8th Chapter

63 3 3
                                    

Huh?!

"J-janna, si Mikey ako n-noh?! Wag mo na nga a-ako i-joke.."

"S-sorry po talaga pero hindi kita kilala.. Mama, kakilala mo po ba s-sya?"

"Hindi anak eh.. Pinapasok ko sya dito dahil sabi nya kaibigan mo sya.."

Muli akong tumingin kay Janna.. Kitang-kita ko sa mga mata nya na talagang di nya ko nakikilala...


Tumakbo ako palabas ng kuwarto.. Ang sakit!! Napakasakit!! Sobrang sakit na kalimutan ka ng taong mahal mo.. :''''(

Habang tumatakbo ako pauwi, ang labo ng paningin ko, dahil sa mga luhang patuloy na umaagos sa mga mata ko.. Pagdating ko sa bahay, dumiretso agad ako sa kwarto ko.. Sumalampak ako sa kama ko at patuloy pa rin ang paghagulgol ko..

Sa sobrang pag-iyak ko, di ko na namalayan na nakatulog na pala ako...


"Hello Mike.."


Napatingin ako bigla sa nagsabi nun.. Sya na naman!!

"Huy ikaw!! Bakit mo ba ko laging sinusundan??!!" siya kasi yung lalaking weird na paulit-ulit kong nakikita kahapon pa..

"Kalma lang Mike.. Ako nga pala si Mark, ang guardian angel ni Janna :) "

"Ha?! Anong guardian angel ka dyan?!"


"Tss.. Totoo nga yun :) Alam kong gulong-gulo ka ngayon :) Gusto mo bang tulungan kita? :) "


"Wag ka ngang ngiti ng ngiti dyan! Nakita mo na ngang nadedepress na ko dito eh :'("

"Haay.. Tutulungan na nga kita eh.. Mike, totoong nakasama mo buong araw kahapon si Janna.."

"Eh bakit sabi nila 1 month na daw syang nakaconfine?!"


"Oo nga, totoo din yun.. Pero ang nakasama mo ay yung kaluluwa nya.."

"Kaluluwa?!! Pero bakit nahahawakan ko sya kahapon??"

"Eh kasi, di pa naman sya patay.. Naglalakbay lang yung soul nya dahil tulog yung isip at katawan nya.."


"Akala ko sa mga palabas lang yun nangyayari.. Eh bakit di na nya ko kilala??"

"Eh kasi, kaluluwa lang nya yung nakakakilala sayo.. Nung bago pa sya na-ospital, hindi ka pa nya kilala nun, sa dinami-dami ba naman ng mga students sa school nyo.."

" Ganun ba?.." :'(


Hindi pa rin magsink-in sa utak ko yung mga sinabi nung lalaking weird, ay nung angel pala.. Hmmm.. Teka..


"Uh angel!! Bakit ilang beses sinabi ni Janna kahapon na mawawala na sya? Na huling araw na daw nya kahapon? Tapos nabanggit nya dati yung linya na 'nung buhay pa ko' ??"


"Andami mo namang tanong! Well, akala nya kasi, patay na sya.. Na gumagala na lang yung kaluluwa nya sa earth.. Pero buhay pa naman talaga sya.. Tapos sinabi ko sa kanya nung isang araw na huling araw na nya kahapon.. Ang akala nya ay dahil kukunin na sya ni Lord.. Pero ang ibig ko lang sabihin ay magigising na muli yung katawan nya kaya huling araw na nya ng journey ng soul nya sa mundo..."

Dahil sa dami ng sinabi nung angel, parang sasabog na yung utak ko.. Waaahh!! At least alam ko na ngayon kung bakit ako nakalimutan ni Janna..

Nagising ako na medyo shocked pero pogi pa rin ^_^ Masakit nga lang kasi di na naaalala ni Janna yung lahat ng pinagsamahan namin.. Yung lahat ng nangyari kahapon ay parang bula na nawala na lang sa kanyang alaala sa isang iglap..

Pero di ako susuko. Napaibig nya ko sa kanya sa isang araw lang.. Ako rin, kaya ko din yun.. For just one day lang, anything is possible para sa taong mahal mo.. At mahal na mahal kita Janna..

..Janna's POV..

Sobrang saya ko ngayon dahil nagising na ko :) Medyo masama pa rin pakiramdam ko dahil sa injury na nakuha ko sa pagkakabunggo ng kotse sakin last month.. Pero ayos na ko :)

May bigla naman akong napansin na makislap sa may gilid ng hospital bed ko.. Kinuha ko yun.. Ito pala yung gift sakin nung guy kanina.. Paano kaya nya nalaman na gustong-gusto ko tong necklace na to?? Haay...


Ano nga pala pangalan nya?? Di ko man lang natanong.. Pero sobrang familiar talaga ng face nya.. Isip Janna, isip!!
T-teka.. Parang..


"M- .. M-Mikey.."


---


A/N: Super salamat po sa lahat ng nag-support ng stories ko po :) May upcoming story po pala ako, bukas or sa next next day ko po ipupublish. Thank you all po ulit ^_^ God bless po =)

Just One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon