINABASA MO ANG
Just One Day
General FictionFor just one day spending with the most important and special person in your life, it would mean so much for you and you would give ANYTHING to have this..