Craziness 23

196 10 0
                                    

Kathryn's P.O.V.

Whooo. Kinakabahan ako. Huehue. Dance contest na namin ngayon. Waaaaah

"Okay guys, last practice!" Sabi nung choreo namin. Pumwesto na kami. Nagstart yung music at nag isang bigay kami. Pagkatapos, nagpaikot kami at ginawa ang lagi naming ginagawa kapag may laban, ang magdasal.

"Ate kath, tawag po kayo ni maam pia sa loob." napalingon naman kami sa isang lower year na officer. Tinignan ko ang groupmates ko at tumango, hiningi ko na rin yung pangregister namin. Pag dating ko, nagulat ako... WTF. Nasa stage siya. Huminha muna ko ng malalim bago umakyat sa stage. Nakayuko lang ako.

"Bernardo." Inangat ko yung tingin ko. Si ma'am pia. Masungit ang aura niya, kinakabahan ako.

"Ma'am, pinatawag niyo daw po ako." Mahinahon kong sabi. Ilang na ilang ako. Nyemas. Nasa gilid si sir. Nasa gilid. Uulitin ko! Nasa gilid lang siya at ramdam na ramdam kong nakatitig siya sakin.

"Nasaan si marcus? President yn dba? At ikaw, vice president ka pero kasali ka sa program? Ano na lang iisipin ng iba? Dapat kayo yung nag oorganize neto e! Pero wala kayong ginagawa! Hindi ba kayo nahihiya kay sir daniel at sir jay? Sila pa ang nag aasikaso!" Hindi ko maiwasang mapalingon sa pwesto nila sir, nakatingin siya sakin... concern. Yun yung nakita ko sa mga mata niya. Concern siya... sakin?

"Bernardo! Nakikinig ka ba? Huwag kang sumayaw! Mag quit ka dyan! Mag asikaso ka dito!" Yun lang at tumalikod na si ma'am pia. Nanghina yung tuhod ko. Ang saya saya kong pumasok dito, excited na excited ako tapos ganto pala? Napakuyom yung kamay ko dahilan para magusot yung listahan ng pangalan namin. Naiinis ako. Hindi ko pwedeng iwan ang grupo. Hindi man ako magaling sumayaw pero naniniwala ako na hindi ko silang pwedeng iwan ng ganon. Ugh. Naiiyak ako...

"Bernardo..." mahinang tawag sakin ni sir jay. Tumingala ako sa kanya at nag thumbs up. Pilit din akong ngumiti bago tumakbo palabas, doon may kakampi ako. Doon nandoon ang ikalawang pamilya ko.

"Kaaath..." salubong sakin ni julia pero yumakap agad ako sa kanya. Naiiyak ako.

"Anong sabi ni ma'am?" Mahinahon niyang sabi sakin. Lumapit na rin yung iba naming kagrupo, lahat sila inaalo ako.

"h-hindi n..na daw ako pu-pwedeng su-su-sumayaaw..." at lalo pa kong napahagulgol. Niyakap naman nila ko. panay sila okay lang yan kath. Nandito kami kath.

"Anong hindi? Sasayaw ka. Sasayaw tayo. Grupo tayo at hindi tayo sasayaw ng may kulang." Madiin na sabi ni miles. "Tumahimik ka na dyan pusa, papasok na tayo sa loob at magpaparegister." Tuloy pa niya. Pinunasan ko ang mga mata ko. Huminga ko ng malalim at ngumiti. Hawak kamay kaming naglakad at sumama sa loob. Si miles na ang nagparegister, halata sa mata kong umiyak ako... ayokong makita yun ni sir. Hay.

Maya maya pinapila na kami. Tinawag na yung mga contestants, elimination pa lang naman to. Whoo. next na kami. Binigay na ni clare yung piece namin at nagstart ang tugtog. Ang saya lang kasi judge si sir daniel at nakatapat pako sa pwesto niya, punyemas yung step pa namin sa part na matapat ako sa kanya yung pangsexy. Ugh.

Nakatingin ako sa mata niya, dapat seductive sabi ng choreo pero di ko kaya gayong nakatingin din siya sakin. Titig na titig siya sakin. Wtf. Ngayon ang ako nahiyang sumayaw sa tatlong taon ko sa schol. Jusko. Nag iwas ako ng tingin bago bumalik yung tingin sa kanya at pagkatapos nag half smile siya, yung parang nang aasar. Jusko. Ang hot niya.... save me from temptatioooon! Waaaaaah.

Natapos yung sayaw namin at ang elims ng hiyang hiya ako. Hays. lumapit ako sa stage para maglinis. Of course, officer ako dapat mag ayos. Nakasuot pa rin ako ng costume namin. Puting tshirt yun na may mga linyang x, tapos naka headband kami na panyo yung gamit. Nakatupi yung jogging pants na itim at nakahigh socks. Cool? medyo. Hahahha.

"Ang ganda mo talagang panuorin sumayaw. " nanigas ang buong katawan ko ng marinig ko yung boses niya. Hindi ako pwedeng magkamali... unti unti akong lumingon at nandon siya... nakatayo at nakatingin sa gilid. Naiilang din sakin si sir?

"S-sir..." mahinang sabi ko. ang tagal ko ng hindi nababanggit ang mga salitang yun. Tumingin siya sakin at ginamit ulit ang hal smile niya.

"Galing mo kanina. huwag... huwag mo ng isipin si ma'am pia... sge.. ano..aish." pagkatapos nun ay tumalikod na siya at naiwan akong tulala.

Iba talaga ang epekto mo sakin sir daniel.

-----
Happy mothers day sa lahat ng nanay sa buong mundo!

Crazy Inlove With Sir  ♥ ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon