CHAPTER 3: RETREAT

4.9K 98 14
                                    

1 month have passed and today is September, it means malapit na ang retreat. Nasabi kasi sa'min ng adviser namin na magkakaroon kami ng retreat this September kaya lahat kami natuwa dahil 3 days din kaming may pahinga sa acads and guess what? Lahat kami sumama syempre sino bang hindi sasama makakarelax at makakapagpahinga utak mo sa kaka-aral.

Kasalukuyan kaming nasa room at wala kaming teacher kaya ang gulo namin sa loob. Bukas na yung retreat kaya sobrang excited na namin para bukas. Emergency schedule ngayon, it means maaga ang uwian dahil may meeting yung mga teachers namin tsaka para daw makapagpahinga at makapaghanda kami para bukas.

Katabi ko ngayon si Claire, syempre hindi kami mapaghihiwalay nito. Walang makakapaghiwalay sa amin. Si Mitchie naman katabi niya yung isa pa naming kaklase na naging close niya rin, I think her name is Reign. Mabuti naman at meron pa siyang naging kaibigan sa room namin.

Tandang-tanda ko pa yung sinabi sa'kin ni Claire last last month yung about kay Harry at Monica, sabi ko nga posible, kaya ayun yung posible ko naging posible nga. Opo! Nililigawan ni Harry si Monica and I think 1 month na rin siyang nililigawan ni Harry.

Ang galing lang, basta ba pag hilig mo rin yung hilig ng taong gusto mo posible at posibleng maging kayo balang araw. Hindi ko naman alam kung anong gagawin ko ngayon dahil wala naman dapat akong ika-selos at ika-galit sa kanila dahil isa lamang akong hamak na kaklase, kapatid, at kaibigan nila. Hanggang kaklase na lang talaga ako. Alam ko namang gets niyo ako, alam kong pag may crush kayo hindi niyo rin maiiwasang masaktan lalo na kung nalaman mong may nililigawan na pala siya pero still gagawin ko pa rin siyang inspirasyon, I wonder some of you ganon din yung gagawin.

FAST FORWARD ⏩

It's retreat day. Lahat masaya kung titignan mo kami ngayon, habang pababa ng bus dahil nandito na kami sa San Damiano Retreat House dito sa Tagaytay. Pagkababang-pagkababa namin kita mo agad ang napakalawak at napakalaking retreat house. Sakto lang naman yung klima hindi masyadong mainit at hindi rin gano'n kalamig. Yung simoy ng hangin akala mo nasa probinsya ka, yung tipong makakalimutan mo lahat ng problema at marerelax ka. May mga nakikita rin kaming parang malawak na garden kung saan pwedeng magcoffee dahil may tables and chairs din. Overall, maganda ang retreat house napakaheart warming.

Maya-maya ay pinakain na rin kami ng lunch dahil maglu-lunch na rin nung nakarating kami rito. In fairness, masasarap din ang mga pagkain na hinahain nila parang gusto ko na dito na lang mamalagi. Pagtapos namin kumain pinapunta na rin kami sa main hall nila para malaman na namin kung sino makakaroommate namin at para maibigay na rin yung susi.

As usual ka-roommate ko si Claire and si Mitchie naman ayun ka-roommate niya si Reign. By class number kasi yung ginawa nila kaya ayun marami na naman po ang masasayang mga bata.

Pinapunta na kami sa kanya-kanyang room para daw makapaglinis na kami at maayos na namin yung mga gamit namin. Na kay Claire yung susi namin kaya hindi na makapaghintay si Claire at hinila na ako papunta sa room namin. Pagkabukas ni Claire makikita ang 2 single bed, one in the left and the other is in the right. Mayroon ding 2 study tables and chairs, may 2 cabinets and 1 bathroom. Inayos na namin ni Claire yung mga gamit namin at nakapili na rin kami kung saan kami pupwesto. Me in the left and her in the right, yung 2 study tables and chairs at yung 2 cabinet naman magkatapat lang kung saan naka pwesto yung kama so, there's no struggle here. May balcony rin yung room namin kaya napakasaya naming dalawa dahil hindi namin sure kung lahat ba ng rooms dito eh may balcony. Pagtapos namin mag-ayos ni Claire napagpasyahan namin na pumunta sa balcony bago lumabas ng room dahil any minute magsisimula na yung activity namin for today. Here in balcony, natatanaw namin yung Taal Volcano dahil pang 3rd floor itong room namin kaya kita ang napakagandang tanawin sa Tagaytay. Napakaheart warming talaga parang gusto kong dito na lang talaga tumira.

Nang mapagdesisyonan na namin na bumalik sa main hall nakita na rin namin yung ibang mga classmates namin na papunta na rin doon. Makikita mo sa mga mukha namin ang saya dahil lahat kami ang bukang-bibig ay napakaganda ng retreat house.

Marami ring activities ang ginawa namin isa na ron yung about family, kung paano mas mapapatibay yung pagtitiwala kay God and lahat ng activities syempre hindi mawawala ang sharing. Sa nangyaring retreat na ito, masasabi kong mas natutunan kong makisalamuha sa iba. I'm an extrovert who likes to be alone. Ako yung tipo na masaya pag mag-isa pero masaya rin naman pag may kasama.

Sa buong activity at discussion sa amin ng guest speaker ay masasabi kong 'di namin maiwasan antukin. Nandito kami nakapwesto ni Claire sa 2nd row right sa unahan at si Harry at Kyle naman is sa 1st row left sa unahan kaya malaya akong natititigan si Harry. Katulad ko, inaantok rin siya ngayon dahil 4 pm na rin ngayon eh maya-maya pa kami magbbreak para magsnack. Si Kyle naman ayun tulog na. Naiiling na natatawa na lang ako. Nilibot ko yung paningin ko rito sa main hall, yung kaklase namin sa likod ayun mga tulog na, yung iba naman nagdadaldalan, yung iba nakikinig nilalabanan yung antok, kagaya ko.

Pagtingin ko sa pwesto nila Harry nakahead-down na siya at nakapikit na. Hindi na siguro nakayanan yung antok. Wala akong alam sa oras basta ang alam ko lang ngayon ay nakatingin lang ako ng magdamag kay Harry habang natutulog siya. Eto yung chance na matagal kong matititigan si Harry kaya why not. Nasira na lang yung pagtitig ko kay Harry nang magsalita si Claire.

"Teh, baka matunaw 30 mins mo na yatang tinititigan si Fafa Harry ah." bulong ni Claire sa tenga ko may kasama pang sundot sa tagiliran ko eh alam naman niyang may kiliti ako ron.
"Alam mo, mind your own business. Titigan mo rin si Juswa kung gusto mo." may irap at natatawa kong sabi sa kanya at tinignan na lang ulit si Harry.

Kahit tulog gwapo pa rin, ano ba naman yan. Kainis! Naiiling na napapangiti na lang ako at napagdesisyonan ko na lang na makinig sa guest speaker.

Past 7 pm nang i-dismissed kami para kumain na ng dinner at nang makapagpahinga na rin kami dahil tomorrow is the last day. Last day na namin dito kaya mas marami pa kaming activities na gagawin for tomorrow.

Kumain lang kami ng dinner and then pagtapos namin is dumeretso na agad kami sa mga room namin dahil yung iba gusto na rin maghilamos or maghalf-bath bago magpahinga. Gano'n lang din ang ginawa namin ni Claire at pagtapos namin maghilamos nahiga na kami and we share our good nights to each other.

Nakita ko na lang sarili ko na nakatingin sa kisame dahil hindi ako makatulog. Mabuti pa si Claire, mahimbing nang natutulog. Pagtingin ko sa orasan na nakasabit sa pader 10 pm na pala pero si Harry pa rin yung nasa isip ko. Haays malala ka na, Ciam. Maya-maya pinilit ko na lang yung sarili ko na matulog dahil bukas maaga pa kami. Panibagong araw, siya at siya pa rin.
乁༼☯‿☯✿༽ㄏ

¥ ¥ ¥
Song recommendation for this chapter 📣🎶

Titig by MC Einstein ft. Flow G, Yuridope & Jekkpot

Actually nirelate ko lang siya dito sa chapter like, puro titig ginawa ni Janine kay Harry tsaka fan din kasi ako kaya why not eto i-recommend ko. Thank you ulit, mga lodi~ Enjoy reading!

Kaklase (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon