Kabanata 7

30 2 0
                                    

"Happy birthday, hijo. Mas lalo ka ata naging gwapo. Naalala ko pa noon ang cute cute mo pa." mom smiled and hugged Brook. Nagkatinginan na naman kaming dalawa but I managed to look away.


"Salamat po, tita." he smiled back and broke the hug. Nagtama nga ang aming mga mata pero hindi man lang niya ako pinansin. Okay? Ghost ata ako.


"Anyways, this is Patricia, my daughter." ipinakilala ako ni mama at dahil wala akong hiya ay binigyan ko si Brook ng pinakasweet kong ngiti. Nakita ko pa na ngumiwi ito but I still managed to smile infront of him. Akala niya siguro matu-turn off ako dahil suplado siya, akala niya lang 'yun.


"Hi Brook." I winked at him and let my hand out ot shake with his. I saw him bit his lower lip probably, stopping himself from laughing. Luh? Sa ganda kong 'to, tatawanan niya lang?


"Brook." he shaked his hands with me at hindi man lang umabot ng tatlong segundo ang paghawak ng kamay namin. Umiwas na din agad ng tingin si Brook sa akin kaya sinundan ko ang tingin niya.


He's staring at Chandria, na sobrang pabebe kung makangiti sa harap ng ibang tao. Gosh! Naalala ko na naman ang boses nito sa vlog niya.


"Mukhang totoo nga, anak." mom said out of the blue at na gets ko naman agad ang ibig sabihin nito.


If ever kung totoo man na official na pala sila ay wala na akong magagawa doon. Atleast hindi ako aasa ng bongga pero syempre deep inside super hurt ako pero ano pa nga ba ang choice kung doon siya masaya edi doon siya. I will still support him no matter what.


Pero duh, hindi sila bagay!


"Tara na, ma. Gutom na ako." sabi ko na lamang kay mama. Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa. I saw a long table na may mga pagkain, naks may pa catering!


I went straight at the table pero na bad trip lang ako nang may nakabangga sa akin. Amoy na amoy ko pa ang mabangong perfume nito.


"Ikaw pala..." Lucian smiled at me. Akalain mo nga naman, nasa harapan ko na si feeling close.


"Ako nga." sagot ko, I even raised my eyebrow at him para mag maging mukha akong suplada but he just laughed at me. I should ask him how he got my gmail the other day.


"Stop laughing at me. Paano mo nalaman ang email ko?" I asked. He smirked at me playfully.


"Nakita ko lang." he answered.


"Stop playing games, Lucian. Anong kailangan mo sa akin?"


"Puso mo." he laughed. Natigilan din ako sa kanyang sinabi but I managed to keep a straight face in front of him. "Kidding aside, nalaman ko lang talaga na ikaw ang bagong choreographer namin because your dad told me so."


"Tapos? Kinuha mo ang email ko sa kanya?"


Chasing Love (The Six Ladies Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon