Nang nasa loob na kami ng van ni Brook ay doon ko na napansin na hindi na talaga ako nagsasalita. Si Lucian lang naman ang nagsasalita and minsan si Brook din naman pero hindi siya kagaya sa kaibigan niya na hindi nawawalan ng topic. Mas lalo pa itong naging awkward dahil nasa gitna ako nilang dalawa kaya ramdam na ramdam ko tuloy ang presenya ni Brook. Naamoy ko na din ang mamahaling pabango nito.
God, he freaking smells so good!
Ilang minuto pa bago kami makarating sa isang restaurant. Isa itong Japanese restaurant at mukhang mamahalin. Nakakahiya naman dahil sakto lang yung perang dala ko pero sabi ni Lucian ay siya na daw ang bahala sa gastosin. Nahihiya pa nga ako pero blessings ang tawag dito. Hindi pwedeng tanggihan.
While we are eating ay napansin ko na sobrang focus ni Brook sa kanyang cellphone at parang may hinihintay ito. He looks so serious pero napakapogi pa din sa aking paningin. A smile crept into my face pero biglang nawala iyon nang tumikhim si Lucian.
I looked at him, nasa harap ko silang dalawa ni Brook. He smiled at me in a teasing way at nilipat ang tingin kay Brook na walang alam sa nangyayari ngayon and then he looked at me again. Kumunot ang noo ko sa kanya but he only covered his mouth and started to laugh at me which caught Brook's attention.
"Anyare?" he asked. Tumingin ito sa akin then kay Lucian na nagpipigil ng tawa.
"Nothing, bro. Ang ganda pala ni Patricia, no?" Lucian said and laughed again. Brook was confused at kahit ako ay nagpipigil ng sarili upang hindi masapak si Lucian. Sabi na nga ba e, hindi dapat ako sumama dito.
We continued eating after what Lucian did. Nauna akong matapos kumain sa kanilang dalawa. Napatingin ako sa pagkain ni Brook at nakita kong hindi pa nito nagagalaw ang tempura na nasa gilid niya. Favorite ko pa naman 'yan, hindi niya ba gusto?
"Here." nagulat ako nang nagsalita si Brook. He is holding a plate na may tempura ang offered it to me. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba o hindi dahil hindi kinaya ng utak ko na i-process ang lahat ng nangyayari ngayon.
"W-wag na, busog na–"
"Finish this." he said sternly and placed the plate in front of me. I unconsciously looked at Lucian na kung makangiti ay wagas. Ewan ko ba, nababaliw na ata 'yan.
"Thank you." I said in a soft and low voice. Gagi! Nahihiya ako pero sige na nga, si Brook na 'yung nagoffer e, tatanggi pa ba ako?
Nang nakalabas na kami sa restaurant ay pumasok na kami ulit sa van nina Brook. Same position kanina, nasa gitna ako nang dalawang 'to.
"Pupuntahan mo ba si Chandria ngayon?" tanong ni Lucian sa kaibigan. Brook nodded. "Ano yung entertainment niya?" he added.
"Moonstone. Kasama niya si Harris." Brook answered. The name was a bit familiar to me pero hindi ko na inisip 'yun baka narinig ko lang kay Mama at Papa noon.
"Harris? Ex niya 'yun diba?" Lucian asked. "Nako, bro. Delikado ka na." he added, laughing.
BINABASA MO ANG
Chasing Love (The Six Ladies Series #3)
Fiksi RemajaShe's an avid fan, a girl who sees him as a man. Where in he is a chapter on her book and she was merely a line for him. Should I stop chasing?