A collaboration with _nicxies_
---
MASAYA si Alessia sa kaniyang buhay… dati. Siya ay maganda, mabait, matalino, matulungin, mapagmahal na babae. Mayroon siyang masayang pamilya, kaibigan at mapagmahal na kasintahan.
*Flashback*
“Ma, nanalo ako sa quiz bee sa Math!” masiglang balita ni Alessia sa kaniyang magulang. Ito agad ang kaniyang bungad pagkapasok niya pa lang sa bahay nila.
Lumapit naman ang kaniyang nanay sa kaniya, “Wow! Congrats, anak! Alam namin na mananalo ka,” masayang sinabi nito.
“Syempre, mana sa akin eh,” pagmamayabang ng kaniyang tatay.
Tinignan ng masama ni Zadia ang kaniyang asawa, “Tse! Anong mana sayo? Eh, sabi mo nga ayaw mo sa Math!”
“Hindi ka naman mabiro, hon,” pagsuko ni Michael sa sinabi ng kaniyang asawa.
Napailing na lang si Alessia sa kaniyang magulang. Lagi naman itong nag-aasaran kaya hindi na bago sa yung asaran nila. May nakakatandang kapatid siya at si Alessia ang bunso. Bale dalawa silang magkapatid, may trabaho na ang kuya nitong si Acer.
Binibigay nila ang lahat ng mga kailangan at gusto ni Alessia para sa kaniyang kasiyahan nito. Pinagmamalaki nila ang kanilang anak dahil ito ay matalino at maasahan. Ganoon din para kay Acer, nagpapasalamat ito dahil may kapatid itong babae kaya bantay-sarado siya rito.
“I love you po.”
Napatigil naman ang pag-aasaran ng mag-asawa at lumapit sa kanilang anak, “Naglalambing ang bunso natin, Michael.” Panunukso ni Zadia sa kaniyang anak.
“Ma, naman eh!” Nakasimangot na sabi nito.
Natawa naman ang mag-asawa at niyakap ni Michael si Alessia, “Basta, lagi mong tatandaan na nandito lang kami para sayo. Mahal na mahal ka namin. Huwag kang susuko na abutin ang iyong mga pangarap ha?” Nakangiti nitong sabi kay Alessia.
“Bakit may yakapan na nagaganap?”
Napatingin silang tatlo kay Acer na kakarating lang. Lumapit ito sa kanila, kinuha yung certificate at medal tsaka ginulo ang buhok ni Alessia, “Sabi ko naman sayo eh, kaya mo iyan. Wala ka kasing tiwala sa sarili mo. Mana ka talaga sa akin, matalino.”
“Ayan, naman mo sa tatay mo iyang kayabangan mo.” Singit ni Zadia.
Natawa naman si Acer sa turan ng nanay, “Ma, naman eh. Hindi ka mabiro.” Sinamaan lang ng tingin ni Zadia ang kaniyang anak, “Basta Alessia… tatandaan mo na mahal na mahal ka namin at hindi ka namin iiwan.”
Tumango naman si Alessia sa kanilang sinabi, niyakap ang kapatid kaya nakiyakap din ang mag-asawa. Mas lalong napangiti si Alessia sa magulang nito at kapatid niya. Pinagmamalaki rin ni Alessia na may magulang at kapatid siya na mahal na mahal siya. Hindi nito alam kung anong mangyayari sa kaniya kapag nawala sila.
*End of flashback*
Pero nagkamali pala ito dahil iniwan din siya ng kaniyang magulang. Graduation niya ng senior high school nung iniwan siya ng kaniyang magulang. Pauwi na sila sana roon nang mabangga sila sa isang SUV.
Siya lang ang nakaligtas at nabuhay sa nangyaring banggaan. Ang sabi ng doctor sa kaniya ay dead on arrival daw ang kaniyang magulang. Nanlumo siya sa kaniyang nabalitaan dahil wala siyang malalapitan kundi sa tiyahin niya na ayaw sa kaniya.