[Kitten, pupunta ka rito sa condo ko?] Tanong ni Jash, boyfriend ko.
Nanonood ako ng movie rito sa condo ko nang biglang tumawag itong lalaking ‘to.
"Hindi. Nanonood ako ng movie rito," Narinig kong nagreklamo siya sa kabilang linya. Palagi na nga ako roon sa condo niya, kulang na lang doon na ako tumira.
[Dito ka na manood.]
Napairap ako, "Ayoko. Kapag nandiyan ako, paniguradong hindi ako makakanood ng movie. Sa kulit ba naman niyang kamay mo kung saan-saan napupunta at kung anong ginagawa!"
Kung ano ano ginagawa kapag nandoon ako sa condo niya o kahit na nandito siya sa condo ko ganun pa rin ginagawa. Halatang hindi nagsasawa, e.
[Kailangan kita.] Malambing na sabi niya.
"Nahiya ka pang sabihin na kailangan mo lang kamay ko."
[Katawan din pero kailangan nga kasi kita!] Inis na sabi niya.
Madali kasing mainis si Jash kaya palagi ko siyang iniinis. Pikunin pa.
"Bakit na naman ba?" Inis na sabi ko. Ayoko sa lahat iyong dinidistract ako kapag nanonood, e.
Binabaan niya ako ng tawag kaya tinuloy ko na ang pinapanood ko. Kumakain din ako ng ice cream ngayon. Mahilig ako sa ice cream kaya nga palagi kong kinakain alaga niya. Charot!
Maya maya, tumunog ‘yong cellphone ko kaya alam kong may nag-chat. Pagtingin ko si Jash na may sinend na vm. Finull volume ko para marinig ko kung ano iyong sinend niya pero nagulat na lang dahil ungol niya pala ‘yong sinend niya!
Emilie: Tangina mo, Jash!
Ang lutong ng mura ko sa kaniya kahit sa chat lang.
Kapag inungulan ko ‘to, mas lalong kailangan niya ako.
Jash: Punta ka na kasi ditooo sa condoooo kooo
Emilie: Ayoko
Jash: Dali na 🥺
Emilie: Hindi mo ako mauuto
Jash: Hindi ka naaawa sa’kin? Hindi mo ba papahupain ‘to?
Nakaisip ako ng kalokohan, inopen ko yung voice recorder ko at umungol ako pero wala akong ginagawang kalaswaan. Pagkatapos ay sinend ko sa kaniya. Tingnan na lang natin kung anong reaksyon niya.
Jash: Emilie! Nangtutukso ka talaga! Kita mo na ngang nahihirapan na ako rito tapos magsesend ka pa ng vm na ungol mo.
Emilie: Aww deserve.
Oh, ‘di ba? Mas lalo siyang mahihirapan kapag ganiyan. Kalibugan nga naman niya.
Emilie: Kawawa ka naman. Ilabas mo na lang ‘yan.
Jash: Ikaw nga kasi kailangan ko eh!
Emilie: Kaya mo na ‘yan.
Jash: Bahala ka. May pupuntahan ako.
Emilie: Saan?
Jash: Basta.
Nagtaka naman ako kung saan naman pupunta ‘yon. Hindi ko na lang siya nireplyan kasi hindi rin naman niya sasabihin kung saan siya pupunta tsaka hindi na rin siya online kaya pinagpatuloy ko na lang iyong panonood at pagkain sa ice cream na tunaw na ngayon. Kasalanan ito ni Jash, e. Natapos ko na sana itong panonood ko kung hindi ba naman siya inatake ng kalibugan niya.
Nanonood ako nang biglang may pumasok sa condo ko. Naka-lock yung pinto pero may duplicate key si Jash kaya nabuksan niya. Sinara niya yung pinto at nilock. Mariin siyang nakatingin sa akin na parang may balak na masama. Nilagay ko yung baso sa table, katabi ng sofa.