Pagpunta ko sa hospital, dumiretso agad ako sa reception desk.. Tinanong ko kung saang room nakakaconfine si Janna..
"Room 217 po sir. Pero pwede lang po kayo pumasok dun kapag relative kayo nung pasyente.."
"Ah.. Um, ako kasi yung boyfriend ni Janna.."
O.O Nasabi ko ba talaga yun??!
"Ganun po ba? Sige po pwede na po kayong pumunta doon sir."
Bakit parang tanggap ng isip at puso ko yung sinabi ko kanina?? Na boyfriend ako ni Janna? Aargh! Ganito ba talaga pakiramdam ng... Ng ma-inlove??! Waaahh!!
Pagdating ko sa harap ng pinto ng room nya, bigla akong natakot.. Paano kung paalisin ako ng magulang nya?? Paano kung mahimatay ako sa sobrang kaba para kay Janna??
Paano kung di nya ko makilala??
Biglang may dumaang lalaki sa likod ko.. Teka!? Siya yung lalaking weird na nakita ko kahapon!! Bakit kaya sya nandito??
Haay.. Wala na kong panahon pa para alamin pa kung sino sya.. Ginrab ko na lahat ng lakas ng loob ko at binuksan ko na yung pinto..
Pagpasok ko ay napalingon lahat ng tao roon.. Actually apat silang nandoon.. Lumapit sakin yung parang nanay ni Janna..
"Um sino ka iho??"
"Uhh, kaibigan po ako ni Janna :)"
"Ahh sige.. Pasok ka iho"
Tinignan ko agad yung kama ng pasyente.. Si Janna nga yung nandoon..
"Isang buwan na rin syang may coma" sabi ng nanay niya "Sabi ng doctor, malaki yung posibilidad na hindi na sya gumising pa kasi sobrang tagal na syang ganyan.. At birthday pa naman nya ngayon.." umiyak sya ng sobra habang hinihimas yung ulo ni Janna
Pati yung ibang family ni Janna, sobrang iyak ng iyak.. Naramdaman ko na ring pumapatak yung mga luha ko... Oo nga pala, sinabi nya sakin kahapon na ngayon yung birthday nya... Lalo tuloy akong napaiyak...
"M-mama?"
Nagulat kaming lahat.. Tumingin kami kay Janna at sobrang natuwa..
"Gising na siya!!!!"
"Anak!! Buti naman!! Akala ko tuluyan ka nang di magigising!!"
"Yeheeeyy!! Gising na si Ate Jaja!!!!"
Ang cute, Jaja pala tawag sa kanya ng family nya... :)
"A-ayos na po ako mama :')"
Tumingin sya sa lahat ng tao sa room at nginitian nya.. Pero nung napadako yung tingin nya sakin, medyo nagulat sya..
"Uh hi Janna!! Sobrang saya ko na gising ka na!! Siyanga pala, happy birthday!! Eto oh, regalo ko sayo :)" inabot ko sa kanya yung heart necklace..
"P-paano mo nalaman na gusto ko to??"
"Uh, sinabi mo sakin kaha-- ay dati :)"
"T-teka...
"...sino ka ba?"
---
A/N: Guys meron pa palang isang chapter :) Akala ko kasi matatapos na eh, yun pala di pa tapos yung love story ng Team JaMik ^_^ Hihi :) Bukas na lang yung last chapter ah? Inaantok na po kasi ako eh.. Salamat po ulit!! God bless po =)
BINABASA MO ANG
Just One Day
General FictionFor just one day spending with the most important and special person in your life, it would mean so much for you and you would give ANYTHING to have this..