"Mag-aral kang mabuti, Mira. After mong gumraduate riyan, kumuha ka ng law," Napatingin ako kay papa.
Hindi ko namalayan ka nakapasok na pala siya rito sa kwarto ko, "Ano po iyon, pa?" Pag-uulit ko sa sinabi niya.
"Kukuha kako ng law after mong gumraduate riyan sa course mo," Seryosong sabi nito sa akin.
Tumango ako sa kaniya, "Okay po," Mahinang tugon ko sa kaniya.
Umalis na siya pagkatapos kong sabihin 'yon. Napasandal ako sa upuan ko. Tanginang buhay 'to oh. Hirap na hirap na nga ako rito sa course ko ngayon tapos mag-aaral ako ulit after ko gumraduate. Wala naman kasi akong gusto na course kaya kung anong sinabi nila ayun na lang kinuha ko which is Accountancy. Ilang beses na rin sinabi ni papa na magtake ako nun after ko gumraduate. Palagi niya iyon sinasabi sa akin.
Napahilamos ako sa mukha ko. Anong gagawin ko? Lagi na lang bang ganito? Para akong tuta na palaging sumusunod sa gusto nila. Bakit kasi ako ang inaasahan? Bakit hindi si ate? Maliit nga pala sweldo ni ate. Kaya kahit hirap na hirap ako at ayoko rito sa ginagawa ko, wala akong magawa. Ginusto ko naman ito.
Tinuloy ko yung pagbabasa ko rito sa handouts ko nang biglang bumukas yung pinto, "Kain na muna tayo," Ani ni mama.
Lumabas na ako ng kwarto at tumulong sa paghain. Nagdasal muna kami bago kumain. Tahimik lang akong kumakain nang i-ungkat ni papa yung sinabi niya sa akin kanina.
"Kaya mo ba?" Nag-aalalang tanong ni mama sa akin.
Seryosong tumingin si papa sa akin, "Kaya niya 'yan," Maikling saad ni papa.
Tumingin ako kay mama, tipid akong ngumiti rito at mabilis na umiwas ng tingin. Huwag kang iiyak, Mira. Huwag mo ipakita na mahina ka. Hindi mo pwedeng ipakita na mahina ka dahil papagalitan ka na naman.
"After mong magbar exam, mag-aaral ka ulit?" Tanong ni mama sa akin.
Umiling ako sa kaniya, "Hindi po," Biglang tumingin si papa sa akin, "After ko pong magtake ng bar exam, plano ko magtrabaho agad. Mag-iipon po ako pang-aral ko sa sarili ko," Paliwanag ko sa kanila.
Hindi ako makatingin kay papa kasi seryoso itong nakatingin sa akin. Na para bang pinag-aaralan niya kung anong nasa isip ko ngayon. Tumango si mama sa sinabi ko at bumalik sa pagkain. Sana lang tama yung magiging desisyon ko sa buhay.
"Tutulungan kita kung kaya ko pa," Sabi ulit ni papa.
Tumango na lang ako ulit sa kaniya. Malapit na kasi magretiro si papa kaya kailangan ko na talagang magtrabaho pagkatapos ko gumraduate. Nang matapos na silang kumain, hinugasan ko na yung pinagkainan namin. Mabilis kong tinapos yung paghuhugas at dumerecho ako sa kwarto. Pagsara ko ng pinto, dumapa agad ako sa kama at nagsipatakan na yung mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
Bakit ako? Bakit kasi ako yung nilagay sa ganitong sitwasyon? Bakit kay ate naman hindi sila ganito? Hinayaan nila si ate kung anong kukunin niya. Gusto ko lang naman na makapagtapos ng pag-aaral at makapagtrabaho sa kanila para matulungan ko sila. Ayun lang naman.
Kinuha ko yung cellphone ko, tatawagan ko na sana si Irish sa messenger nang biglang may magchat. Video call daw kami. Hindi ko ito kilala pero pumayag ako. Siguro nga kailangan ko sabihin yung nararamdaman ko sa hindi ko kilala na tao.
Sumandal ako sa pader bago ko ito sinagot. Wala akong pakialam kung halata sa mga mata ko na galing ako sa iyak.
"Hey? Are you okay?" Bungad na tanong ng lalaki sa akin.
Parang familiar itong lalaking 'to. Hindi ko nga lang matandaan kung saan ko ito nakita. Bigla na naman akong napaiyak. Bwiset. Kapag talaga may nagtatanong sa akin na okay ako, napapaiyak na lang ako.