Craziness 22

234 8 4
                                    

KATHRYN's P.O.V.

   

"Kath? Nak? Gising." dumilat ang isang mata ko at nagtago sa unan muli sa unan.

"Nak? Nak? Nasa baba na si miles mahiya ka naman." umuungol lang ako pero hindi pa rin ako tumatayo. Naramdaman kong tumigil ang pagyugyog sakin. Pero maya maya naulit ulit.

" Hmm? Five minutes. " Inaantok na sabi ko. 

"ARAY!" Napabangon ako bigla , hinampas kasi ako ni miles. Hayop yan.

"Five minutes? Anong five minutes? Malelate na tayo hoy! " sigaw na sigaw naman daw si miles. Grabe talaga tong babaeng to. Padabog akong tumayo at pumasok sa banyo. 

Nakapikit ako habang nagsashower. hinahayaan kong tumulo lang sakin ang tubig, 2 weeks, 2 weeks ng hindi kami nag uusap ni sir. 2 weeks mula ng mainis siya sakin because of that bitch. Wala nakong respeto don sa babaeng maharot na yun. Sa 2 weeks na yun, bihira ko rin siyang makita. May activity kasi ang MAPEH e, nagsabi naman siya samin pero kasi, namimiss ko talaga yun. Natapos nakong maligo, lumabas nako at umalis na kami ni miles. Saturday ngayon pero nasa school kami. Officer ako e, officer ng mapeh, Ayos no? 

" Babs? Alam mo nagtataka ko kay sir, wala naman ng ginagawa pero di pa rin pumapasok." titig na titig na sabi naman ni miles sakin.

"Alam mo milya, month pa rin nila. May dance contest pa nga tayo e." sabi ko naman sabay gupit ng para sa idedesign sa stage, bukas kasi yung dance contest.

"Kahit na babs, tapos na yung games e. Don lang naman siya responsible e Hays, ayokong sabihin to pero..." napalingon naman ako kay miles na deresto pa ring nakatingin sakin. Huminga muna siya ng malalim.

" Feeling namin dahil to don sa encounter niyo e, kinakabahan na nga yung iba kasi may lumapit kay sir, tas sabi niya ' ayoko ng pumasok sa section na maattitude' Babs, lapit kana kaya kay sir? Magsorry kana?" mahinahon na sabi ni miles, napabuntong hininga naman ako. Bakit kasalanan ko? Kasalanan naman yun nung babaeng yun e! Napatingin na lang ako sa hawak kong colored paper. 

"Sinong magsosorry?" napataas naman ako ng tingin at nakaramdam ng relief. 

"Rexybabes!" tumayo ako at niyakap siya ng pagkahigpithigpit. Komportable talaga ko sa lalaking to e 

"Haynako, si kath rex, alam mo na. yung about kay sir. Naririnig mo naman na siguro yun dba?" nakatingalang sabi ni miles, sabay buntong hininga pa..

" Bat magsosorry si kutng ko? Walang ginagawang kasalanan ton pusang matabang to." Sabay gulo ng buhok sakin. Napapout naman ako.

"Sama mo sakin payatot ka!" sabay hampas ko sa may tiyan niyang mataba.Napahawak naman siya doon at nag inarte, may papikit pikit pa habnag sinasabing 'aww' habang walang boses. Tumawa lang kami ni miles. Maya maya naman nagpaalam si miles, pupunta muna siya sa jowang si marco. Sus, walang forever!

Naiwan kami ni rex dito, nagugupit at nagdedesign ng stage. Marami naman kami e. Pero syempre, kami yung close ni payat. Nag aasaran lang kami ni rex ng mapatigil ako sa isang pamilyar na boses

"Ayos na ba yung stage? Tapos na ba?" shit. 2 weeks kong di narinig yu a. Two weeks. Ayoko man, napalingon ako sa kanya, eksakto, tumingin din siya sakin.

"Sir, hindi pa po." narinig kong sabi ni she, isang officer. 

"Hindi pa pala e, bakit may naghaharutan?" mataray na sabi niya samin. Pero hindi nawala ang tingin niya sakin, samin ni rex. Nauna siyang nagbawi ng tingin at tumalikod. Napayuko ako. Namimiss ko na yung kulitan namin. 

"Shit." yun lang ang nasabi ko ng pahiran ako ng glue ni rex sa mukha



"Ang baboy mo payaat!" pero sinakyan ko naman ang trip niya. Nagpahiran kami ng nagpahiran ng glue. Nagtatawanan kami ng magulat ako ng imbes na glue ang ipahid niya, pinahid niya ang luha ko. Putik, naiiyak ako. Kinabig ako ni rex.

"D-dapat na ba kong mags-sorry?" nauutal kong sabi, pahikbi hikbi pa nga ako e. 

"Wala ka namang kasalan kuting ko e." Mas lalo pa niyang hinigpitan ang yakap niya. Yun nga e, wala kong kasalanan pero ang sakit e

"N-Namimiss k-ko na-" 

"Shh. Tama na bby kuting. Huwag ka ng umiyak. Nasasaktan akong makitang ganyan ka e. Hays. Bakit ba kasi siya ang nagustuhan mo?" iniangat ni rex ang mukha ko, he cupped my face and wipe my tears.

"Hindi ko alam e, hindi ko alam, pero kasi.. iba yung pakiramdam ko kapag nandyan siya. Gusto ko siyang yakapin ngayooon" sabay hagulgol ulit. Miss na miss ko na yung teacher ko na inaasar ako lagi. Iyak ako ng iyak sa dibdib ni rex. Naghum naman siya,kakanta siguro siya...

"binabasura ng iba ang siyang pinapangarap ko" yun lang ang huli kong narinig na kanta niya at nakatulog nako. 

-----

#TeamSir? o #TeamRexybabes? hahahaha. 





Crazy Inlove With Sir  ♥ ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon