Craziness 13

643 19 6
                                    

Kath's P.O.V.

Waaaah! Namiss ko kayo >< Matagl-tagal din kasi tayong hindi nagkita.  Naging busy si otor. Hahaha. So, P.E. parin naman namin. Still working on Wellness dance churva. Kelangan daw kasi, kaya ayun. every P.E. practice -___- Nasa court pa rin naman kami. May ituturong bagong sayaw si sir. Sway :)) 

"Okay guys! Fall in line. Partner, partner." pogi naming teacher :) Yiee. Bakit ba ang pgi pogi ni sir Daniel? Hahaha. Kaso ang masaklap? Waaaaaaaaaaaah! Dahil 47 kami, may isang walang partner, guess what? Yung walang kapartner na yun ang magiging partner ni Siiir! At sino yun?

Hindi ako. Si karen -_- Tropa ko. Why o why? Argh. 

"Face your partner na guys." pero hindi muna kinuha ni sir si kare. Tinuro niya muna samin. Tapos patugtog ng sway.

"Naks! Bernardo, bigay na bigay na naman siya." sita sakin ni sir sabay smile. 

"Ako na naman napansin mo sir!" kunyaring asar kong sabi pero deep inside? Ay juskooo! Nagpapakamatay nako sa kilig. Nemen e >.< 

"hahaha." tawa ni sir. Tapos by partner na, ay peste! Hinawakan si karen! Sa kamay! Sa kamaaaaay! Letsugas. Ugh. Pisti tologo! Pisti!!!! BAkit ganoon? Dapat ako yung nandoon e. -___- 

"Be, baka naman malusaw si karen niyan." asar sakin ni miles 

"Wag mong patayin sa isip mo be." julia.

Tapos sabay silang tumawa. Aba pisti tologoooooo! Argh! Argh! Inirapan ko sila. Maya maya natapos na rin. Lumapit sa kin si karen sabay ngiting nang aasar.

"Ang lambot ng kamay ni siiir!" sabay pakita pa ng kamay niya. Inirapan ko siya

"Wag ako karen ha? Ihahampas kita sa pader." sabi ko sabay nauna ng maglakas. Err. Kaletse ano po? 

Pumasok na kami sa room. Next subject na. KAso naiihi ako :) Lumabas ako, nagulat ako nandoon si Sir Daniel

"Oh, bernardo... ginagawa mo dito? Kakain ka na naman? Kaya ka mataba e!" asar ni sir sakin

"Mataba? Ako sir? Mataba? Seryosong tunay? Ang payat payat ko kaya." sabay pout ko. Tumawa siya ng malakas.

"Napagod ka?" napatigil ako. Nakasanayan na ni sir to, every P.E. after ng subject niya, hinding hindi niya kakalimutan yung "Napagod ka?" na itanong sakin. Tumawa lang ako.

"Sige sir. Iihi lang ako." tapos tumakbo nako palabas. Nemen e.! Naihi ako sa kilig. Lol

------

Nasa labas kami ng school, may tambayan kasi kami doon sa lahat ng nag-aaral sa RT'green Academy (nagbigay ba ng name si otor niyo ng school? Kung hindi man, RT'Green Academy yung name. K?) paradise tawag doon. Nuxx. HAHAHAHA! 

Nagpapraktis kasi kami for the nutrition month , may laban kami. HAHAHA! Dancer to men! Lol. Nakita ako nung adviser namin...

"Oy bernardo! Paki akyat to sa taas ha?" utos niya sabay abot ng folders. Um-oo ako. sabay akyat. Pag-akayat ko nagulat ako ng may pumisil sa braso ko. Pag lingon ko si...

SIR DANIEL?

"Aray siiiir! Bakit moko kinurot?" pagmamaktol ko. Tumawa siya. Napatulala ako. Ang gwapong nilalang talaga nito.

Hinawakan niya yung braso ko, sabay sundot sundot. Namumula ko seriously!

"Lumiliit na braso mo! Effective yung wellness sayo." pang-aasar niya. Nag-pout ako. 

"Nako sir! Alis nako." sabi ko. Naglakad nako pababa ng hagdan ng biglang muntik nakong madulas. Napapikit ako.

"Nako! Miss bernardo, ang hirap naman niyan, ang careless mo... muntik ka tuloy mahulog... buti nasalo kita." pag dilat ko, mukha ni Sir Daniel yung nakita ko. Nasalo? Nahulog?

"Pag nahulog ba'ko sayo sir sasaluhin moko?" nakita kong natigilan siya. Kahit ako e, nagulat ako sa sinabi ko. I laugh nervously.

"Joke lang s-sir! Sige po." tumakbo nako palayo sa kanya. Napahawak ako sa dibdib ko.

Nahuhulog na ba ko? HINDI PWEDE! KAsi sigurado akong hindi niya ko sasaluhin, paano ako sasaluhin ng taong may nasalo na?

------------------

Crazy Inlove With Sir  ♥ ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon