Kabanata 16

49 3 0
                                    




"Happy Valentine's Day, ma, pa." I hugged them nang nakababa na ako mula sa aking kwarto. Early ko gumising since bibili pa ako ng gifts for my mama and papa plus yung kay Harris pa. Baka magtampo yun kung di ko binigyan ng regalo. Ugaling 6 years old din kasi yun minsan.


"Good morning. Happy Valentine's din, anak. Wala kang ka date?" mom joked. Tumawa din si papa sa tanong nito.


"Hindi pa naman ako gusto ng taong gusto ko, ma kaya wala munang date date." biro ko. I saw how my dad's face turned into a frown.


"Brook na naman ba?" dad asked. Napatingin naman si mama sa kanya.


"So? What's wrong, honey?"


"She should stop her feelings kay Brook. It would just affect his career-"


"Honey, alam ko na concerned ka sa reputasyon ni Brook but he is a human too at isa pa, hindi naman si Brook ang nagkakagusto sa anak natin. It's the other way around."


"Hindi lang naman kasi reputasyon ni Brook ang inaalala ko. I don't want our daughter stuck in a one-sided love. Ayaw ko siyang masaktan--"


"Honey, you're overthinking. Patricia let herself fall in love with that guy but that doesn't mean na kapag nasaktan ang damdamin nito ay hindi na niya itutuloy ang buhay niya. I know that our daughter is brave enough to face her consequences in the future and what we can do for now is to support her. Be there for her and advice her kung ano man ang hindi nito naiintindihan." mom smiled.


Hindi ko alam pero gusto kong umiyak sa sinabi ni mama. I immediately hugged her and mumbled I love you. Sana ay maintindihan ni papa. Hindi ko naman kasi sinadya na mahulog sa suplado na 'yun e. Kung pwede lang tigilan ang nararamdaman ko ay ginawa ko na.


"Hindi ko na alam ang sasabihin ko but handa naman akong suportahan ang anak natin kahit ano man ang mangyari." I broke the hug at napatingin kay papa. I smiled at him dahil parang musika ang salita nito sa aking pandinig. He is willing to support me! "But Patricia, kung alam mong wala na talagang pag-asa, please stop yourself. Alam ko na mahal na mahal ni Brook si Chandria. First love never dies."


Bigla akong kinabahan sa sinabi ni papa. It's true, though. Kahit na mageffort ako at lahat lahat ay wala pa din itong silbi sa mata ni Brook. Especially that he has a girlfriend. Ayaw ko naman na maging epal sa relasyon nila but my toxic self wants me to give everything kay Brook.


"Anyways, bakit ang aga mo ngayon? Akala ko nakabili ka na ng gift mo para kay Harris kahapon?" tanong ni mama.


"Kasi ano po... Natagalan po kasi ako sa pagpili ng gift para kay Brook kaya siya lang yung nabilhan ko kahapon but don't worry kaya nga maaga ako nagising para bumili ng gift para kay Harris at sa inyong dalawa."


Mom laughed. "Naalala ko noon ayaw na ayaw mo sa mga lalaki dahil puro koryano 'yang nasa isip mo. Anong nangyari ngayon?"


"Ma, si Taehyung pa din naman ang number one sa puso ko." I laughed.


After breakfast ay dumiretso agad ako sa mall. I bought roses for mom at new watch for dad. Medyo natagalan nga ako sa pagpili ng regalo para kay Harris but in the end I decided to give him shoes since mahilig ito magcollect ng mga sapatos. Kahit anong brand basta bet niya.


After buying those gifts ay dumiretso muna ako sa bahay. Syempre, binigay ko muna kay mama at papa ang mga regalo nila and then I went upstairs. Gusto ko lang naman ichat si Brook, hindi pa kasi ako nakapag-greet ng Happy Valentine's Day sa kanya.


Chasing Love (The Six Ladies Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon