EPILOGUE

3.1K 77 1
                                    

Months have passed and today is June. Hindi ako makapaniwalang nagmoving-up ako at Grade 11 na ako ngayon. Tuluyan ko na talagang nilisan ang St. Robert Academy at dito sa Harvey Tan University ko na pinagpatuloy ang aking pag-aaral.

Walang pasok today kaya naisipan kong ayusin mga gamit ko sa kwarto. Ang dami pa kasing nakatambak, lahat yata ng mga paper works ko noong high school eh nandito pa rin kaya balak kong ipagtatapon na yung mga hindi na kailangan. Lahat ng mga nakikita ko mga high school paper works ko pa. Nagulat pa ako nang makita ko yung autograph paper kung saan nakasulat ron yung mga messages and wishes sa akin ng mga previous classmates ko. Every school year ends kasi nagbibigay yung Guidance Counselor namin ng activity na ganito para naman daw mas mamiss namin ang isa't isa, legit nga kapag kasi nakikita ko 'to mas namimiss ko sila. Namimiss ko yung mga memories na nabuo namin. Mas namimiss ko yung high school life.

Binasa ko lahat ng mga nakasulat doon. Yung iba hindi ko malaman kung sino yung mga nagsulat dahil hindi ko ma-identify yung signature nila yung iba naman kasi hindi pangalan yung nilagay, nakakacurious tuloy. Natigilan na lang ako nang mabasa ko yung message sa akin ni Harry, hindi ko maalala na nagsulat pala siya sa paper ko atsaka 'di ko rin naman ine-expect na magsusulat siya.

Hi, Ciam! Good luck sa magiging career mo! And enjoy lang palagi!
-Harry

Napangiti na lang ako pagtapos kong mabasa yung message niya. Napailing pa ako dahil hindi man lang yata umabot ng 3 sentences yung message niya sa akin. Hanggang ngayon tamad pa rin siya kung magsulat.

Ang tagal na ring wala akong balita tungkol sa kanya, sa kanilang dalawa ni Monica pero ang alam ko sila pa rin dalawa, living and still kicking pa rin. Masaya ako para sa kanilang dalawa. Hindi ako naging bitter nang malaman kong naging sila. Hindi rin ako nagalit dahil wala naman akong karapatan para maramdaman 'yon, sabi ko nga kapatid at kaklase lang talaga nila ako at ganoon din naman ako sa kanila.

Binasa ko pa yung mga message ng iba kong kaklase. Natatawa na lang ako dahil napakaraming nagsabi na magpatangkad na raw ako. Jusko! Sana nga tumangkad pa ko 'di ba. Pero sige ipipilit natin yan.

Tapos na rin akong mag-ayos ng gamit kaya nagcellphone na lang ako magdamag. Wala rin naman akong ibang activity or assignment dahil tinapos ko na 'yun nung nakaraan kaya free time ko ngayon.

Kasalukuyan akong nanonood ng music video ng My Type ng iKON sa youtube nang magpop-up yung GC namin ngayong senior high. Nagchat yung joker namin sa room. Hanggang sa GC joker pa rin siya. Kung ano-ano na naman pinagsasasabi sa GC namin.

Matangkad si James, hilig niyang magbike kaya minsan lang din namin siyang makitang pumapasok sa klase dahil nagrride sila ng tropa niya. Masasabi kong cute din siya, ehe! Lahat ng mga banat at jokes niya bentang-benta sa amin. Kapag yata nagbibitaw siya ng jokes lahat kami tumatawa, literal na joker talaga siya ng section namin. Inaasar pa ako sa kanya ng mga kaklase ko kesyo crush daw ako ni James, ako naman si tanga kinikilig na naman ang ate niyo! Kaya eto ako napapatawa at nahihibang na naman nang dahil sa kaklase.

Hanggang dito na lang ang pagiging hibang ko. Muli, ako si Janine Sizon na nagsasabing, panibagong araw, panibagong crush na naman. Olrayt!!! 🤟🏻

THE END

Kaklase (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon