CHAPTER 5: RING

3.3K 80 1
                                    

Months have passed and today is December. Ilang weeks na lang magcchristmas break na kami kaya sobrang saya na naman namin dahil break nga walang pasok makakapaggala kami kung saan namin gusto, makakapagbonding kami ng family namin, at higit sa lahat icecelebrate namin ang Christmas at New Year ng may ngiti sa mga labi.

Kasalukuyan kaming naghihintay ngayon sa teacher namin sa C.L, last subject namin kaya mukha kaming excited na excited na umuwi. Yung ibang kaklase ko wala na sa tamang upuan nila, lumipat sila para lang makipagkwentuhan. Natigil na lang ang ingay sa room namin nang pumasok si Ma'am Eusebio, akala namin absent na si Ma'am pero ayun late lang pala siya.

Hindi na nagawang bumalik ng iba sa kani-kanilang mga upuan umayos na lang sila ng upo at tumahimik. Nagdiscuss lang naman si Ma'am about sa magiging performance task namin na ang pasahan is next year pa.

Habang nagddiscuss si Ma'am nang naiwan niyang lesson last week, ito ako pinaglalaruan ko yung singsing na nabili ko sa bangketa dito sa bayan namin. Mahilig ako sa mga murang gamit na mabibili dito malapit sa bayan namin, katulad nitong singsing na stainless at may black sa gitna nabili ko ito sa halagang bente pesos lang. Natutuwa na ako pag nakakabili ako ng mga ganito sa murang halaga. Feeling ko kasi ang plain kong tignan pag walang mga accessories. Katulad nitong hikaw ko na stainless na circle, doon ko lang din nabili sa halagang 30 pesos. Masasabi kong fan talaga ako ng mga gawang pinoy lalo na pag may tiangge na magbubukas dahil malapit na yung fiesta ubos yung pera ko kapag nagbubukas yung tiangge. Marami na akong nabibili sa halagang 100 pesos. Hindi lang sa shopee ang may budol, sa tiangge din.

Nakikinig din naman ako kay Ma'am wala lang talaga yung atensyon ko sa harap dahil nasa singsing ko ang aking atensyon. Ganito ako pag wala akong magawa. Parang stress ball ito para sa akin, nilalaro ko lang yung singsing at nakakalma na ako nito. Ang weird pa kasi sa hinlalaking daliri ko ito sinusuot kaya medyo malaki yung size ng singsing.

Habang nilalaro ko yung singsing ko, 'di ko naiwasan na mabitawan ito kaya gumulong ito papunta sa harap. Laking pasasalamat ko na lang talaga dahil hindi iyon naagaw ng pansin ni Ma'am dahil patuloy pa din siyang nagddiscuss pero yung mga kaklase kong nakaupo sa unahan 'yon ang mga nakaagaw ng pansin, miski itong si Joshua na katabi ko napatingin din sa singsing na gumulong.

Nagulat na lang ako nang si Harry ang nakakuha dahil saktong tumigil iyon sa gilid ng upuan niya. Kinuha niya yung singsing at tumingin sa akin, parang alam niya nang sa akin 'yon. Pero paano? Kanina pa ba niya ako nakikitang pinaglalaruan 'yon? Takte!

Hindi muna binigay sa akin ni Harry yung singsing dahil sinukat niya pa 'yon sa daliri niya at pinaglaruan niya rin. Eto ako hindi na mapakali sa upuan ko gusto kong tumili na ewan pero 'di ko magawa dahil nandito ako sa school at nagddiscuss si Ma'am. After how many mins binigay niya na ito kay Joshua para iabot sa akin. Pagkaabot ni Joshua sa akin nung singsing binigyan lang ako nito ng confused look at ibinigay na sa akin. Nawweirduhan na rin siguro si Joshua sa akin. Mukhang naaamoy na rin niya yata na may gusto ako kay Harry. Jusko po! 'Wag naman po sana.

Sa mga nagdaang buwan masasabi kong high school life talaga yung pinakamakulet yet pinakamasayang taon sa pag-aaral. Dito natin mararanasan yung mga makukulet moments dahil sa stage na ito kasabay nito yung puberty ng isang tao kaya habang naggrow may mga natututunan pa tayo.

Minsan kapag walang teacher akala mo yung room namin nagmistulang palengke dahil napakagulo at ang ingay. Yung iba nagkkwentuhan, nagtatawanan, natutulog, at nagkakantahan gawa ng napakarami naming singer na kaklase sa section namin. Ako minsan lang din ako makipagdaldalan. Mas prefer ko na lang talaga maghead-down kesa ibuka yung bibig ko, magpapahinga na lang ako. One time, or let just say madalas, kapag wala kaming teacher nililibot ko na lang yung paningin ko sa loob ng classroom namin, pinapanood ko yung mga kaklase kong nagtatawanan at nag-uusap minsan napapatingin pa ako sa row nila Harry at nagugulat pa ako kasi nakita kong sa row ko siya nakatingin eh samantalang nasa likod sa kabilang side nakaupo si Monica, kapag gano'n yung scenario bigla-bigla na lang ako maghhead down, ngingiti at titili ng walang boses dahil sa kilig. Hindi lang isang beses ito nangyari, maraming beses, sa sobrang dami hindi ko na mabilang.

Naa-eye contact ko rin si Harry minsan siguro 5 or 10 secs na yung pinakamatagal at ako yung unang nagbbreak ng eye contact namin dahil hindi ko makayanan yung tibok ng puso ko. Etong si Harry naman parang tanga, makuket din parang tinetest din ako ng isang 'to kung saan lang yung kaya ko. Tse! Pero jusko, bakit naman ganon? May girlfriend ka na, bakit ganito pa rin yung nararamdaman ko para sayo? Bakit ganyan ka? Ganyan ka lang ba talaga o ano? 'Di kita magets.
Σ(ಠ_ಠ)

¥ ¥ ¥
Song recommendation for this chapter 📣🎶

Going Crazy by TREASURE

Gusto ko lang i-recommend para hindi lang ako yung nababaliw at para ma-lss din kayo sa "michyeogane" tsaka inii-stan ko TREASURE so, please listen to this song and to their other songs. Hi there, Teumes! Thank you, mga lodi~ Enjoy reading!

Kaklase (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon