Kabanata 14

29 3 0
                                    


The next day ay nagkita kami ni Harris. He actually called me the night before. Namiss niya daw ako kaya nag-aya ito na kumain sa isang restaurant. Naalala ko tuloy kahapon ang nangyari sa McDonald's medyo nainis pa nga si Shine sakin dahil naistorbo ko daw ang tulog niya. Nakita ko naman talaga si Brook kahapon pero hindi ako nagpakita sa kanya. Ayaw ko naman na masira ang araw niya. Alam ko naman na naiinis yun sakin kahit hindi niya sabihin but it's okay though. Mahal ko pa din siya.


"Ngiti ngiti mo dyan? Naboang." nawala ang imagination ko nang marinig ko ang nakakainis na boses ni Harris.


"Iniisip ko lang si Brook." I honestly said. Nabulunan pa ito habang kumakain kaya binigyan ko agad siya ng tubig.


"Brook? Yung sa kompanya ng papa mo?" tanong nito. I nodded. "Luh? Gago akala ko jowa ni Chandria 'yun?"


"Oo pero-"


"Hala! Don't tell me..." lumaki ang mga mata nito. "Kabit ka?" he whispered. Agad ko naman na kinurot ang kanyang ilong. "Aray!"


"Ewan ko ba kung bobo ka or bobo ka lang talaga." naiinis na sambit ko. Tumawa lang si Harris sa akin.


"Crush mo 'yun, no?" tanong nito, mukhang seryoso na nga siya.


Tumango ako sa kanya. "Sino ba namang hindi? Mukhang oppa e."


"Sus, mas pogi naman ako dun."


"May lagnat ka ata?" pabirong tanong ko kaya napalitan ng inis ang nakangiting mukha ni Harris. "Anyways, crush ko nga siya pero ayon nga lang may jowa na. Hindi naman ako umaasa e but alam mo 'yun may bumubulong talaga sa akin na magfirst move ako sa kanya. Pero gagi beh, babae ako. Nakakahiya kaya kapag ako yung magfi-first move tas mare-reject lang."


"At least you tried." he smiled weakly. Ewan ko ba biglang nagbago ang aura ni Harris habang nagkwe-kwento ako.


"Ewan ko ba. Siguro ay taga-hanga lang talaga ako at wala ng iba." I bitterly smiled.


"Alam mo ba, first time ko talaga maranasan 'to Harris. Sa buong buhay ko sa kanya lang talaga tumitibok ng mabilis ang puso ko. Everytime I see his face nagslo-slow motion ang lahat. Nauutal din ako minsan kapag kausap siya. Gusto ko siyang yakapin tuwing malungkot siya."


"You're in love." simpleng tugon ni Harris. Natawa na lamang ako sa kanya. Hindi ko naman kasi madeny. I am probably in love with him.


"Pero ayon lang, may jowa na 'yun. Ayaw ko naman na makisawsaw sa relasyon ng iba."


Tumango naman si Harris. "Umaasa ka, no?"


"Medyo pero palagi ko talaga nilalagay sa isip ko na wala akong pag-asa. Nakikita ko sa mga mata ni Brook na sobrang mahal nito si Chandria. Maganda naman talaga 'yun pero hindi ko bet ang ugali." I sighed. "At isa pa, ayaw ko naman na maging selfish, no! Kung saan siya masaya edi doon na din ako. Support support lang ganon."

Chasing Love (The Six Ladies Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon