Chapter 3 - Yuuki the priestess of suzaku

152 4 1
                                    

habang nakasunod lang ako kay gunggong ay para bang ang lapit na ng loob ko sa kanya.

''salamat pala kanina ahh.. tinulungan mo ulit ako.'' sabi ko.

''sabi ko na hindi ako tumatanggap ng salamat ang gusto ko pera naiintindihan mo ba yun ??.'' bagot na sabi neto.

wala na ba tong maisip kundi ang ang PERA!!!! PERA!! PERA!! mamatay na siya kasama ang mga pera niya ... joke lang xD.

tahimik lang kaming naglalakad at nakita may nakita akong tatto sa noo niya at may nakasulat na ''OGRE'' ... ano kaya ibig sabihin nun ??? kahit papano marunong akong magbasa ng chinese.

''gunggong ano yang nakalagay sa noo mo ano yan plastic surgery , hena, o tatto??.'' wika ko.

''sinong gunggong.??.'' inis na sabi niya.

''ikaw malamang sino pa ba kasama ko ???.'' bagos na sabi ko.

''hindi gunggong ang pangalan ko Guan Fo pero mas kilala ako sa pangalang Tamahome.'' sabi niya . tamahome pala palayaw niya ahh..

''ano nga yung nasa noo mo??.'' pag uulit kong tanong sa kanya.

''sabi daw sakin ng tatay ko ang nakasulat sa noo ko ay OGRE na ang ibig sabihin ay tagapagligtas sa mga na nangangailangan .'' pag wiwika niya.

''ahh.. nasan ba tayo ngayon ?? .'' sabi ko.

''nandito tayo ngayon sa timog kung saan nangangasiwa dito ay si suzaku at may emperador tayo na ang pangalan ay hotohori. ang karibal nilang kalaban ay ang seryuu na nasa silangan at ang emperador naman nila dun ay si nakago mahigpit ang labna ng dalawang kampo kaya sila lagi ang naglalaban. meron palang apat na diyos o tinatawag na ''THE FOUR GODS OF SEISHI.'' ang apat na ito ay mga Genbu, Byakko, Seryuu, at ang Zusaku. ang apat na diyos na yan ay may pitong tagpagtanggol na kung saan kapag nabuo mo ang pitong tagapagtanggol ay magkakaroon ka ng 3 kahilingan... '' pagpapaliwanag niya.

tama pala ang sinabi sakin nung lalake na kapag nabuo ang pitong tagapagtanggol ay magkakaroon ka ng kahiliningan at ang sabi niya pa ay ako ang hinirang na zusaku.

''oo nga pala dadaan dito ang emperador ng suzaku na si hotohori para makita niya kung ano na ang naging ganap sa labas ng kanyang nasasakupan.'' sabi niya

nakita ko na lang na nagbibigay ang mga tao ng daan at sila ay gumugilid para magkaroon ng daaan para sa taong dadaan sa lugar na ito. natanaw ko na merong naglalakad na naka armas at napapalibutan nila ang isang sasakyan na binubuhat at merong taong nakasakay dito. sa isang banda naman natanaw ko na nagbibigay sila ng galang sa dumadaan na tao o mas kilala nilang emperador. nag sink in sakin sakin ang sinabi sakin ni Tamahome na may dadaaan daw dito ang emperador na si hotohori biglang may pumasok sa isipan ko na lapitan siya para humiling na makabalik na sa aking mundo. tatakbo na sana ako ng maalala ko na kasama ko pala si Tamahome na nakatingin lang sa may nagpaparada.

''Tamahome.'' sabi ko . nakita ko na tumingin sakin si Tamahome at nagsalita,

''ano yun.'' sambit niyana para bang nababagot.

''pupuntahan ko lang ang emperador na si Hotohori para hilingin ko kung pede na akong bumalik sa aking mundo.'' pagwiwika ko.

''SAND----.'' sabi niya at hindi ko na narinig ang sinabi niya dahil mabilis akong tumakbo para mahabol ko si Hotohori at hilingin na pabalikin na ako sa aming mundo. nandito na ako sa tabi niya at sinusundan siya para sabihin ko na gusto ko ng umalis sa mundong ito.

The Suzaku Seven and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon