Pangarap lang pala kita

114 2 1
                                    

Nandito ako ngayon sa opisina ko, maraming nagpa-schedule para sa kasal nila. Isa akong famous na wedding organizer kaya sa akin din sila dumadagsa kapag gusto nilang ikasal. Kung itatanong niyo kung may jowa o asawa ako ngayon, pwes wala. Kasal na siguro ako ngayon kung hindi lang ako iniwan. Siguro hindi lang talaga kami para sa isa't isa.

Habang may ginagawa ako, biglang may tumawag sa telepono ko rito kaya sinagot ko muna, "Hello? This is Alnicka Vera speaking. Ano pong kailangan nila?"

[Hi po! Paparegister sana kami ng mapapangasawa ko. Pwede po ba kayo ngayon para pag-usapan yung kasal?]

"Sure! Pwede naman. Anong oras po and saan?"

[1 pm po sana and dyan na lang siguro po sa may coffe shop malapit sa inyo]

"Okay, noted!"

[Thank you po!]

Nagpaalam na rin ako sa kaniya at napasandal sa upuan. Ang dami kong appointment. Ang daming ikakasal tapos maghihiwalay lang din naman. Bakit ganun? Nag-effort sila magpakasal pero maghihiwalay lang din pala sila. Nagplano para sa kasal pero napunta sa hiwalayan.

Kumain muna ako bago umalis sa opisina, sinabihan ko rin yung assistant ko na may kikitain ako kaya siya muna bahala rito. Ilang taon na rin siya sa akin kaya malaki ang tiwala ko sa kaniya. Loyal 'yon sa akin, hindi katulad ng jowa mo papalitan ka. Anyway, hindi naman ako bitter. Hindi talaga.

Nakarating na ako rito sa coffe shop na tinutukoy nung babae. Nakalimutan ko pa lang alamin kung sino yung babaeng 'yon. Nakita ko namang may kumaway sa akin kaya nilapitan ko ito, malay mo siya na pala 'yon. Nginitian ko siya pagkalapit ko sa kaniya, tumayo siya at nakipagkamayan sa akin.

"Good afternoon! You may seat down," Panimula ko na akala mo teacher ako makautos. Umupo rin naman siya kaya umupo rin ako sa tapat niya, "So, let's start! Sorry marami kasi akong gagawin pa."

"No, okay lang. Naiintindihan ko naman," Mahinihin niyang sabi.

Nilabas ko na yung notebook ko para ilista yung mga pag-uusapan namin tungkol sa kasal nila. Nilabas ko na rin yung mga pagpipilian niya.

"So, saan po yung venue ng kasal niyo?" Magalang na tanong ko.

Aba syempre! Kailangan magalang baka sabihin ang sama ng ugali ko. Well, totoo naman pero hindi ko lang pinapakita.

"Sabi ng mapapangasawa ko, gusto niya sa beach gaganapin. So, beach wedding po," Paliwanag nito.

Ang haba naman sinabi nito. Pwede namang 'beach' lang sabihin niya. Napatigil ako sa pagsusulat, beach wedding din ang gusto ko kapag kinasal ako. Ayun din sabi ko dati pero hindi na ngayon. Sinong papakasalan ko? Eh wala nga akong jowa.

Plano plano pa kami para sa kasal namin tapos iiwan lang din pala ako. Kaya nga araw-araw akong nabibitter dahil sa nagpapa-appointment sa akin tapos ang ending maghihiwalay sila. Buti nga sa kanila.

"Anong motifs?"

"Blue and green."

Napatulala na lang ulit ako, Bumalik na naman yung alaala na pilit kong kinakalimutan...

"Babe, anong gusto mong motifs sa kasal natin?" Tanong sa akin ni Xath. 

Napaisip ako sa tanong niya, "What if ipagsama na lang natin yung paborito nating kulay? Sa akin diba blue? Tapos sayo naman ay green," Paliwanag ko sa kaniya. 

"Okay, babe. KUng anong gusto mo, ganoon din sa akin," Saad niya at hinalikan ako sa labi. 

"Hmm... Ms. Alnicka?"

One shot compilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon