Craziness 24

322 9 4
                                    

Dahan dahan akong naglalakad. Nakayuko ako at wala sa isip. Iniisip ko kasi si sir... ano bang bago don? Iniisip ko kung okay na ba kami? Two days na nung huli ko siyang nakausap. Yung sa dance contest. hay.

"Bibibibibibeeeees!" Napaigtad naman ako sa lakas ng sigaw ni julia. Tumingin ako sa paligid ko. Nasa room nako. Whoa. Nakarating ako ng wala sa sarili. I'm cool. Yeah.

"Why? Anong iniingay mo diyan milya?" tinignan ko siya ng may neutral na expression. Ngumiti lang siya sakin. Baliw din yang kaibigan kong yan. Dumiretso ko sa upuan ko ng maramdaman kong may humawak sa braso ko.

"Kooteeng! Lalabas po tayo! Ano? Papaiwan dito?" Napangunot naman yung noo ko. Lalabas? Bakit naman lalabas? Tinignan ako ni julia na parang sinsabing "hindi mo talaga alam?" Lalo tuloy nakakunot ang noo ko.

"Bespreng kuting, p.e. ho ngayon. First subject right? lalabas tayo" napatigil naman ako sa sinabi ni miles. Wtf. Pumasok na siya sa klase namin! Nagmamadaling tumakbo ko pababa at tinignan kung totoo nga and yes! There he is! Nakatayo sa tapat ng walong linyang tao, yun yung mga kaklase kong nakapila. Unti unti siyang lumingon sakin... gosh! Makapigil hininga this! Pero kumirot ang puso ko ng bumalik ang tingin niya sa mga kaklase ko. Galit pa rin siya?

Pumila nako sa grupo ko. Hindi kami magkagrupo nila rex, miles at julia.

"Goodmorning class. Ngayong araw na to, itutuloy natin ang pag aaral about sa steps ng salsa. Ituturo ko muna ang basic steps sa inyo." Tumalikod siya samin at nagsimulang ituro ang sayaw. Nakatingin lang ako sa bawat galawa niya. Sa bawat indayog ng katawan niya. Namimiss ko siya... yun yung narealize ko. Sanay kasi akong nasakin ang atensyon ni sir. Sanay akong every time na papasok siya sa room ako ang una niyang papansinin...

Napahinga ko ng malalim at sumunod sa mga steps na itinuturo niya.

"Jeana! Ang kulit mo talagang sumayaw." Nanigas ang buong katawan ko at tinignan ang gilid ko. Si jeana. Si jeana ang napansin niya... pero... pero dati... bakit ganon? Katabi ko lang naman si jeana pero bakit si jeana ang napansin niya? Bakit hindi ako? Kumikirot ang puso ko...

Walang buhay akong sumunod sa steps niya... lalo akong nawalan ng buhay ng paulit ulit kong naririnig ang tawa niya... ang mga tawa niyang dahilan ng kulitan nila...

"Kath okay lang yan." Napatingin ako sa likod ko. Si abby. Nakangiti siya sakin at parang sinasabing cheer up!

"Okay lang ako bi. Salamat" binigyan ko siya ng isang ngiti na hindi man lang umabot sa mga mata ko.

"Ramdam naming lahat ang pagbabago ni sir nung nakaraang mga araw. Hindi ng yan pumapasok dito diba? Isipin mo na lang atleast ngayon hindi na siya cold sa diamond. Nakikipagbiruan na siya...ngumingiti na siya" tumango lang ako at ngumiti. Binalik ko na ang tingin sa harapan ko at nakita kong nakangiti si sir... nakangiti sa iba kong kaklase.

Huminga ko ng malalim. Okay lang yan. Okay nga na ngumingiti na si sir sa diamond... atleast nagiging okay na, kaso ngayon ngumingiti na siya sa ibang dahilan... hindi na ako ang dahilan... pero kelan ba naging ako? Assumera. Mapait na napangiti ako.

Maya maya inutusan kaming pumunta by group at mag usap usap para sa magiging performance. Hay. Napatingin ako sa grupo nila miles at napakunot ang noo ko ng makita kong kinakausap nila si sir. Naiiyak si miles habang nangyayari yun. What the hell is their topic?

Natapos amg klase ni sir ng hindi kami nagpapansinan, dumiretso agad ako kila miles.

"Milya? Anong pinag usapan niyo ni sir?" Alam kong nagulat siya sakin. Tinignan niya ko at tumingin kay julia.

"Wala yon kath--"

"Panong wala jules? Eh umiyak si miles?" Napatigil silang dalawa at bumuntong hininga.

"Tinanong namin si sir kung galit siya sayo." Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa sinabi ni julia.

"Bakit niyo tinanong? Bakit niyoko pinangunahan? Dapat hinayaan niyo na lang." Naiinis ako. Naiinis ako kase nanghihimasok sila. Dapat hindi nila ginanun si sir! Dapat ako ang magtanong.

"Tingin mo ba hindi namin napapansin na masyado kang apektado kath? Concern kami bernardo! Best friend mo kami e!" Humihingal si miles matapos niyang sabihin yun. Naiinis na rin siya.

"Tinanong namin siya. Ang sabi niya wala na daw yun. Okay na daw. May mga nagbago daw yung ugali." Blanko ang expression ni julia habang sinasabi niya yan.

"Sabi namin sorry. Sabi niya okay lang... at tinanong namin kung mababalik pa ba ang closeness. Kasi kath lahat naman tayo close kay sir e... ikaw lang ang pinaka close, ang sabi niya hindi niya alam pero nung tinanong namin siya kung kanino talaga siya nainis... sabi niya... sa-sayo " Pagtutuloy na kwento ni miles. Umiwas ako ng tingin sa kanilang dalawa. Narinig kong bumuntong hininga si julia. Lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Teacher natin siya kath. Hawak niya ang grade mo, atleast mag sorry ka. Ikaw ang iniisip namin." Huminga din ako ng malalim at tumango. Kakausapin ko si sir.

"Isa pa... sabi niya, gusto ka niyang makausap ng personal. kaya hindi ka namin tinawag kanina." Napatingin ako kila julia at tumango. Kakausapin ko siya ngayon. Wala naman yung next subject teacher namin e. Bumaba ako ng hagdan. Umupo ako sa may gilid ng stage. Nasa likod kasi ng stage ang MAPEH department. Hindi ako mapakali. Ayoko namang pumasok dun. Nakakahiya. Ilang minuto nakong pabalik balik ng pag lingon ko... nandoon din siya. Nagulat din siya. Nag iwas ako ng tingin. Akmang babalik na siya ng MAPEH dept kaya tinawag ko siya.

"S-sir..." napatigil siya at lumingon sakin.

"Bakit? May kailangan ka?" Cold. Ang lamig ni si sakin. Huminga ko ng malalim.

"Sir..nakausap ko po si miles.. nasabi po nila sakin yung napag usapan niyo kanina." Nakita kong tumango siya...

"Sir, sorry po talaga if naoffend ko po kayo. Pasensya na po kung masyado kong feeling close at walang galang. Nakikita ko po kasi kayo as a father, alam niyo naman po sigurong nasa ibang bansa ang papa ko. Sir sorry po talaga..." nakayukong sabi ko. Pinunasan ko ang luha ko gamit ang kamay ko. Umiiyak ako.

"Tapos sir... sabi niyo pa daw po ang daming nagb-bago... so-sorry sir kung yumabang kami..." umiyak pako ng umiyak... namimiss ko na kasi si sir. Yung kulitan namin. Yung kwentuhan. Yung pang aasar niya. Miss na miss ko na yun. Narinig kong bumuntong hininga siya.

"Huag ka ng umiyak bernardo. Okay na yun. Nainis lang ako sa ibang kaklase mo pero wag kang mag alala... hindi ka kasama sa yumabang. Pero, at some point... na offend moko." Mahinahong sabi ni sir. Tumango tango lang ako. Pero umiiyak pa rin ako.

"Sorry po talaga sir..." nakayuko pa rin ako sakanya. Tinap niya yung ulo ko kaya napaangat ako ng tingin.

"Okay na yun." Rinig ko naman sa boses niya na okay na e. Pero yung sinabi nila miles naalala ko...

"Sir... sabi mo daw hindi na... hindi na mababalik yung closeness natin..." nahihiya kong sabi. Tinignan niya ko sa mga mata, may dumaang emosyon don pero diko mawari. Huminga siya ng malalim.

"Mahirap ng ibalik bernardo pero hindi ko sinasabing hindi na ibabalik. Let's just cross the bridge when we get there." Nakatingin lang ako kay sir at tumango.

"Sana sir mabalik... sana talaga sir..." mahinang mahina kong sabi. Miss na miss na kasi talaga kita e... sobra... sobra sobra... hindi ko ata kayang hindi ka nakakausap ng kagaya ng dati... hindi ko ata kayang may inaasar kang iba... hindi ko yata kayang nasa kanila ang atensyon mo... hindi ko ata kaya... hindi ko kaya... Gusto ko sanang idagdag, mabuti na lang at ngumiti siya sakin kaya nabaliw na naman ang sistema ko.

Nababaliw na nga ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crazy Inlove With Sir  ♥ ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon